Tambuling Batangas Publication December 19-25, 2018 Issue | Page 2
BALITA
December 19-25, 2018
Capability Building Programs
para sa Lalawigan ng Batangas,
tinalakay
Education Fund o SEF.
By Mamerta De Castro
Tinalakay sa isinagawang joint general assembly meeting ng Provincial Development Council (PDC) at Provincial Disaster
Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga Capability Building Programs para sa lalawigan ng Batangas na
makakatulong upang mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga batangueno. (Photo Courtesy of PIO Province Caption by Bhaby P.
De Castro-PIA Batangas)
Meat Safety Seminar isinagawa
sa Lungsod ng Batangas
Nagpaalala si Dr. Macario Hornilla sa lahat ng mga nagtitinda ng karne, stall/shop owners at meat handlers ukol sa proper hygiene
on meat handling sa isinagawang Seminar on Meat Safety sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS). (Photo
courtesy of PIO Batangas City/Caption by Bhaby P. De Castro)
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
Disyembre 19 (PIA)- Isang
meat safety seminar para sa
mga meat handlers sa lungsod
ang isinagawa sa Office of the
City Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS) kamakailan.
Ito ay bilang bahagi
ng pagdiriwang ng Farmers,
Cooperators and Fisherfolks
Week kung saan nagsilbing
resource speaker si Dr. Ma.
Fatima Amparo, Meat Control
Officer I ng Provincial Veterinary
Office.
Ibinahagi
nito
ang
mga pamamaraan kung paano
mapapanatiling sariwa at ligtas
ang mga karneng ibinebenta at
binibili sa mga pamilihan. Itinuro
din niya ang mga tamang gawi
kung paano ang meat handling
sa mga manininda ng karne, stall
owners at slaughter workers.
“Mahalaga
po
na
mayroong health certificate at
sumusunod sa Meat Inspection
code ang lahat ng magtitinda
ng karne upang maiwasan ang
anumang sakit o bacteria na
maidulot ng hindi maayos na
paghawak sa karne,” ani Amparo.
Samantala,
tinalakay
naman ni Teresa Magno,
Consumer Protection Officer,
National Meat Inspection Service
(NMIS) ang IRR o implementing
Rules and Regulations para sa
Administrative Order No. 5 o
Hygienic Handling of Newly
Slaughtered Meat.
Aniya, may mga tamang
pamamaraan sa pagkakatay,
paghawak at pagbebenta ng karne
upang masiguro na ligtas ito sa
anumang kontaminasyon.
“Sa pagbili po ng karne, mas
mainam na gawin ito sa umaga
dahil dito makikitang sariwa
ang karne at gamitin ang ating
mga senses pantingin, pang-
amoy at pakiramdam. Madaling
Makita ang sariwang karne dahil
kapag hinawakan mo ay hindi
lumulubog ang karne at dapat ito
ay mapula,” ani Magno.
Tinalakay din nito ang
Administrative Order No. 6 o
Hygienic Handling of Frozen,
Thawed and Chilled Meat kung
saan dapat panatilihing nasa
loob ng freezer ang mga frozen
products dahil malaki ang tsansa
nitong makakuha ng bacteria
sakaling ilabas sa freezer at maiba
ang temperature.
Ayon kay Dr. Macario
Hornilla, pinuno ng OCVAS,
hinihikayat nila ang lahat ng meat
vendors na magsuot ng uniporme,
apron at hair net bilang hygienic
practices. Mas presentable din at
mas madaling mabenta ang mga
tindang karne kapag nakikita ng
mga mamimili na maayos ang
magtitinda. (Bhaby P. De Castro
with reports from PIO Batangas
City)
LUNGSOD
NG
BATANGAS,
Disyembre 21 (PIA)-Tinalakay ang
Capability Building Programs (CBP)
para sa lalawigan ng Batangas sa
isinagawang Joint General Assembly
ng Provincial Development Council
(PDC) at Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Council
(PDRRMC) sa Bulwagang Batangan
noong ika-13 ng Nobyembre.
Pinangunahan ni Governor
Hermilando
Mandanas
ang
pagpupulong kasama ang mga opisyal
ng pamahalaang panlalawigan at mga
alkalde at empleyado ng iba’-ibang
lungsod at munisipalidad na layong
mas mapalawig pa ang tulong at mga
proyektong naka-sentro sa kaunlaran
ng lahat ng mga Batangueno.
Sa pagpapaliwanag ng
gobernador sa mga partisipante,
plano ng pamahalaang panlalawigan
na humiram ng halagang apat na
bilyong piso sa anumang financial
institutions para sa Educational
Capability
Program,
Health
Capability Program at Capability
Development Program for LGUs
na nakapaloob Capability Building
Program.
Aniya, ang CBP ay legal na
binalangkas sang-ayon sa Republic
Act 7160 o Local Government
Code, kung saan nakapaloob ang
full autonomy ng Kapitolyo sa
pagsasakatuparan ng proprietary
functions, kabilang ang magpasok sa
loan agreements sa anumang bangko
ng pamahalaan at mga institusyong
nagpapautang.
Sa programang nakatuon
sa edukasyon, ilalaan dito ang
halagang isang bilyong piso para sa
pagpapatayo ng Open Classrooms
at Education Buildings with
Library Hub. Kasama rin dito ang
pagkakaroon ng Service Vehicles,
LED screens para sa elementarya
at sekondaryang mga paaralan,
Instruction Materials, Educational
Assistance Program at iba pang
proyekto sa labas ng regular Special
Isang bilyong piso rin ang
ilalaan sa Health Capability Program
na nakatuon sa Batangas Provincial
Hospital bilang isang Economic
Enterprise. Ito ay base sa ilang mga
naipasang resolusyon at ordinasa
gaya ng Resolution No. 05-2018
o Converting Lipa City District
Hospital, Laurel District Hospital,
and Apacible Memorial District
Hospital as economic enterprise at
Provincial Ordinance No. 016-2017
o Batangas Public-Private Joint
Venture.
Kasama rin sa proyektong
pangkalusugan ang pagkakaroon
ng Construction of Dialysis and
Diagnostic Building at pagbili ng
mga kagamitang pang-medikal
katulad ng Computed Radiography
System, CT Scan Machine with
Complete Set-up and accessories,
2D Echo Machine, MRI Machine
at Automatic External Defibrillator
(AED) for ambulance use.
Huling
pinagusapan
at binigyang diin ni Governor
Dodo Mandanas ang Capability
Development Programs for LGUs
kung saan dalawang bilyong piso
ang ilalaan at hihiramin sa bangko
na makakapagbigay ng pinakamaliit
na interes.
Ayon
sa
gobernador,
malaking tulong ito sa mga
munisipalidad at lungsod sa probinsya
para sa minimithing mayamang
Batangas. Ilan sa pre-identified
projects ay mga ambulansya, service
patrol vehicles, construction of
water systems, pagpapagawa ng mga
multi-purpose buildings, repair of
pathways, generator sets at iba pang
mga proyekto.
Samantala, inihayag ng
gobernador na kabilang sa magiging
pambayad sa naturang loan ay ang
napipintong pagtaas ng Internal
Revenue Allotment (IRA) base sa
matagumpay na naging resulta ng
inihain niyang petisyon sa Supreme
Court. (Bhaby De Castro, PIA
BATANGAS with reports from PIO
PROVINCE)
Sto. Tomas... mula sa pahina 1
Cavite (P1.598-bilyon).
Napabilang
din
ang
Lalawigan ng Batangas sa sampung
pinakamayayamang probinsiya ng
bansa na nasa ikatlong puwesto
na may P15.568-bilyon assets.
Nanguna pa rin ang Cebu (P34.139-
bilyon); Compostela Valley (P18.95-
bilyon);
Rizal
(14.02-bilyon);
Negros Occidental (P12.889-bilyon);
Zambales (P10.455-bilyon); Bulacan (P10.451-bilyon); Palawan (P10.159-
bilyon); Iloilo (P10.045-bilyon); at
Pampanga (P9.53-bilyon).
Ang naturang Annual
Financial Report ay batay sa
isinumiteng ulat ng ibat-ibang local
government units (LGU) mula sa
80 probinsya, 142 lungsod at 1,440
munisipalidad sa bansa. (Bhaby P.
De Castro, PIA BATANGAS with
reports from Sto. Tomas MIO)
PADAC...
ang Munisipalidad ng San Luis ang
kauna-unahang bayan sa buong
Pilipinas na naideklarang drug free
municipality.
Sa regular na pagpupulong
ng PADAC, sinabi ni Dr. Amante
Moog,
department
head
ng
Provincial Assistance for Community
Development Office at chairperson
ng Technical Working Group ng
konseho, na magkakaroon lamang ng
katuparan ang hangarin ng Mandanas
administration nang isang malayang
lalawigan sa epekto ng ipinagbabawal
na gamot sa taong 2025 kung patuloy
na kikilos ang bawat ahensya at
mula sa pahina 1
departamentong kasapi ng PADAC at
sa tulong na rin ng komunidad.
Bukod umano sa patuloy
na pakikipag-ugnayan sa mga
barangay ng probinsya, Nagkaroon
ng sabay-sabay na motorcade sa lahat
ng bayan at siyudad ng lalawigan na
ginanap noong Nobyembre 29, 2018
upang higit na paipabatid sa publiko
ang sama-samang kampanya laban
sa salot na droga. Ito ay nilahukan
ng PNP, DILG, pamahalaang
panlalawigan ng Batangas at iba pang
mga stakeholders. (Bhaby De Castro-
PIA Batangas with reports from PIO
Batangas Province)