Tambuling Batangas Publication December 19-25, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Videoke highlights Pinoy Yuletide bonding... p.5
Capability Building Programs
para
sa
Lalawigan
ng
Batangas, tinalakay p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
NEDA 4A holds
dissemination forum
for prov’l economic
accounts study p. 5
Tanauan City, ginawaran
ng Seal of Good Local
Governance p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 51
December 19-25, 2018
P6.00
Lalawigan ng Batangas, kinilalang
Local Autonomy Champion
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
Disyembre 21 (PIA)- Kinilala ang
pamahalaang panlalawigan ng
Batangas bilang Local Autonomy
Champion sa Regional Star
Awards na idinaos sa Sta. Rosa,
Laguna kamakailan.
Ang
naturang
pagbibigay parangal na may
temang: “One Region, One
Strong Cooperative Movement,”
ay nakamit sa pamamagitan
ng tanggapan ng Provincial
Cooperative, Livelihood and
Enterprise Development Office
(PCLEDO).
Ayon
kay
Celia
Atienza, pinuno ng PCLEDO,
isa sa dahilan kaya natanggap ng
lalawigan ang special recognition
ay dahil sa ito ang kauna-unahang
naglunsad ng cooperative office
sa ilalim ng termino ni Governor
Dodo Mandanas noong ito ay
unang
manungkulan
bilang
Punong-lalawigan noong taong
1995.
Dagdag
pa
rito,
ang probinsya rin ay may
malakas na adhikain sa lokal
na pamamahala sa paghahatid
ng mga pangunahing serbisyo
sa linya ng kooperatiba na may
layuning makapagtaguyod ng
Sundan sa pahina 3..
Sto. Tomas, Batangas pang-
apat sa pinakamayamang
munisipalidad sa bansa
By Mamerta De Castro
STO.
TOMAS,
BATANGAS,
Disyembre 21 (PIA)- Umangat
sa pang-apat mula sa ikalimang
puwesto ang bayang ito sa listahan ng
pinakamayamang munisipalidad sa
bansa batay sa report na inilabas ng
Commission on Audit (COA).
Ayon sa 2017 Annual
Financial Report ng COA, tinatayang
P2.15-bilyon ang halaga ng kabuuang
yaman o pag-aari ng baya ng Sto.
Tomas na katumbas ng 12.5% na
pagtaas mula sa P1.911-bilyon noong
2016.
Kaugnay nito, nakapagtala
din ang Sto. Tomas ng kabuuang
kita na P721-milyon sa naturang
panahon, mas mataas din ng 21.27%
kumpara sa 2016, na nalikom mula
sa mga lokal na buwis, permits and
licenses, service and business income
at kabahagi sa internal revenue
allotment (IRA).
Samantala, nanatili pa rin
bilang pinakamayamang munisipyo
ang Cainta, Rizal na may kabuoang
asset na P3.988-bilyon.
Nasa
pangalawang puwesto ang Sual,
Pangasinan (P2.529-bilyon); at ikatlo
naman ang Limay, Bataan (P2.426-
bilyon). Kabilang din sa top 10
ang mga munisipyo ng: Mariveles,
Bataan (P2.091-bilyon); Tanay, Rizal
(P1.793-bilyon); Carmona, Cavite
(P1.659-bilyon); Narvacan, Ilocos
Sur (P1.627-bilyon); at, Silang,
Sundan sa pahina 2..
Itinanghal na Local Autonomy Champion ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Cooperative
Livelihood Enterprises and Development Office(PCLEDO) sa isinagawang Regional Star Awards sa Sta. Rosa Laguna kamakailan.
(Photo courtesy of PIO Batangas Province,caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)
PADAC-Batangas nakiisa sa pagdiriwang
ng Anti-Drug Abuse Month
By Mamerta De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS,
Disyembre 21 (PIA)- Iba’t-ibang
mga aktibidad ang isinagawa ng
Provincial Anti-Drug Abuse Council
(PADAC) bilang bahagi ng pakikiisa
nito sa pagdiriwang ng National
Anti-Drug Abuse Observance sa
buong buwan ng Nobyembre.
Layon ng mga aktibidad
na ito na maipabatid sa publiko
sa pamamagitan ng information
dissemination
ang
masamang
epekto ng ipinagbabawal na gamot
sa kalusugan ng tao at maging sa
komunidad.
Nauna
na
rito
ang
pagpapalabas ng Executive Order
No. 2 HIM-10 at Executive Order No.
2 HIM-10A ni Governor Hermilando
“ Dodo” Mandanas, bilang pagtalima
sa Local Government Code at
memorandum circulars na ipinalabas
ng Department of the Interior and
Local Government upang mabuo
ang Batangas Provincial Anti-Drug
Abuse Council na naglalayong
maideklara ang Lalawigan ng
Batangas na ligtas sa ipinagbabawal
na gamot, mapanatili ang estado nito
bilang mapayapang pamayanan at
maging inspirasyon ng ibang bayan
at probinsya hinggil sa pagsugpo sa
illegal na droga.
Ayon kay Police Chief
Inspector Rodel Ban-o, deputy
chief ng Intelligence branch ng
Batangas Police Provincial Office,
umabot sa 30,721 ang sumuko sa
isinagawang Oplan Tokhang ng
kapulisan sa lalawigan. Sa kabuuang
1,078 barangays sa lalawigan, 490
barangays ang naideklarang drug
free.
Sa 34 na munisipalidad
at lungsod ng lalawigan, siyam
na bayan ang declared na drug
free municipalities, kabilang ang
Taal, Alitagtag, Balete, Cuenca,
San Nicolas, Sta.Teresita, Talisay,
Tingloy at San Luis. Matatandaang
Sundan sa pahina 2..
Natatanging agricultural
workers pinarangalan
By Mamerta De Castro
Isinagawa ang parangal sa mga natatanging agricultural workers sa office of the City Veterinary and Agricultural Services(OCVAS) kamakailan. Makikita
sa larawan sina 5thDistrict Representative Marvey Marino, Mayor Beverley Marino, at mga ginawaran ng parangal at iba pang bisita sa pagdiriwang.
(Photo by PIO Batangas City/ Caption by Bhaby P De Castro-PIA Batangas)
LUNGSOD NG BATANGAS,
Disyembre 21 (PIA)- Ginawaran
ng parangal ng Office of the
City Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS)
ang mga
natatanging magsasaka at iba
pa sa pagdiriwang ng Farmers,
Cooperators
and Fisherfolks
Week kamakailan.
Ang
naturang
parangal ay bilang pagkilala
sa mahalagang kontribusyon
ng mga ito sa pagpapalago ng
sektor ng agrikultura.
Nagsilbing
keynote
speaker si Department of
Agriculture Regional Executive
Director Dir. Arnel de Mesa
na kinatawan ni Antonio Sara,
head ng Livestock Operations
ng Department of Agriculture
Region IV- A Calabarzon.
Ipinaabot niya ang taos- pusong
pasasalamat sa mga magsasaka
na syang nagbabanat ng buto
upang magkaroon ng pagkain
sa hapag kainan ang bawat
mamamayang Filipino.
Binigyang-diin
niya
na ang agrikultura ang punot
dulo ng kaunlaran ng bansa
kung kayat hinikayat niya na
patuloy na linangin ang naturang
Sundan sa pahina 3..