Tambuling Batangas Publication December 12-18, 2018 Issue | Page 5

OPINYON December 12-18, 2018 Gov’t agencies form task force vs environmental crime By Elsha Marie B. Soriano CLIMATE change and global warming affect all countries in the world. Sadly, we cannot reverse the effects of these environmental concerns, but every individual can take an action to delay its worst effects. In taking the action needed, environmental law should be strictly enforced and cooperation among various sectors in the community is highly needed to protect the environment for the future generation. Section 16 of Article 2 of the 1987 Philippine Constitution provides a state policy to “protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature.” However, irresponsible individuals and groups continue to undermine all environmental laws, rules and regulations related to this state policy. As a result, deterioration of the environment, destruction of the natural resources and even the loss of lives are being experienced around the globe. In Pangasinan, the local government unit of Labrador takes the lead to protect the environment and natural resources within the municipality by creating a multi-sectoral task force against environmental law violators. The task force, which is composed of enforcers from local government unit of Labrador, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Interior and the Local Government (DILG) and Office of the Civil Defense (OCD), was formed on November 28 in Labrador, Pangasinan. Members of the task force signed a pledge of commitment to ensure the survival of the future generation and guarantee its fulfilment for a healthful and balanced ecology. According to Lawyer Arlyn Katherine Buduhan, officer-in-charge of the Dagupan City Environment and Natural Resources Office (CENRO), the formation of the task force aims to promote multi-sectoral cooperation in environmental law enforcement within the municipality of Labrador in accordance with their respective mandates. Buduhan said the members declare their cooperation to multi-sectoral environmental law enforcement through the following: 1. Provide fast and efficient respond to verified reports coming from any sources; 2. Improvement of environmental law enforcement, ranging from deterrence, investigation, arrest, searches and prosecution, to enforcement of judgements against illegal natural extraction and degradation, and for the protection of environmental quality; 3. To ensure protection of communities facing environmental injustice, harassment, and other threats from environmental law violators; 4. Promotion of cross-agency coordination of responsibilities, jurisdictions and capabilities towards ensuring the imposition of penalties and enforcement of any ordered cessation or demotion; 5. To ensure sustained impacts of enforcement actions; and 6. Enhancement of the deterrent power of the Task Force members as part of their regular performance of functions. Mayor Artemio Arenas added that the Sangguniang Bayan of Labrador is very willing to pass a resolution adopting the anti-ENR crime task force. Likewise, the local chief executive urged all the task force members to work hand in hand in making Labrador, an environment law violators-free. (JNPD/EMBS/PIA Pangasinan) Members of the Anti-Environment and Natural Resources (ENR) Crime pose for a photo opportunity after the signing of pledge of commitment to ensure the survival of the future generation and guarantee its fulfilment for a healthful and balanced ecology in a meeting held in Labrador, Pangasinan on November 28. (photo by Elsha Soriano/PIA) Kung dati ay armas, ngayon ay tsinelas PRODUKSYON ng tsinelas ng mga balik-loob sa gobyerno Paggawa ng de kalidad, matibay na tsinelas. Ito ang isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagpasyang magbalik-loob sa gobyerno. Sa munting barangay ng Marufinas sa lungsod ng Puerto Princesa, matatagpuan ang pagawaan ng tsinelas na hango sa gawang-Marikina. Ang proyekto ay isinasakatuparan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program for Rebel Returnees (ECLIP) ng pamahalaan. Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Information Agency (PIA) kay Belinda Macapobre, social welfare officer ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at siyang in-charge sa pagpapatupad ng ECLIP, hindi lamang materyales dito ang nagmula sa Marikina, kundi maging ang mga nagsilbing tagapagsanay sa mga benepisyaryo ng programa ang nagmula pa sa sikat na pagawaan ng sapatos at tsinelas sa bansa. “May nag- introduce sa atin para makabili tayo ng materials sa Marikina maging ang training, Marikina rin ang nagturo sa kanila, kaya siguradong matibay ang mga materyales na ginamit at maganda ang kalidad ng paggawa,” ani Macapobre. Lima sa pitong sumukong mga rebelde noong 2014 ang pumili sa proyektong pangkabuhayan na paggawa ng tsinelas at paghahabi ng duyan. At kahit iilan lamang sila, mula nang ito ay simulan ngayong taon lamang, nakabuo na ng 150 pares ng iba’t ibang klase ng tsinelas ang mga ito. Ang CSWD rin ang tumutulong sa kanila pagdating sa marketing o pag- aalok at pagbebenta ng kanilang mga gawa. Sa ngayon, ayon kay Macapobre, maliitan pa lamang ang tumatangkilik ng produkto ng mga rebel returnees sapagkat iilan pa lamang din silang nagtutulong- tulong sa pagbuo ng tsinelas. “Kami ang tumutulong sa kanila sa marketing, kami ang nagdi- dispose ng mga gawa nilang tsinelas, iniaalok ko ito sa mga opisina ng gobyerno, sa Western Command (Wescom) at sa city hall,” ani Macapobre sa ating panayam. Hangad din ng programa na mai-alok ang gawang tsinelas sa mga turistang dumarayo sa pamosong Puerto Princesa Underground River na kalapit lamang ng Barangay Marufinas. “Since tayo ay tourist destination, isa rin sa target natin na maibenta ang kanilang mga gawa sa mga turista na dumadayo sa Sitio Sabang, kaya kinakausap natin ang mga tindahan d’yan, may ilan na sa kanila ang nag-o-order sa atin,” kuwento ng opisyal. Kung bakit naman tsinelas ang naisip na proyekto? Ayon kay Macapobre, ito ang nakikita nilang suitable sa komunidad na kinakailangan Sama-samang gumagawa ng tsinelas ang mga benepisyaryo ng Comprehensive Local Integration Program for Rebel Returnees (CLIP) ng pamahalaang nasyunal at lokal sa Barangay Marufinas, Puerto Princesa City. (Photo by Belinda Macapobre/CSWDO-Puerto Princesa) pang tumawid ng dagat, hindi ito nasisira o nabubulok, hindi katulad ng pagkain. Bukod dito, wala pa ring ibang gumagawa ng tsinelas sa Puerto Princesa. Local Integration Program for Rebel Returnees ng gobyerno Ang ECLIP ay isang program ang pamahalaan na pino-pondohan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang naatasang magpatupad ay ang lokal na SWD. Ang mas pinalawak na Comprehensive Local Integration Program for Rebel Returnees (CLIP) ay nagkaloob ng P65,000 sa bawat dating miyembro ng NPA na nagpasyang mamuhay ng normal sa komunidad na kanilang pinanggalingan. Enero ng taong kasalukuyan nang maipagkaloob ng pamahalaang nasyunal ang tulong pinansyal na magagamit ng mga ito bilang panimulang puhunan sa ninanais nilang proyektong pangkabuhayan sa kanilang piniling komunidad. Bukod sa paggawa ng tsinelas, naglaan din ng puhunan ang mga benepisyaryo para sa materyales sa paghahabi ng duyan at bangka para sa pangingisda. Maging ang lokal na pamahalaan ay may ipinagkaloob na tulong pinansyal na dagdag-suporta sa mga benepisyaryo. Ani Macapobre, “Provision ng livelihood program nila ay P50, 000 pero di nila nagagamit lahat dahil may iba pa silang maaaring paggamitan ng pondo.” Paliwanag ni Macapobre, kung ang dating probisyon ng programa ay ang tulong-pinansiyal na P50, 000, mas napalawak ito at ginawang P65, 000. Aniya pa, ang dating P7, 000 na pondo para sa kanilang temporary shelter ay itinaas ng gobyerno sa P21, 000. Pangarap sa hinaharap “Hindi pa man malakihan ang kita nila sa ngayon pero tuloy-tuloy ang kanilang paggawa,” ani pa ni Macapobre. Naghahanap din aniya sila ng pondo upang makabili ng generator na kailangan ng mga ito sa araw-araw na produksyon. Sa ating pakikipag-usap sa social worker, ipinagmalaki nito ang magandang bunga ng gawain ng mga nagbalik-loob na indibiduwal. “Magandang klase ang kanilang gawang tsinelas at hindi ka mag-aalangang ibenta kahit saan, bukod dito sigurado ring matibay,” tinuran ni Macapobre. Lumalabas din aniya ang pagiging malikhain ng mga benepisyaryo sapagkat may mga pagkakataong nakagagawa sila ng kakaibang disenyo. Isinusulong ng CSWD na maisama sa proyekto ang mga miyembro ng pamilya ng mga ito sa ilalim ng “sustainable development goal family- based for children and their environment”. Sinisikap ng kinatawan ng lokal na pamahalaan na maging ang asawa ng mga benepisyaryo ay maturuan sa paggawa upang may makatuwang ang mga ito at mas dumami pa ang produksiyon. “Iyong asawa nila isinasama na sa grupo na ito para kung mapopondohan pa ito, kabilang sila sa proyekto para may mag-market at para matuto rin silang gumawa, kasi what if mag boom ang project? So, we need more people to do it,” dagdag pa niya. Mismong ang mga benepisyaryong rebel returnees ay nagsisilbi na ring trainer sa produksyon ng tsinelas at paghahabi ng duyan. Kamakailan lamang, ilang grupo ng mga estudyante mula sa ibang bayan sa Palawan (Palawan Conservation Corps for Out-of-School-Youth) ang sumailalim sa pagsasanay sa paggawa ng tsinelas, na ang nagsilbing trainer ay ang mismong mga rebel returnees. Dito, may dagdag na kinikita ang kanilang grupo sapagkat nakatatanggap pa ang mga ito ng insentibo mula sa kanilang mga tinuturuan. Pangarap ng mga benepisyaryong ito na balang araw ay makapagpatayo na sila ng kanilang processing center sa kanilang barangay. Kinumpirma ni Macapobre na may inisyal na silang pag-uusap ng pamumunuan ng barangay para sa lugar na pagtatayuan ng kanilang pasilidad. Sa ngayon, nagagawa na nila ang normal nilang buhay na nagsusumikap, nagtatrabaho para sa pamilya. “May plano pa silang bumalik dating gawain? Tingin ko hindi na kasi alam naman nila ang pinagdaanan nila sa bundok. They live as normal as other people in the community. So, nagagawa nilang mamasyal sa barangay kahit saan, ipinakilala ko sila sa mga law enforcers sa area, okay lang sa kanila,” pagkukuwento ni Macapobre. Kung dati-rati ay pawang paghihimagsik ang kanilang nasa isip, sa ngayon ay nakatuon na ang kanilang pananaw sa mga pagbabago sa kanilang buhay na ang tanging sandata ay pagsusumikap upang matugunan ang pangangailangan at pag-unlad ng kanilang pamilya. Higit ding mahalaga, na sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito ng gobyerno, nararamdaman at nararanasan ng mga ito sa ngayon ang sinserong tulong ng pamahalaan para sa kanilang tuloy-tuloy na pagbabago sa mapayapang lipunan ngayon na kanilang kinabibilangan. (LBD/PIAMIMAROPA- Palawan)