Tambuling Batangas Publication December 12-18, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
December 12-18, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
DepEd’s doppelganger
The controversial Lumad school Salugpungan Ta’tanu Igkanugon
Community Learning Center Inc. (STTICLC) in Talaingod, Davao
del Norte was established in 2007 by religious groups with the
apparent blessing of the Department of Education (DepEd) at the
time to help educate Manobo children living in remote highlands.
From one campus, the school spawned branches in the province,
Compostela Valley and Davao Oriental.
With the recent discovery by authorities that the STTICLC is being
used by the communist movement to indoctrinate Lumad children
according to their ideology and potentially turn them into members
of the New People’s Army (NPA), past officials of the DepEd have
a lot of explaining to do for failing to notice that such schools were
merely pretending to educate indigenous people and were actually
serving the interest of the Communist Party of the Philippines (CPP)
and the NPA. All along since 2007, CPP had its DepEd counterpart
establishing a network of schools that brainwash tribal students into
thinking that the government is an enemy that has to be destroyed and
replaced in accordance with the ultimate objective of the CPP.
The parents of the 14 Lumad students who were allegedly kidnapped
by former Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo and incumbent
ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro from the Talaingod
STTICLC on the night of 29 November complained that the ex-
legislator had no permission to take their children with them. That
reinforced the Talaingod police’s action to detain Ocampo, Castro
and 16 STTICLC members after officers manning a checkpoint found
the students inside their vans.
Ocampo and Castro denied the charges and argued they were rescuing
the children after the military allegedly padlocked the school. Leftist
congressmen soon defended the two and accused the military of
harassment.
It is the military’s position that the so-called Salugpungan schools
are creations of the communists to convert civilians into rebels and
replenish the dwindling ranks of the NPA.
Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary
Eduardo Año believes Ocampo is recruiting minors for the communist
movement. President Rodrigo Duterte, the commander-in-chief,
concurred when he said Bayan Muna is a communist front.
Ocampo denied recruiting Lumad students for the NPA even citing
a rule of the communist against such practice. But at least 26 child
warriors of the NPA in Eastern Samar surrendered over the weekend
while two juveniles were rescued following an encounter with
soldiers in Barangay Namal, Asipulo, Ifugao on Friday belying his
claim.
Lumad men who have been recruited to join the ranks of the
communist rebels claimed the Salugpungan teaches basic education
in the morning and rifle orientation at night. Other proofs of the
Salugpungan’s sinister activities are the alternative version of the
Philippine National Anthem being taught at the said schools. A copy
of the rebel version of the anthem titled “Lupang Sinira” was seized
by troops at the STTICLC in Barangay Mangayon, Compostela
Valley in 2014.
It is appalling the CPP is not only maintaining an armed force, but also
has been operating a network of school-by-day, boot-camp-by-night
sites a la DepEd. Local DepEd officials’ negligence, if not treachery,
has allowed many tribal children to adopt and perpetuate a violent
ideology whose ultimate goal is the downfall of the democratic
government. They allowed the proliferation of communist campuses
that supplied the NPA with fresh recruits.
It will take the dismantling of communist schools in Lumad territories
to stop the DepEd doppelganger from victimizing more indigenous
communities. The people behind the creation of these Salugpungan
facilities must also be made to account for their negligence if not
treasonous actions.
Ni Teo S. Marasigan
Magui / Boni
MAGUI. Pansinin ang lugar ng
kababaihan sa nangyaring masaker sa
Maguindanao. Malamang, inisip ni Vice
Mayor Esmael Mangudadatu ng Buluan
na hindi dadahasin ng mga kalaban niya
sa pulitika ang kanyang asawa, dalawang
anak na babae at dalawang abogadong
babae – kaya sila ang pinag-file ng
sertipiko ng kandidatura niya.
Totoo
nga
naman,
sa
maraming marahas na labanan ng mga
pangkating dominante ang lalake – mula
sa “digmaan” ng mga fraternity hanggang
sa digmaan ng mga militar ng mga bansa
– itinuturing ang kababaihan na labas sa
labanan. (Sa isang pelikula tungkol sa gera
sa Vietnam noong dekada 1960 at 1970,
nakakagulat na ang magaling na sniper
na Vietcong ay isang babae.) Nakasandig
ito sa pinagsasaluhang “pagrespeto” sa
mga babae ng dalawang kampo – dapat
igalang, walang kakayahang manlaban, at
iba pa.
Sa naganap na masaker sa
Maguindanao, tila itinuring na hamon o
pusta ng mga pumaslang – na, syempre
pa, ay pinaghihinalaang mga tauhan ni
Mayor Andal Ampatuan, Jr. ng Datu
Unsay – ang pagdahas at pagpaslang sa
mga babae. “Akala ninyo, hindi kami
papatay ng babae, ha.” Kaya pinagpapatay
nila ang mga babae.
Pero hindi lang sila basta
pinatay. Ayon sa mga ulat, bukas ang mga
zipper ng mga pantalon nila, indikasyon
na posibleng ginahasa sila bago – o
pagkatapos? – patayin. Binaril at nilaslas
din daw ang kanilang mga ari at suso.
Hindi lang sila basta pinatay, sinalaula ang
kanilang mga katawan o “pagkababae”
bago o pagkatapos silang patayin.
Hindi
malayong
maisip,
batay sa ganitong mga datos, na gustong
ipangalandakan, gustong ipakita sa bansa
at sa mundo, ang paraan ng pagpatay sa
kanila. Tila gustong ipakitang hindi lang
mga lalake ang kayang patayin, kundi
mga babae rin. At hindi lang kayang
patayin ang mga babae, kaya rin silang
“salaulain” bilang mga babae.
Malamang, ang layunin ay
maghasik ng mas matinding pinaghalong
takot at pagkasuklam. Marahil, ang gusto
nila ay masuklam ang mga tao hindi lang
sa pagpatay kundi sa kawalan din ng
magagawa sa kaso, bunsod ng takot. At
matakot dahil sa kawalan ng magagawa sa
harap ng kasuklam-suklam na kakayahan
ng mga kriminal.
Pero dahil maagang nabuking
ang karumal-dumal na krimen, mas
tampok ngayon ang pagkasuklam kaysa
takot sa nangyari. Hindi pagmamaliit
sa pagkasuklam na ito, at lalong hindi
pagpuri sa nagawa ng mga pumaslang,
gayunman, ang sabihing kasalo pa rin
ang pagkasuklam na ito ng pagtingin
sa kababaihan na ipinakita ng mga
Mangudadatu at pwersa ng mga
Ampatuan. Hindi dapat dinadahas ang
mga babae, kundi iginagalang – at, ayon
sa isang kasabihan, minamahal. Pero ang
pagtratong ito rin ang pinag-ugatan ng
todong pagdahas sa mga babaeng namatay
sa masaker. At ang pagtratong ito ang
pinag-uugatan ng matinding pagkondena
ngayon sa naganap.
Paano
matatapos
ang
salimbayang ito ng pagrespeto at
paglampaso sa kababaihan?
Boni. Ang Araw ni Bonifacio ngayong
taon, isang araw bago ang deadline ng
pag-file ng kandidatura sa Comelec
para sa eleksyong 2010. Ginugunita ang
pagsisimula ng buhay ng rebolusyunaryo
isang araw bago pormal na matapos ang
pagsasampa ng kandidatura sa isang
eleksyong natatangi – dahil higit sa
huling mga eleksyon, tampok ito ngayon
ng kagustuhan ng mga mamamayan na
magkaroon ng “pagbabago.”
Pero radikal na pagbabago ang
gusto ni Bonifacio. Gusto niya ang paglaya
sa mga dayuhang mananakop ng Pilipinas.
Gusto niya ang pamamahagi ng lupain ng
mga panginoong maylupa at Simbahan sa
bansa. Kalayaan at pagkakapantay-pantay
– ito ang dahilan kung bakit tinawag
itong isang pambansa-demokratikong
rebolusyon. Sabi ng makabayang iskolar
na si Alice G. Guillermo, mas naging
tampok ang pagiging “pambansa” kaysa
“demokratiko” ng rebolusyong ito na
nagsimula noong 1896.
At radikal din ang pagsusulong
niya sa pagbabagong ito. Sabi ng isang
historyador, bagamat laging iniisip ng
publiko na bolo ang laging armas ni
Bonifacio, ang totoo’y ang pistola niya,
ang baril niya, ang paborito niya. Kontra
sa pormal na pangangaral ng Simbahang
Katoliko – “Huwag kang papatay” – kahit
pa marami itong pinapatay sa aktwal at
sistemikong dahas na ipinapatupad at
itinataguyod nito – pinamunuan niya ang
mga Pilipino na mag-armas, lumaban sa
mga Espanyol at angkinin ang kalayaan.
Kapag
hinahawakan
ng
pesante ang baril sa kanyang mga kamay,
namumutla ang mga lumang mito, at isa-
isang nalilimutan ang mga ipinagbabawal.
Ang armas ng rebelde ang patunay ng
pagkatao niya. Dahil sa mga unang araw
ng pag-aaklas, kailangan mong pumatay:
ang bumaril at pumatay ng Europeo ay
ang pumatay ng dalawang ibon gamit ang
isang bato, ang paslangin ang nang-aapi
at ang taong inaapi nang magkasabay:
naiiwan ang taong patay at taong malaya;
ang nakaligtas, sa unang pagkakataon,
ay nakakasalat ng lupang pambansa sa
kanyang mga paa. – Jean-Paul Sartre,
“Preface” sa Frantz Fanon, The Wretched
of the Earth, 1963.
Noong una kong narinig,
napakalakas ng dating sa akin ng palaging
itinatanong kaugnay ng mga ipinaglaban
ni Bonifacio, ng Katipunan at ng
Rebolusyong 1896. Nakamit na ba natin
ang mga pinangarap niya para sa bayan?
Nabubuhay ba tayo sa bansang pinangarap
niya mahigit sandaang taon na ang
nakakaraan? Tunay na malaya na ba ang
Pilipinas? May tunay na pagkakapantay-
pantay at reporma sa lupa?
Malinaw ang sagot sa mga
tanong na ito para sa akin noon at, sa
tingin ko, kahit sa marami ngayon. Pero
malakas ang dating ng sagot sa tanong
dahil may isang implikasyon: na may
kailangan tayong gawin nang higit sa
ating pang-araw-araw na buhay. Na, sa
isang pagtingin, kailangan nga nating
humulagpos dito at magpakasakit para
sa katuparan ng mga pangarap ng ating
mga bayani na matagal nang nabibinbin.
Na hindi sapat na sumatsat tungkol sa
pagbabago; ang kailangan ay ipaglaban
ito.
Sa panahong bukambibig ang
abstraktong “pagbabago,” mahalagang
mapaalala sa atin kung ano ang ibig
sabihin nito para kay Bonifacio at mga
katulad niyang Katipunero. Hindi ito
maihahatid ng eleksyon lang na, gaya
ng obserbasyon ng Kilusang Mayo Uno,
ay pumapatak sa petsa ng pagpatay kay
Bonifacio – bunsod ng paglaban niya sa
resulta ng eleksyong ipinatawag ng mga
panginoong maylupa sa pamumuno ni
Emilio Aguinaldo. Mas pananatili ng
sistema, hindi pagbabago nito, ang dulot
ng eleksyon.
Bagamat nagtapos sa trahedya
ang buhay ni Bonifacio, at bagamat hindi
niya nakamit ang tagumpay sa ipinaglaban
niya, may kung anong matamis isipin
sa nangyari sa kanya. Ngayon, mahigit
sandaang taon matapos niyang mabuhay,
ilunsad ang armadong rebolusyon laban
sa mga mananakop ng bayan, at mamatay,
pinapasalamatan siya ng mga salinlahi
ng bayang pinaglingkuran at ipinaglaban
niya.
Pilit mang supilin ng mga
naghahari ang alaala ni Bonifacio,
nananatili siyang buhay at bayani para
sa sambayanan. Pwedeng ang mga
rebolusyunaryo ngayon ang maging
pambansang bayani sa hinaharap –
dahil kaya at posibleng mabago ang
kasalukuyan.
01 Disyembre 2009