Tambuling Batangas Publication December 12-18, 2018 Issue | Page 3

BALITA December 12-18, 2018 DICT nagsagawa ng libreng training para sa online jobs Rural Impact Sourcing Technical Training (RISTT) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Museo Puntong Batangan. Lodlod... Lalawigan ng Laguna, na nakuha ang ikatlong puwesto, PhP15,000 at plaque. Kapwa ginawaran naman ng PhP10,000 at plaque ang Congressional Integrated High School ng Lalawigan ng Cavite at Maryhill College ng Lucena City sa Lalawigan ng Quezon. Ang patimpalak, na itinanghal sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry- Region IV-A, na pinamumunuan mula sa pahina 1 ni Regional Director Marilou Q. Toledo, Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Education, ay sang-ayon sa temang “Making Digital Marketplaces Fairer.” Matapos ang tig-20 minutong pagpapamalas ng kani-kanilang angking talino at husay sa pag-arte, bukod sa pagiging kampeon, nangibabaw din ang galing at dedikasyon ng Lodlod Integrated National High School upang makuha ang Best Script, Best Choreography, at Best Cheering Team awards. Samantala, kinilala ang mga indibidwal na husay nina Jose Enrique Soriano ng LodLod INHS bilang Best Male Performer; Shiela Mae Flores ng Congressional IHS bilang Best Female Performer; at, Mr. Arlan Mendoza ng Lodlod INHS bilang Best Director. ✎ Junjun Hara De Chavez, Batangas Capitol PIO Breast milk donation campaign isinagawa MAY 13 residente ng Batangas City ang nagtapos sa libreng Rural Impact Sourcing Technical Train- ing (RISTT) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa layuning mabigyan ng pagkakataong mag- karoon ng online jobs ang mga walang trabaho, underemployed at mga gustong maging freelanc- ers kahit nasa bahay.. Isinagawa ang training ng DICT sa pakikipagtulungan ng Local Economic Investment and Promotion Office ng pamahalaang lungsod. Ang graduation ceremo- ny ay ginanap noong December 5 sa Museo Puntong Batangan. Binigyan ng kaalaman ang mga trainees sa Social Me- dia Marketing and Advertising na kumbinasyon ng hands on at internet-based training sa loob ng pitong linggo. Nagsilbing trainor nila si Alvin John Ferias. Isa sa mga nagtapos ang 48 taong gulang na ginang at guro na si Aurea Javier ng barangay Pallocan East. Ayon sa kanya naging mahirap ang kanilang training subalit marami silang natutunan na makakatulong ng malaki sa kanila upang kumita at magkaroon ng career growth. “Natutunan namin na pwede palang gamitin ang social media for business at natuto din kami ng graphic design, video produc- tion at video editing. Nalaman din namin ang mga FB groups kung saan pwede kaming kumonek sa online free lancers at online remote workers.” Sinabi rin niya na sa panahon ng kanilang train- ing ay agad siyang nag apply sa isang online job at swerte namang natanggap siya bilang content writer ng isang blogger ng one of the Top 40 blogs tungkol sa Korea. “Mayroon ding nagpagawa sa akin ng FB page ng isang local perfume brand,” dagdag pa niya. “Nagpapasalamat kami ng sobra sa city government sa training na ito at sana masundan pa at mas marami pa sana silang matulungan,” sabi ni Javier. Ipinaabot ni LEIP Of- ficer Erick Sanohan ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos at ang pasasalamat sa DICT sa pagkakapili sa lungsod upang maging unang recipient ng RISTT sa Batangas Province. Lubos din ang pasasala- mat ni Engr Reynaldo Sy, Director LC2 ng DICT dahil sa suportang ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod sa kanila. (PIO Batangas City) Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, Magsasagawa ng Fundraising Concert BATANGAS CITY May 134 breastfeeding mothers sa Batangas City ang lumahok sa mass breastfeeding at milk donation sa 1st Regional Human Milk Donation Campaign, December7, sa Jesus of Nazareth Hospital (JNH). Ang kampanyang ito ay may temang “Gatas mo inay, handog ay buhay” Ito ay itinaguyod ng Batangas Medical Center (BATMC), City Health Office (CHO) sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH), Rotary Club of Downtown Batangas, Soroptimist International at JNH. Ayon kay Ma Joycelyn Mercado, chairman ng BatMC Human Milk Bank Committee, layunin ng nasabing proyekto na mapalakas ang kampanya sa breastfeeding at malaman kung gaano karami ang bilang ng mga nagpapasusong ina. Ang donated milk ay ibibigay sa Human Milk Bank ng BatMC. Sinabi rin niya na may screening sila ng mga donors upang maseguro na ligtas ang kanilang mga gatas sa HIV at iba pang sakit. Sa isinagawang forum, sinabi ni Felice Emerita Perez, head ng Family Health Unit ng DOH-CHD 4 CALABARZON at kinatawan ni OIC Director III Dr Noel Pasion ng Center for Health Development, hangad nila na mapalaganap ang adbokasiya sa breastfeeding at maibahagi ang kaalaman hinggil dito. Binigyang diin naman ni Jellie Anne Palencia, nutritionist- dietician IV ng DOH-CHD IVA, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong nutrisyon ng isang nagpapasusong ina. Ang gatas aniya ng ina ay siksik sa sustansya at antibodies na panlaban ng sanggol sa sakit. Tinalakay naman ni Dr Marj Sibayan ng Arugaan Foundation at certified breastfeeding counselor ang Executive Order No 51o ang Philippine Milk Code of 1986. Layunin ng Milk Code na mapalakas ang pagkakalat ng impormasyon tungkol sa breastfeeding at proper nutrition habang nire regulate ang advertising, marketing at promotion ng breastmilk substitutes at iba pang produkto kagaya ng feeding bottles at teats. Ipinagbabawal nito ang donations, samples o distribution ng ibang promotional giveaways ng mga milk companies sa mga health workers at iba pa na bahagi ng healthcare system. Kabilang sa mga produkto ang breastmilk substitute, milk products, foods, beverages at bottle-fed substitutes. Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na binasa ni Dr Liza Gonzales ng CHO, “...ang pagiging ina ay walang hanggang pagsisilbi at pagbabahagi ng sarili, lakas, panahon at buhay lalot higit ng pagmamahal.” Bilang isa ring breastfeeding mom, nananawagan siya sa lahat ng nanay at magiging ina na huwag mag atubiling pasusuhin ang mga anak dahil ang gatas ng ina ay walang katulad at katumbas kung sustansya at kaligtasan ang pag- uusapan. Hinikayat din niya na ibahagi ang gatas sa mga sanggol na hindi mapasuso ng ibang ina dahil sa karamdaman at iba pang kadahilanan. Ikinuwento naman ni Councilor Aileen Grace Montalbo, myembro ng Rotary SA diwa ng Kapaskuhan, magsasagawa ng isang fund-raising concert ang Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (SK), sa pangunguna ni Board Member Hannah Beatrice Cabral, ang kasalukuyang SK President ng Lalawigan ng Batangas, para sa ilang mga benepisyaryo. Sa gabay ng temang “Empowering the Youth: Recharge, Revive, Renew,” layon ng naturang proyekto, hindi lamang ang mabigyang aliw ang mga kabataan sa lalawigan, kundi pati na rin ang makakolekta ng pondo para sa Aeta Tribal Community sa bayan ng Rosario, na pangunahing benepisyaryo ng proyekto, at Pamaskong Handog para sa out- of-school youth sa lalawigan. Sa halagang 250 pesos na ticket, mapapanood sa concert ang mga tampok na kilalang personalidad sa larangan ng musika sa bansa gaya ni Aia De Leon ng bandang Imago, bandang SUD, DJ Patty Tiu at ibang pang mga guest performers. Gaganapin ito sa ika-15 ng Disyembre 2018 sa Batangas Provincial Sports Complex. ✐ Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO Club Downtown na hanggang ngayong apat na taon na ang kanyang bunso ay pinapasuso pa rin niya ito sapagkat masustansya ang gatas ng ina. Mayroon aniyang facebook group para sa mga breastfeeding mom kung saan maaaring magtanong ang mga first time na magpapasuso. Ayon kay Dr Mercado, ang refrigerated milk ng ina ay maaring tumagal ng anim na buwan. Ito aniya ay finifilter at dumadaan sa pasteurization kung kayat may kaukulang halaga na kailangang bayaran (P 220 per 100ml) ang mga mangangailangan. Nagbigay ng testimonials ang ilang breastfeeding mothers sa advantages na dulot ng pagpapasuso sa kanila. Bukod anila sa matipid, nagpapatibay ito ng bond sa pagitan ng ina at anak at mas malusog ang breastfed baby. Pinoprotektahan din ang bata sa respiratory infection, pagtatae at iba pang sakit habang naiiwasan naman ang ovarian at breast cancer sa mga breastfeeding mothers. (PIO Batangas City)