BALITA
August 29-September 4, 2018
Bagong Surgery
Building ng Batangas
Medical Center,
Pinasinayaan
Kaakibat sa Pagsulong ng mga Programang Pangkalusugan. Pormal na binuksan ang Surgery “B” Building ng Batangas Medical Center
(BatMC) noong ika-24 ng Agosto 2018, na dinaluhan nina Gov. Dodo Mandanas; Provincial Health Officer Dr. Rose Ozaeta (kaliwa);
Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng Department of Health Region IVA (2nd mula kanan); DoH Assistant Secretary Maria Francia
Laxamana (3rd mula kanan); at BatMC Medical Center Chief, Dr. Ramoncito Magnaye (2nd mula kaliwa). Jenny Aguilera / Photo:
Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Batangueña...
Compound, Batangas City.
Pinamunuan ni 3rd
District Board Members Fred
Corona at Divina Balba, na
kapwa tubong Tanauan City,
ang pagpasa ng Resolution
mula sa pahina 1
No. 520 Year 2018 na kumikilala
sa galing ng mga world Class
Tanauan Athletes sa sport na
softball.
Makasaysayan ang pagiging
kampeon ng Tanauan City
Little League dahil ito
ang unang pagkakataong
ang representante mula sa
Pilipinas at Asia Pacific ang
nagkampeon sa Girls’ 16 and
Under Division. – Shelly
Umali – Batangas Capitol PIO
Breastfeeding awareness
month ipinagdiwang
Nagsagawa ng Breastfeeding
Symposium ang City Nutrition
Division ng City Health Office
sa Batangas City kung saan may
126 na mga ina ang sabay sabay
na nagpasusuo ng kanilang
mga anak sa Hakab Na activity
bilang pakikiisa sa pagdiriwang
ng
National
Breastfeeding
Awareness
Month
noong
Agusto. Tema ng symposium ay
“Pagpapasuso’y Pundasyon para
sa Malusog at Mahabang Buhay
ng Ina at Sanggol”.
Nagsalita rito si Konsehal
Aillen Grace Montalbo na isang
breastfeeding advocate. Ayon
sa kanya, apat na taong gulang
na ang kanyang bunsong anak
subalit pinapasuso pa niya ito.
Sinabi niya na siya ay natutuwa
sa mga dumalong nagpapasusong
ina sapagkat ang kanilang gatas
ang pinakamagaling para sa
kalusugan ng kanilang mga anak.
Sa kanyang lecture, sinabi ni
City Nutrition Officer Luciana
Manalo na dapat pasususuhin ang
sanggol ng mula pagkapanganak
hanggang dalawang taon.
Ang gatas ng ina aniya ay
pinakamagaling sapagkat ito ay
may kumpletong sustansya kayat
mas malusog ang bata at malakas
ang resistensya sa impeksyon,
allergy at iba pang karaniwang
sakit. “Ang batang pasuso ng
ina ay mas matalino, matangkad,
hindi sakitin, nakakapag-aral at
mas malaki ang kita paglaki at
kapag malulusog ang mga bata,
mas mayaman ang bansa,” sabi ni
Manal.
Makakagaling
din
ang
breastfeeding sa ina sapagkat
mabilis ang pagbalik ng dating
laki ng bahay-bata, nababawasan
ang
pagdurugo
pagkatapos
manganak at nakakatulong din sa
natural na pagpaplano ng pamilya
kung tanging gatas lamang ng ina
ang ipinapasuso sa unang anim na
buwan ng sanggol. Nababawasan
din ang panganib ng breast at
ovarian cancer at nalalapit ang
damdamin ng ina sa sanggol. Mas
matipid pa at hindi na kailangang
bumili ng gatas.
Ayon pa rin kay Manalo,
pagsapit ng anim na buwan ng
sanggol, mahalagang mabigyan
siya ng complementary foods
na nabibilang sa energy-giving
(GO), body-building, (GROW),
at body-regulating (GLOW) food
groups. Gumamit din ng fortified
foods.
Binigyang diin ang kahalagahan
ng first 1000 days sa buhay ni baby
kung saan nararapat ibigay sa
kanya ang wastong pangangalaga
upang siya ay lumaking malusog,
normal at malakas.
Tinuruan din ang mga ina ng
wastong pagpapasuso, pag-
iipon ng gatas para ibigay sa
sanggol kung nagtatrabaho ang
ina, mabuting ehersisyo para sa
suso at paraan ng pagpapasuso
kung baligtad ang utong. (PIO
Batangas City)
NAKIISA sina Batangas Gov-
ernor Dodo Mandanas at puno
ng Tanggapan ng Panlalawigang
Pangkalusugan na si Dr. Rosvil-
inda M. Ozaeta sa Inauguration at
Ribbon Cutting Ceremony ng Sur-
gery “B” Building ng Batangas
Medical Center (BatMC) noong
ika-24 ng Agosto 2018.
Naging Keynote Speak-
ers sa programa sina Dr. Eduardo
Janairo, Regional Director ng De-
partment of Health Region IVA,
at DoH Assistant Secretary Maria
Francia Laxamana. Nagpaabot din
ng mensahe sa mga dumalo sina
BatMC Medical Center Chief, Dr.
Ramoncito Magnaye, at Medi-
cal Professional Staff Chief, Dr.
Maritess Teresita Torio.
Sa kanyang mensahe,
binigyang-diin ni Governor Man-
danas na ang pagpapatayo ng na-
sabing gusali ay malaking tulong
sa lahat lalo na sa mga mahihirap.
Ibinahagi rin ng gobernador na
bilang Chairperson ng CALA-
BARZON Regional Development
Council, naghain ito ng isang
proposal sa national government
upang mas mapalawig pa ang
naipapaabot na tulong sa BatMC,
kabilang ang pagpapataas ng
Capital Outlay na makakatulong
sa pagkakaroon ng mas marami
pang kagamitang medikal na mag-
papataas ng antas ng serbisyong
pangkalusugan. ✐Mark Jonathan
M. Macaraig – Batangas Capitol
PIO
Road construction
pinabibilis ng hindi
m a k o k o m p ro m i s o
ang kalidad
PINAGSISIKAPAN ng City
Engineer’s
Office
(CEO)
na mapabilis ang on-going
construction ng mga kalsada
sa poblacion subalit may mga
ginagawa rin itong proseso
upang maseguro na maayos ang
kalidad ng mga proyekto.
Ito ang sinabi ni Asst.
City Engineer Roy Marajas
sa hearing ng Committee on
Engineering and Public Works
na pinamumunuan ni Konsehal
Gerry Dela Roca ngayong
August 30 upang kumustahin
ang lagay ng mga ginagawang
kalsada.
Noong
nakaraang
Martes sa lingguhang sesyon, ay
binuksan ni Konsehal Armando
Lazarte ang usaping ito sapagkat
nagdudulot aniya ito ng mabagal
na daloy ng trapiko lalo na sa
parte ng Barangay Cuta.
Agad
namang
inirekomenda
ni
kagawad
Julian Villena na ipasa ito sa
Committee on Engineering and
Public Works upang mapag-
usapan ng maayos ang isyung
ito.
Ayon kay Marajas,
magkakaroon ng pagpupulong
ang kanilang tanggapan at ang
mga contractors upang ma-
fast track ang lahat ng mga
pagawaing bayan. Mayroon din
silang isasagawang evaluation
upang
madetermina
kung
sino ang mga contractors
na hindi sumusunod sa mga
pinagkasunduan at mabigyan
sila ng kaukulang aksyon.
“Ang time frame po
ng lahat ng pagawain natin ay
ibinase namin sa regular na
oras pagta-trabaho ng ating mga
tao. Nagsimula na rin po kami
na magtrabaho sa gabi upang
mapabilis na matapos lalo na
ang mga karsada. Nagkakaroon
lamang po tayo ng mga delay
dahil sa kasamang ginagawa ang
mga drainage at kung malakas
ang buhos ng ulan,” sabi ni
Marajas.
Hindi
din
nila
pinapayagan na magbuhos ng
semento “kung mayroong kritikal
na trabaho at kung walang
kaharap na representatives mula
sa CEO. Ito ay upang masiguro
na maayos at matibay ang
ginagawang mga karsada natin,”
dagdag pa ni Marajas.
Sinabi rin niya na
ang ginagawang kalye sa may
kahabaan ng barangay Cuta ay
hindi maayos ang base kung kaya’t
ito ay nagtatagal magawa. “Hindi
po tayo basta-basta makapag-
buhos dahil nagpuputik ang base
nito. Kinakailangan pang mag-
secure ng pouring permit mula sa
CEO para masiguro na 100% ang
compaction at matibay ang ilalim
nito.Kung mamadaliin natin,
baka ilang buwan pa lamang sira-
sira na ulit ang karsada. Sayang
naman kung magkakaganoon
lamang,” binigyang diin ni
Marajas.
Hindi naman ikinatuwa
ni Councilor Serge Atienza
ang hindi pagdalo ng mga
inimbitahang mga kontraktor.
“Nakakalungkot isipin
na hindi yata nila pinahahalagahan
ang imbitasyon ng Sangguniang
Panglungsod. Ipinaaalala natin
sa kanila na may karapatan ang
CEO na palitan o alisin ang mga
contractors na hindi pulidong
gumawa. Sana ay maiparating po
ninyo ito sa kanila at sa susunod
naming pagimbita, makadalo na
silang lahat,” sabi ni Atienza.
Dumalo rin sa hearing
sina Konsehal Julian Villena,
Armando
Lazarte,
Oliver
Macatangay, Nelson Chavez,
Aileen Montalbo, Karlos Buted,
at Allysa Cruz-Atienza.(PIO
Batangas City)