Tambuling Batangas Publication August 29-September 04, 2018 Issue | Page 4

OPINYON August 29-September 4, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] A test for TESDA WITH REPORTS — left and right — of corruption and the inefficiency plaguing government, many of our people seemed to have become inured and desensitized to such irregularities. But there is something that rankles our sensibilities when anomalies involve the education of our youth. Maybe that’s because of the shared belief that education is a ticket out of poverty, a door to a better future. It is disturbing to learn of the Commission on Audit’s (CoA) 2017 report which exposed hundreds of “ghost scholars” of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). The irregularities involved the AMA Computer College (AMACC) Manila Campus with 310 beneficiaries and Technivoc Institute Corp. (TIC) with 270. However, CoA found out that the supposed beneficiaries were either totally non-existent or were enrolled in other schools. The anomalies were connected to TESDA’s Training for Work Scholarship Program with a budget of P2.415 billion. CoA’s discovery of “ghost scholars” puts the spotlight on TESDA and raises doubts as to the capability of the agency to prevent leakage of precious government funds. The issue gains more significance by the fact that the Free College Education Act also includes free tuition for students enrolled in state-run technical- vocational institutions, including TESDA. Under the P3.757 trillion proposed 2019 budget, the education sector receives the lion’s share amounting to P659.3 billion or P72.2 billion higher than its cash-based equivalent in the 2018 budget. The allocation is distributed among the Department of Education, the Commission on Higher Education (CHEd), state universities and colleges and TESDA. According to CHEd officer-in-charge Prospero de Vera III, TESDA will directly receive P7 billion allocated under the 2019 budget for free Technical- Vocational Education and Training. Incumbent TESDA director general Secretary Guiling Mamondiong admitted with increased funding for the agency, they expect not only a rush in additional trainees and scholars from the current number of over 200,000 all over the country. To be fair, the discovered ghost scholars were for the 2015-2016 period which dates back to the stint as TESDA head of incumbent Sen. Joel Villanueva. Incidentally, CoA also flagged TESDA during Villanueva’s time for ghost scholars. In 2014 the CoA found irregularities in its use of funds sourced from the Aquino administration’s Disbursement Acceleration Program (DAP) which was partly declared unconstitutional by the Supreme Court. The auditing agency said TESDA may have used some of the P1.1 billion DAP funds it received in 2011 to finance ghost scholars. CoA found that 61 of the supposed scholars attended multiple training courses simultaneously, 46 never attended any training course, while 218 could not be verified as they could not be reached through the stated contact numbers. Villanueva passed the blame on TESDA-accredited schools, saying he ordered the shutdown of these institutions. He stepped down from his post in October 2015 to prepare for his Senate bid. He did win as senator but controversy hounded him. In 2016 the Office of the Ombudsman ordered him dismissed from government service over irregularities in the use of Priority Development Assistance Fund during his stint as party-list representative. In connection with the 2017 CoA report Mamondiong said AMACC admitted an irregularity occurred and refunded the disallowed amount totaling P9.3 million. In contrast, TIC contested the adverse CoA report. As a backdrop, AMA’s founder, Amable Aguiluz V, is no stranger to controversy too. He supported Joseph Estrada in the 1998 presidential elections and that bagged for him an appointment in 1998 as presidential adviser on Information and Communication Technology and in 1999 as chairman of the Presidential Commission on Year 2000 Compliance. Aguiluz resigned from the commission in November 1999 over a controversial equipment purchase from a firm linked to AMA Group of Companies. In 2001, he dumped Estrada and supported President Gloria Macapagal-Arroyo (GMA), now the incumbent House Speaker. Mamondiong also served under GMA as undersecretary of the Department of Transportation and Communication. He was assigned to oversee rail programs which included the controversial $503-million NorthRail shelved in 2012 that Sen. Franklin Drilon described as “the greatest train robbery in history.” Against this background, the onus now rests on the shoulders of Mamondiong to prove that he can rid TESDA of corruption and discipline allied educational training institutions to ensure funds for technical education of the youth are spent properly. Ni Teo S. Marasigan Ang Nakakatawa sa Radyo Ngayon “…and a laughter, a laughing style or a style of laughing that could stop the most pompous fascist ideologues dead in their tracks…” – Domingo Castro de Guzman Masaya tayo, dahil nakalaya na si Prop. Jose Maria Sison… Wala man akong hawak na pag- aaral o estadistika, masasabi kong sa mga istasyong pang-radyo sa FM, totoong numero uno ang 90.7 Love Radio. Mabigat na patunay ang ipinagmamalaki nitong pangunguna sa loob ng apat na taon ngayon – na hindi naman tinututulan ng ibang istasyong pang-radyo. Sa karanasan ko sa mataong mga lugar na iniikutan ko araw-araw, palaging Love Radio ang pinakikinggan sa mga dyip, bus at FX. (Parang hindi kasama ang mga taksi, na mas sa mga istasyong AM nakatutok palagi.) Limitado ang karanasan ko, pero iyan din ang sinasabi ng iba pang napagtanungan ko. Pero pinakamabigat na patunay ang hanayan ng mga istasyong pang-radyo ngayon. Tila pinakamarami na – o pinakamaingay lang? – ang may tunog-Love Radio. May iilang nananatiling tumatarget sa mga kabataang nasa panggitnang uri at nag-aambisyong maging panggitnang uri, habang maraming iba pa ang nage- espesyalisa sa partikular na mga klase ng awitin katulad ng acoustic, rock,hiphop-R&B, crossover, at Pilita Corrales. Sa tingin ko, hindi nagkataon lang na nangyari ang ganito – kundi binago ng Love Radio ang buong mundo ng radyong FM sa bansa. Pati ang LSFM, Barangay LS na ngayon! Sa pangkalahatan, “masaya” at “kuwela” hanggang “makulit” at “kangkarot” ang mga salitang naglalarawan sa Love Radio. Ang katangiang ito ang naghihiwalay dito sa mga kakumpitensiya – bagamat humahabol nga ang mga ito – na nagpapatugtog din ng katulad na haluan ng mga kantang uso at luma. Tampok na halimbawa: Papasa nang station ID sa kasikatan ang “Mga Kuru-Kuro ni Kukurukuku” na nagbibiro sa pormang tanong- sagot. “Kukurukuku, bakit kaya…?” Minsan, corny; minsan, hindi – pero laging pilyo. “It hurts…” Filipino ang wika ng istasyon, na pinakaangkop sa pagiging “kuwela”. Sikat din ang mga DJ nitong may mga boses at tawang karakter, palatawa at mahilig magpatawa. Tampok dito sina Nicolehyala at Chris Tsuper na hindi lang karaniwang mga DJ, kundi humihirit ng mga patawang batay sa mga sitwasyong pang- araw-araw at nilalahukan ng mga birong berde (green joke) o kaya nama’y masiste (witty). Sikat na rin ang station ID nito: “Isigaw mo pare, Love Radio!/ Ngiti tayo, lakihan mo!” Gayundin ang biruang “Isipin mo na lang…” na nang-aakit maging optimistiko sa paraang mapang-asar. Siyempre pa, ang tag line nito: “Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Bisyo na ’to!” Sapul ng Love Radio ang halaga ng mga tsuper sa promotion ng istasyon. Makikita ito sa isa nitong promo, ang “Love knows no boundaries” kung saan sagot ng istasyon ang boundary ng drayber na mananalo. Sabi ng isang kaibigan, dapat binigyan ng promotion ang henyong nakaisip ng titulong ito. Kakatwa na halatang berde, kundi man bastos, ang titulo ng mga programa nitong halatang ang target ay mga drayber, manggagawa at iba pang nagtatrabaho. Binibigkas ang mga ito ng seksing boses ng babae: “Ibaon mo, Papa” sa umaga, “Tutunawin kita” sa tanghalian at “Hanggang labasan” kapag uwian na. Abot pa ng imahinasyon natin ang isang panahong nagbubukas ang mga tao ng radyo kung paanong binubuksan ngayon ang telebisyon – para makabalita, makaalam, matuwa, maiyak, magalit, at mapakanta. Nagpapatuloy ang ganitong pakikinig, at iyan ay sa radyong AM. Sa pangkalahatan, gayunman, nakikinig tayo sa radyong FM para marelaks. Maraming puwedeng kahulugan ang pagsikat ng palatawa at mapagpatawang istasyong pang-FM nitong nakaraang mga taon, sa pagharap ng bansa sa kabi-kabilang eskandalong pampulitika, papatinding gutom at tuluy-tuloy na pampulitikang paninikil. Saan kaya nahigop ng Love Radio ang mga tagapakinig nito? Sa hanay ng dating mga nakikinig sa ibang istasyong FM? O sa radyong AM? Sintomas kaya ito ng patuloy na pag-ikli ng atensiyon ng mga tao? O ng paghahanap sa mas buhay na pagitan ng mga kanta? Patunay kaya ito ng pag-iwas sa pag-alam sa mga isyung panlipunan? O ng pagkabuwisit sa kabi-kabilang kasinungalingan at pagtatakip sa totoo sa midya? Pang-aliw kaya ito sa masa para patuloy na masamantala at mapagharian? O pag-atras ng katinuan para ipreserba ang sarili at harapin pagkalaon ang kabaliwan ng lipunan? Kung anuman, minsa’y kritikal sa rehimen ang mga biro ng Love Radio. Prangka at pilyo ito sa pagkilala sa malaganap na namang mga paglihis sa tradisyunal na moralidad sa mga usaping personal na kadalasang paksa nito. Para sa akin, gayunman, kadalasang mas kumikiling sa konserbatibo ang pagpapatawa nito sa mga usapin ng uri, kasarian, at wika-rehiyon sa bansa – mas nagpapatatag sa mga hirarkiya rito. Sa kabilang banda, lagusan ito ng likot ng isip, siste at kapilyuhan ng mga Pinoy. Sa mga telenobela, gusto nating umiyak. Sa radyong FM, at iba pang bagay marahil, gusto nating humalakhak. Ibayong mainam, siyempre, kung maituturol ang puwersa ng katatawanan sa pagtuligsa at pagbago sa lipunan. Para rito, hindi na marahil Love Radio ang may pananagutan. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? 14 Setyembre 2007