Tambuling Batangas Publication August 29-September 04, 2018 Issue | Seite 2

BALITA Edukasyon ng Kabataang Batangueño, prayoridad ng Kapitolyo. Tuloy-tuloy ang tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, upang matugunan ang mga pangangailan sa programang pang-edukasyon sa Lalawigan ng Batangas, katuwang ang Department of Education at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan. Photo: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO Dayalogo sa mga barangay hinggil sa kanilang mga basura muling isinasagawa NAGSIMULA na ang Enforcement Committee ng Batangas City Solid Waste Management Board (SWMB) sa pagsasagawa ng information, education and communication campaign sa mga barangay officials ukol sa nakatakdang istriktong implementasyon ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay sinimulan kahapon, August 28 sa San Isidro covered court kung saan dumalo ang 19 na Upland barangays. Nakasaad sa RA 9003 na ang mga barangay ang may responsibilidad sa pangangasiwa ng kanilang mga basura. Ang Enforcement Committee na pinamumunuan ni PSupt Sancho Celedio bilang chairman ay kinatawan ni PCI Apolinario Palomino kung saan ipinaliwanag niya ang mahigpit na pagpapatupad ng waste segregation sa bawat tahanan, pagbabawal sa paggamit ng plastic labo, linaw at sando bag, mga paglabag sa batas kagaya ng pagtatapon ng mga basura sa kanal, ilog, dagat at iba pang mga alintuntunin. Ayon kay Palomino, nakatakdang magsimula ang monitoring sa mga barangay sa October 1 bago ang striktong implementasyon nito. “Magbibigay din po kami ng citation tickets sa inyong barangay enforcement committee, para kayo po mismo ang sisita sa mga kapitbahay ninyong lumalabag dito. Kung hindi ninyo po kayang tiketan ang inyong kabarangay, maari po ninyo kaming tawagin,” sabi ni Palomino. Kasama rin sa Enforcement Committee ang Defense and Security Services, Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) at Public Information Office. Hiniling ni City Environment and Natural Resources Officer Oliver Gonzales na muling maging aktibo ang barangay SWMB. Ipinabatid niya na nagsasagawa rin ng monitoring ang Solid Waste Education and Enforcement Team (SWEET) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga barangay bilang bahagi na mas maigting na pagpapatupad ng batas. “Kinukunan po ng picture ng SWEET ang mga paglabag sa isang barangay, kagaya ng tambak na basura at deretso na agad sa head office ang report, at posibleng ipatawag ang LGU. Ilan na pong LGUs at mga local officials ang may kinakaharap na kaso kaugnay nito,” pagdidiin ni Gonzales. Sinabi naman ni General Services Department Officer at chairman ng Technical Working Committee, SWMB, Joyce Cantre na ayusin muli ang MRF sa mga barangay at pag- uusapan din ang araw ng hakot ng mga residual wastes dito. Isasagawa ang ganitong dayalogo sa mga barangay officials ng iba pang cluster sa mga susunod na araw. (PIO Batangas City) August 29-September 4, 2018 Mga programa ng Mandanas Administration para sa Edukasyon, Tinalakay ISA sa mga layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas ang mapagbuti at maitaas ang antas ng edukasyon sa probinsya, mula sa pagpapalawig ng scholarship programs, sa pagbibigay ng sapat na budget para sa pagpapatayo ng mga paaralan hanggang sa pagsuporta sa bawat estudyanteng Batangueño sa iba’t-ibang larangan, mapa- akademiko man o extracurricular activities. Kaugnay nito, sa isang panayam kay Dr. Carlito Rocafort, ang Schools Division Superintendent sa lalawigan at ngayon ay may concurrent capacity bilang Assistant Regional Director ng Department of Education CALABARAZON, inilahad niya ang mga tulong na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa mga pangangailan at programang magiging tulay sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon. Ayon kay Dr. Rocafort, unang inilatag ng gobernador sa naganap na regular Provincial School Board Meeting ang mga plano para sa taong 2019 at ang kasalukuyang estado ng mga ipinapagawang classrooms. Ipinaliwanag niya na sa 21 pagawaing mga silid-aralan, sampu dito ang 100% nang tapos, samantalang nasa 90% status naman ang natitirang bilang ng classrooms. Sa patuloy na pagbabahagi ni Dr. Rocafort, labis ang kanyang ipinakitang tuwa sa napakagandang proyekto ni Governor Mandanas na makapagpatayo ng Open Classroom. Ito ay makapagbibigay ng modernong pamamaraan ng pagtuturo kung saan makakapagbahagi ang mga guro sa maraming estudyante ng mga kaalaman sa kabila ng kani-kanilang mga kakayahan na matuto. Nabanggit rin ng kasalukuyang Assistant Regional Director ang tungkol sa dalawang special schools ng lalawigan, ang Batangas Province Science High School at Batangas Province High School for Culture and Arts. Ipinaliwanag niya na napakalaki ng ibinibigay na tulong at suporta ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing mga paaralan. Sa katunayan aniya, bukod sa pamimigay ng equipment at pagsasaayos ng school building, ngayon ay nakapagdagdag na ng tig-lilimang guro at tig- wawalong non-teaching personnel para sa dalawang eskuwelahan na, sa kanyang paglilinaw, ay pawang nakakarga sa pamahalaang panlalawigan at hindi sa Department of Education kung saan pamamahala lang ang kanilang tungkulin. Dagdag pa ni Dr. Rocafort na isa sa mga priority program ng gobernador ang sports development. Ayon sa kanya, patuloy ang kanilang natatanggap na suporta para mas mapaunlad pa ang mga kakayahan ng bawat atletang Batangueño. Samantala, ibinahagi naman ni Dr. Rocafort, na sa pagatatapos ng kanilang pagpupulong kasama ang Gobernador ay nagkaroon ng distribution ng mga school equipments sa mga Senior High Schools sa lalawigan ng Batangas mula Congressional District 1 hanggang 4. Para sa mga paaralan, nakapamahagi ang Mandanas Administration sa pangunguna ng Provincial School Board ng mga LED TV at para naman sa mga senior high students na kumukuha ng strand o track na Technology, Vocational at Livelihood Education, nabiyayaan sila ng welding machine, mechanical dough roller at grass cutter na inaasahang makakatulong sa kanilang laboratory works at sa kabuuan ng kanilang pag-aaral. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Batangas City DRRMC muling nanalo bilang best sa region SA ika-apat na beses, muling tinanghal na Best City Disaster Risk Reduction and Management Council ang Batangas City sa Component City category sa Region 1V-A . Ito ay iginawad ng RDRRMC sa 20th Regional Gawad Kalasag awarding ceremony na ginanap noong August 31 sa Tagaytay International Convention Center. Bukod sa trophy at certificate, tumanggap din ng cash prize na P50,000 ang lungsod. Ang nasabing award ay personal na tinanggap ng Batangas City delegation sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Abaya Dimacuha kasama si Congressman Marvey Marino. Ang Gawad KALASAG ay pinakamataas na pagkilala na iginagawad sa isang tao, grupo, samahan, mga institusyon at LGUs na nakapagsagawa ng natatanging kontribusyon sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance sa bansa. Ang KALASAG ay tumatayo sa Kalamidad at Sakuna Labanan,, sariling Galing ang Kaligtasan. Kaugnay nito, nanalo din ng unang pwesto ang Batangas Medical Center bilang Best Hospital, Best Higher Education Institution ang Batangas State University, 1st place din bilang Early Learning Center ang San Isidro Day Care Center at ang Team Sigaw ng BSU sa Special Recognition (Group). (PIO Batangas City) Batangueña... mula sa pahina 1 nina 3rd District Board Members Alfredo C. Corona at Divina G. Balba na naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa ginanap na 27th Regular Session noong ika-13 ng Agosto. Nakasaad sa resolusyon na makakatanggap ito ng cash incentive mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas alinsunod sa Provincial No. 005 Year 2016 na may titulong Incentive to Batangueño Achievers. Ang World Championship of Performing Arts o WCOPA ay isang natatangi at prestihiyosong paligsahan na ikinokonsiderang Olympics ng Peforming Arts. Dito ay taon- taong nagsasama-sama ang mga singers, musicians, dancers, variety artists, actors at models na naghahangad makilala, maipakita ang husay at talento at makapag-uwi ng karangalan para sa kani-kanilang bansa. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO