Tambuling Batangas Publication August 29-September 04, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
The farm that empowers PWDs... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Mga programa ng Mandanas
Administration
para
sa
Edukasyon, Tinalakay p. 2
Throwback
Fashion:
Tips and Tricks p. 5
Bagong Surgery Building ng
Batangas Medical Center,
Pinasinayaan p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 36
August 29-September 4, 2018
P6.00
Batangueña 2018 WCOPA Champ,
Binigyang Pagkilala
BILANG
pagbibigay-pugay
sa karangalang inihatid sa
Lalawigan
ng
Batangas,
ginawaran ng Certificate of
Recognition si Roshan Jill
T. Borbon na namayagpag at
humakot ng iba’t-ibang parangal
sa larangan ng Modelling and
Singing sa nakaraang 22nd World
Championship of Performing
Arts (WCOPA) na idinaos sa
Long Beach, California, USA
noong ika-6 hanggang 14 ng
Hulyo 2018 at nilahukan ng 63
na bansa.
Sa
isinagawang
lingguhang
pagpupugay
sa
bandila ng Pilipinas noong ika-
20 ng Agosto 2018, personal
na iginawad ni Gov. Dodo
Mandanas, kasama sina Vice
Governor Nas Ona, mga
miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan
at
Provincial
Administrator
Librado
G.
Dimaunahan, ang parangal sa
10-taong gulang na mula sa
Lungsod ng Tanauan para sa
kanyang ipinamalas na galing sa
larangan ng performing arts.
Nakuha ni Borbon
ang pinakamataas na parangal
bilang Champion of the World –
Division Winner sa kategorya ng
Junior Modelling.
Nagkamit din si Borbon
ng Silver Medal para sa Junior
Modelling; Silver Medal para
sa Vocal Open at Vocal World
category; at Gold Medal bilang
Model Grand Finalist.
Binigyan pagkilala rin
si Borbon sa inihaing Resolusyon
Sundan sa pahina 2..
Galing at Talento ng Batangueña, World Class! Muling namayagpag ang husay at kahanga-hangang talento ng Batangueña sa katauhan
ng 10-taong gulang na si Roshan Jill T. Borbon matapos siyang itanghal bilang Champion of the World – Division Winner sa kategorya
ng Junior Modelling at humakot ng medalya sa larangan ng pagmomodelo at pag-awit sa nakaraang 22nd World Championship of
Performing Arts (WCOPA) noong July 6-14, 2018 sa Long Beach, California, USA. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas,
Vice Governor Nas Ona, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Administrator Levi Dimaunahan. ✐Mark
Jonathan M. Macaraig/Photo by Jhay Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO
Life guards at volunteers
nagsanay sa water rescue Buwan ng Pamilya ipinagdiriwang sa
pamamagitan ng Talakayan sa Barangay
BATANGAS CITY- Sumailalim
sa limang araw na pagsasanay ng
Philippine Coast Guard sa water
rescue ang may 18 lifeguards
ng mga resorts sa Batangas,
mga out- of- school- youth at
walang trabahong residente ng
Isla Verde upang makatulong sa
pagliligtas ng buhay sa panahon
ng emergency, aksidente at
kalamidad.
Isinagawa
ang
pagsasanay sa Olympic size
-swimming pool ng Batangas
City Coliseum kung saan
itinuro sa kanila ang ibat-ibang
technique sa water rescue tulad
ng ginagamit sa biktima ng head,
neck and spinal injuries in water,
head splint technique, alternate-
in- line stabilization technique,
spinal back boarding and deep
water
extrication,
entries/
approaches, stride jump, saving
approaches, assist and rescue.
Ayon
kay
Roy
Villanueva, chief master ng
Arms Special Operation Unit ng
Philippine Coast Guard Southern
Tagalog, malaki ang maitutulong
ng tamang pagsasanay sa water
rescue upang maging magaling
at maalam sa pagliligtas ng
buhay kasama na ang pagiging
physically fit at mentally alert.
(PIO Batangas City)
BATANGAS CITY- Kaugnay ng
pagdiriwang ng Family Month,
nagsasagawa ngayon ang City
Social Welfare and Development
Office (CSWDO) at mga katuwang
na ahensya nito ng Malayang
Talakayan sa Barangay mula
August 28 hanggang September 5
upang pag-usapan ang mga issues
na kinakaharap ng mga pamilya.
Ayon kay Mila Espanola,
hepe ng CSWDO, layunin din ng
talakayan na madagdagdagan ang
kaalaman ng mga opisyales ng
barangay lalo na ang mga bago
ukol sa mga polisiya, patakaran
at iba pa para sa mas mahusay
na pamamahala partikular ang
pagbibigay ng mga pangunahing
serbisyo sa mga barangay.
May 10 clusters ng 105
barangay sa Batangas City ang
pupuntahan sa loob ng nasabing
petsa kung saan paksa ng pag-uusap
ang mga sumusunod: Fostership and
Adoption na may temang “Tamang
Pagmamahal, Palaganapin, Legal
na Pag-aampon ating Gawin” na
tatalakayin ng CSWDO, Update
on Civil Registration (City Civil
Registrar’s Office), Update on Laws
on Children, Youth and Women,
R.A. 9211-Executive Order no. 26
o Anti Smoking Law (City Health
Office), Family Drug Prevention and
Awareness Program ( Batangas City
PNP), Family Disaster Preparedness
and Management, Men Opposed
to Violence Everywhere(MOVE),
Empowerment
Reaffirmation
of Parental Abilities and LGBT
Gender
Sensitivity
Program
(CSWDO) at R.A 9003- “Basura Ko
Responsibilidad Ko” Program (City
ENRO). Namigay naman ang City
Treasurer’s Office ng mga flyers
tungkol sa pagbabayad ng buwis.
Sinimulan ang talakayan
kahapon, August 28, para sa Cluster
1 at 2 o Barangay 1-24 kung saan
ito ay idinaos sa barangay hall ng
Barangay 24 at para sa Cluster
111 na ginanap sa covered court
ng Brgy. Tulo. Mahigit na 100
family focal persons mula sa
ibat-ibang
organisasyon
tulad
ng Kalipi officers, solo parents,
child
development
workers,
OFW families, Pantawid Pamilya
Program grantees, LGBT group,
local officials at mga piling civil
society organizations ang dumalo
rito. (PIO Batangas City)
Batangueña Little
L e ag u e Wo r l d S e r i e s
Champions, Kinilala
Batangueña World Series Champs. Buong pagmamalaking binati ni Gov. Dodo Mandanas ang mga softball players mula sa Lungsod
ng Tanauan na nag-champion sa 2018 Senior League Softball World Series noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto 2018 na
ginanap sa Bruce Layton Field ng Lower Sussex, Delaware, USA. Tinalo ng koponan ng Pilipinas ang Texas District 9 Little League
team ng Waco, Texas sa score na 7-0 upang iuwi ang kampeonato sa international softball competition, na nilahokan ng 10 teams mula
sa Europe, Africa, Latin America, at Canada, USA at Asia Pacific. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
BINIGYAN
parangal
ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas ang Tanauan Little
League Girls 16 and Under
Softball team sa kanilang
pagiging kampeon sa 2018 Senior
League Softball World Series
noong ika-31 ng Hulyo hanggang
ika-5 ng Agosto 2018 na ginanap
sa Bruce Layton Field ng Lower
Sussex, Delaware, USA.
Tinalo ng koponan ng
Pilipinas ang Texas District 9
Little League team ng Waco,
Texas sa score na 7-0 upang iuwi
ang kampeonato sa international
softball competition, na nilahokan
ng 10 teams mula sa Europe,
Africa, Latin America, at Canada,
USA at Asia Pacific.
Binigyang pagkilala ni
Gov. Dodo Mandanas at Vice
Gov. Nas Ona kasama ang mga
miyembro
ng
Sangguniang
Panlalawigan
ang
kanilang
dedikasyon sa sports ng Softball
noong ika-20 ng Agosto 2018 sa
Provincial Auditorium, Capitol
Sundan sa pahina 3..