Tambuling Batangas Publication August 22-28, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
August 22-28, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Malasakit for every barangay
MANY poor or cash-strapped Filipinos with illness or injury died and
continue to die for not getting medical attention and treatment on time.
Unfortunately, such preventable deaths happen because of the reality on
the ground: poorly equipped barangay health centers, inefficient first line of
defense against death from disease and injury, lack of doctors, medicine and
medical equipment. Likewise, they don’t operate 24/7.
While it’s laudable that government, through the initiative of Special
Assistant to the President Bong Go, started establishing Malasakit Centers
in public hospitals — one-stop desks where outpatients can get financial
assistance for medical treatment — these are not enough to accommodate all
citizens badly needing medical attention.
For one, there are only a limited number of public hospitals and most are
located in cities and towns. Data from the Department of Health (DoH)
show that there are less than 2,000 public and private hospitals, including
infirmaries in the country.
Moreover, not all types of health problems are attended to even by the 90 At
Source Ang Processing desks of the Philippine Charity Sweepstakes Office
(PCSO) which prioritize cancer and dialysis patients.
Likewise, some hospitals still require part of the bill to be paid in cash even if
an indigent patient obtained a “guarantee letter” from the PCSO, Department
of Social Welfare and Development (DSWD) or the mayor’s office that
promises payment for medical services rendered.
This explains why many patients needing expensive Magnetic Resonance
Imaging tests to determine proper treatment for their condition are often left
with no recourse but suffer from further deterioration of their condition.
Then there is also the problem posed by the bureaucratic maze in the
processing of patient’s request for financial assistance from the PCSO, which
is one reason why Malasakit Centers are established in the first place.
While medical assistance fund is available courtesy of the PCSO, DoH and
DSWD, every patient or his caregiver waste precious time in queuing and
undergoing the procedural vetting of applicants just to qualify for assistance
and get a guarantee letter.
Even if Malasakit Centers are established in every hospital in the country, it
will still be not enough.
The long lines of outpatients in the receiving areas of the East Avenue Medical
Center, the National Kidney Transplant Institute or the Philippine Orthopedic
Center every day can attest to the need for more medical facilities.
So, there should also be Malasakit Centers in every 2,600 rural health units
and more than 20,200 barangay health stations nationwide.
Many barangay health centers have become so unreliable that some can
only provide pain relievers or, ironically, refer indigent patients to a private
hospital or pharmacy. Generally, these centers have no doctor or a trained
medical staff who can make proper diagnosis, especially during non-office
hours and on weekends and holidays.
To make matters worse, the P8.1-billion Health Facilities Enhancement
Program (HFEP) of the DoH, meant to build 5,700 units of school-based
barangay health stations, is now in limbo after the Commission on Audit
(CoA) cited various irregularities in the project.
Among others, CoA said there were unclear contract terms for payment,
resulting in either non-start, idle or non-completion of the health stations
within the contract time or even duplication in the same barangay.
Moreover, the CoA said the bidding for the construction of 3,200 units was
not in accordance with the established procedures, casting doubt on the
validity of the bidding process.
According to Health Secretary Francisco Duque, the intention of the program
initiated by his predecessor Secretary Janette Garin was “good” but was
plagued with faults in the implementation due to poor planning. He said the
fate of the program now rests with the CoA.
In addition to irregularities in the construction of health stations, CoA also
said the HFEP is plagued with low funding utilization issues.
Under the proposed 2019 budget, funding for the project dropped to P100
million from the P30.3 billion allocated for 2018.
Policy makers must resolve the issue and decide how best to use government
resources to deliver the needed health care to our citizens, particularly in the
far-flung barangays.
There cannot be inclusive healthcare if medical assistance desk and financial
assistance are accessed only through hospitals.
Barangay health stations, provided with medical personnel and adequate
stock of medicine, can more effectively reach out to the number of sick and
injured citizens who are currently left with no recourse but to either endure
the pain or worse, die a slow death.
Ni Teo S. Marasigan
Online Dossier at iba pang Pag-aalalang
Neo-Luddite hinggil sa Internet
BILANG taong ang tingin sa
sarili ay progresibo, sang-ayon
akong kailangang ituring ang
Internet – partikular ang tinatawag
na blogosphere – na larangan
ng tunggalian ng mga ideyang
konserbatibo
at
progresibo,
mapagpalaya at mapanupil sa
lipunan natin. Hindi na maikakailang
marami-raming tao na ang naaabot
sa pamamagitan nito – nagbabasa,
nakakakita, nakakarinig, namumulat
at sa ilang panahon at isang antas ay
kumikilos.
Isang usapin sa pagiging
larangan nito ng tunggalian ang
bilang ng taong naaabot nito. Dahil sa
atrasado at maralitang lagay ng bansa
natin, mas naaabot nito ang mga nasa
panggitnang uri at nasa naghaharing
mga uri na nakakonsentra sa mga
lungsod sa bansa. Mas naaabot
pa nga ng mga website at blog sa
Pilipinas ang mga Pilipino sa ibang
bansa, gayundin ang mga dayuhang
interesado sa mga nagaganap dito sa
atin.
Napakaliit na porsiyento
ng populasyon ang naaabot ng
Internet, wala pa yatang 15%. May
nabasa akong nagsasabing humigit-
kumulang isang milyon lang ang
regular na gumagamit nito sa bansa.
Lumalabas ding ang nangunguna
sa pagpaparami sa regular na mga
gumagamit nito ay ang mga internet
shop. At karamihan ng nagpupunta sa
mga internet shop, naglalaro lang ng
internet games, hindi nagbabasa ng
mga sulatin dito.
ILANTAD
PANIG
ANG
KABILANG
Hanggang sa puntong ito, sa tingin ko,
wala pa akong nasasabing bago. Ang
totoo, sinasabi na ang mga puntong
ito ng mga progresibo sa bansa sa
kanilang mga blog at website. Ang
nakakabahala, gayunman, hanggang
sa puntong ito lamang ang nasasabi
nila: Na kakaunti lang ang naaabot
ng Internet sa bansa. Pero sinasabi
rin iyan ng mga kapitalista at maka-
kapitalista. Ang totoo, problema ito
ng mga tumutubo sa Internet – hindi
ng mga progresibo. Kaya kailangang
magpalalim
sa
progresibong
pagtanaw rito.
Hindi tampok ni tumitining
sa mga blog at website ng mga
progresibo ang paglalantad sa
dominanteng katangian ng Internet:
na bulok ito, nag-uumapaw sa
reaksiyunaryo,
konserbatibo
at
dekadenteng mga ideya, pagnanasa at
ligaya. Na sa malaganap na paggamit
dito ngayon sa Pilipinas – tampok
ang internet games, pornograpiya,
at paghahanap ng makakatalik
para magparaos o magpayaman –
pagsakmal ito sa atensiyon, oras,
lakas at talino ng marami palayo sa
kalagayan at pakikibaka ng bayan.
Hindi rin tampok ni
tumitining ang tubo ng mga
kapitalista:
mula
pagbili
ng
kompiyuter o laptop hanggang
pagpapakabit ng Internet – gayung
tulad ng text, libre noon ang huli.
Hindi rin nababanggit ang kagustuhan
ng mga kapitalistang palaganapin ang
paggamit ng kompiyuter at Internet
sa bansa. Sa sanaysay niya tungkol
sa “ekonomiya ng atensiyon,” inuulat
ni Jonathan Beller, progresibong
intelektuwal, na pinondohan ng mga
kapitalista ang paggawa ng Friendster
at mga katulad nito para sa kanilang
patalastas.
Oo, larangan ng tunggalian
ang Internet – pero dehado ang
mga progresibo rito. Oo, mahalaga
ang mga petiburgis sa pulitika ng
pagbabago dahil madali nilang
magagap
at
maibahagi
ang
progresibong mga ideya. Oo, nag-
iisip na seksiyon nito ang nasa
blogosphere. Pero papaling-paling
ang mga petiburgis, at dominante sa
Internet ang mga puwersang hahatak
sa kanila palayo sa pagbabago. Oo,
pag-usapan natin ang pagba-blog,
pagwe-website – pero maging kritikal
tayo. Mangahas tayong maglantad.
LABANAN
ANG
MGA
IDEOLOHIYA NG INTERNET
Sa isang banda, hindi ko hinihinging
lumabas sa blog ng mga progresibo
ang nasabi ko. Pero sintomas ang
hindi paglabas ng mga ito ng sa
tingin ko ay kahinaan sa kritikal na
pagsuri sa Internet at mga aspekto
nito. Dahil sa kahinaang ito, hindi
natutunggali ang ilang matutukoy
nang mapanlinlang na ideolohiya
sablogosphere – huwag munang
isama ang mga ideolohiyang halatang
konserbatibo o reaksiyunaryo. O
ang abstraktong satsat ni Prop.
Randy David tungkol halimbawa sa
umano’y “pagpili ng identidad” dito.
Hinggil sa makabagong
teknolohiya. Sa kabuuan, kalakaran
ng mga blog ang yumakap sa bago. Sa
mga blog, mayaman ang talastasan,
lalo na ng mga “techie”, hinggil sa
bagong teknolohiya: mula paggamit
ng mga programa sa kompiyuter at
mga pauso sa Internet, hanggang
pagnanasa sa modelo ng mga gaheto.
Puwedeng paghahanap ng may
pakinabang sa pulitika ng pagbabago.
Puwede ring resulta ng likot ng
mga utak. Pero may pagpaling din
ito sa pagiging materyalistiko at sa
pakikiuso ng mga petiburgis.
Hinggil
sa
pagiging
voyeur at exhibitionist. Ayon sa
isang sikat na blogger sa diumano’y
mga blogger na hayskul, puwede
kang maging alinman sa dalawa sa
Internet. May palagay ito tungkol sa
uri ng mga tao sa blogosphere: Dahil
ang maralita, kapag namboso, bastos;
kapag naghubad, cheap o ambisyoso.
Kagyat na pagba-blog lang ang udyok
nito. Sa pinakamabuti, liberal itong
pagtulak sa lahat na magpahayag.
Sa pinakamasama, tugma ito sa
pagtinging panira sa seksuwal na
kaligayahan ang pulitika.
Masagwa sa mga progresibo ang
tumalima rito – sa blog, Friendster,
Multiply, Twitter at iba pa – o
banidosong ilahad ang mga detalye
at larawan ng buhay-petibugoy na
dapat ay hindi makasarili at walang
mukha para sa Estado. Mapanganib
din. Pinapadali nito ang paniniktik ng
militar sa mga aktibista at kanilang
personal na network. Sa mata ng
militar, online na ang dossier mo,
Bok! Oo, mayroong kill-joy at party
pooper sa Internet. Sila pa rin naman:
may armas, nanliligalig at sumusupil
sa mga kritiko ng gobyerno.
TAYO ANG GUMAMIT
TEKNOLOHIYA
SA
Kailangang mulat tayong tayo
ang gumagamit sa Internet, o sa
teknolohiya sa pangkalahatan. Dahil
kung hindi, tayo ang magagamit
nito. May progresibong gamit ang
Internet; pero nangingibabaw ang
konserbatibo,
reaksiyunaryo,
o
tahasang dekadenteng gamit nito.
Hindi ako sang-ayon na palaganapin
ng mga progresibo ang pagba-blog.
Maglako tayo ng progresibong
mensahe, hindi ng midyum lamang
na bagamat tila walang pulitika ay
dominado sa aktuwal ng mga kalaban
ng pulitika ng pagbabago.
20 Oktubre 2007