Tambuling Batangas Publication August 22-28, 2018 Issue | Page 3
BALITA
August 22-28, 2018
Delegasyon mula sa
Cebu inalam ang PPP
program sa Batangas
City
“Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin”,ipinagdiwang ng Nutrition Division ng City Health Office ang Nutrition Month.
City Veterinarian Dr Macario Hornilla
Barangay...
na nakasaad sa batas na kapag
ikaw ay gun owner, required ang
pagkakaroon ng safety vault sa
bahay upang pagtaguan ng baril.
Kailangang itago ang baril saan
mang ligtas na lalagyan na hindi
basta makikita o makukuha lalo
ng mga bata. Ito rin ay dapat
nakalagay sa holster kapag dala at
hindi basta nakasuksuk sa baywang
mula sa pahina 1
o sa tagiliran. Dapat ding ang baril ay
laging naka lock at walang bala kung
hindi dala.
Ayon kay Danny Kalaw,
gun instructor at International range
officer ng BRPG, ang pagdadala ng
baril ay hindi para sa pansariling
kapakanan lamang kundi dapat
maging maingat at marunong sa
paggamit nito. Ipinaliwanag din
niya ang batas, violations at
penalties na kahaharapin ng
isang gun owner kung ito ay
lalabag sa Republic Act 10591 o
“Comprehensive Firearms and
Ammunitions Regulation Act”.
Pagkatapos ng seminar ay actual
na nag practice ng shooting ang
mga participants sa firing range sa
Gulod Labac.(PIO Batangas City)
Gov. Dodo, Naging IRA Resource
Person ng mga LGU Councils
DUMALO si Batangas Gov.
Hermilando “Dodo” I. Mandanas sa
magkakasunod na mga pagpupulong
na ginanap sa Metro Manila na may
kinalaman sa pagkatig ng Korte
Suprema sa petisyong kanyang
pinangunahan patungkol sa paglaki
ng nararapat na Internal Revenue
Allotment (IRA) na natatanggap ng
mga local government units mula sa
mga buwis na nakokolekta.
Metro Manila Council
Naging resource speaker si Gov.
Mandanas sa isinagawang 14th Metro
Manila Council Regular Meeting
sa Lungsod ng Mandaluyong, na
pinangunahan ni Council chairperson
at Quezon City Mayor Herbert
Bautista, noong ika-7 ng Agosto
2018.
Nagbigay ang Batangas
governor ng mga paglilinaw ukol
sa karagdagang IRA na maaaring
matanggap ng mga LGUs. Sa bahagi
ng Metro Manila Council, ang
governing board and policy making
body ng Metro Manila Development
Authority, nagpasalamat sila kay
Gov. Dodo sa pangunguna sa
nasabing petisyon at sinabing agaran
silang maghahain ng Resolution
upang huwag nang umapela ang
pamahalaang nasyunal sa Korte
Suprema, bagkus ay agarang
ipatupad ang nauna nang desisyon
nito kaugnay ng IRA increase para sa
mga LGUs.
Union of Local Authorities of the
Philippines
Sa 88th National Executive Board
meeting noong ika-9 ng Agosto
2018 ng Union of Local Authorities
of the Philippines (ULAP), ang
umbrella organization ng lahat ng
liga at samahan ng LGUs sa bansa
at ng mga locally elected officials,
nagpasa ang ULAP ng Resolusyon na
kumikilala kay Governor Mandanas
sa pagsusulong ng karapatan ng mga
lokal na pamahalaan na matanggap
ang wastong kabahagi ng IRA, ayon
sa isinasaad sa batas.
Sa meeting na ginanap
sa DILG NAPOLCOM Center sa
Quezon City, binigyang-diin ng
ULAP National Executive Board na
ang pagkakapanalo ng petisyon ng
gobernador ng Batangas Province
sa Korte Suprema ay isang panalo
ng mga Batangueño at ng buong
sambayanang Pilipino.
Isinaad din ng nasabing
pamunuan na may resolusyon
na din sila upang hikayatin ang
pamahalaang nasyunal na kaagad
nang ipatupad ang SC Decision sa
Mandanas Petition at huwag nang
maghain ng apela para mabaliktad
ito.
League of Provinces of the
Philippines
Samantala, noong ika-10 ng Agosto
2018, dumalo rin si Gov. Mandanas sa
pagpupulong ng League of Provinces
of the Philippines (LPP) sa Lungsod
ng Makati. Sa pangunguna ni LPP
president at Ilocos Sur Gov. Ryan
Luis Singson, isa sa mga agenda ng
meeting ang patuloy na talakayan sa
usapin ng IRA.
Ibinahagi ni Governor
Mandanas ang kanyang ulat tungkol
sa matagumpay na IRA Petition sa
Supreme Court ng bansa.
Nagpasalamat at nagpaabot
naman ng pagbati ang liderato ng LPP
sa gobernador, na kagaya ng ULAP at
Metro Manila Council, ay maghahain
din ng resolusyong nagpapahayag
ng suporta sa SC decision at
hihimok sa national government na
huwag nang magsampa ng Motion
for Reconsideration patungkol sa
nararapat na kabahagi ng LGUs sa
lahat ng nakokolektang buwis. –
Jenny Asilo Aguilera – Batangas
Capitol PIO
BILANG ang Cebu ang isa sa mga
mauunlad na probinsiya sa Pilipinas,
isang malaking karangalan sa Batangas
City na magstudy tour dito kahapon,
August 21, ang delegasyon ng Carcar
City, Cebu upang pag-aralan ang public
private partnership(PPP) project nito
sa Grand Terminal at iba pang best
practices ng lungsod.
Kabilang sa delegasyon ang
ilang mga miyembro ng kanilang Sang-
guniang Panlungsod, department heads
at barangay captains.
Ayon sa kanila, interesado
si Carcar City Mayor Nicepuro Apura
na malaman ang PPP ng pamahalaang
lungsod ng Batangas sa Batangas
Ventures Properties and Management
Corporation (BVPMC) na syang nan-
gangasiwa sa Grand Terminal. Nais din
niyang mag benchmark sa mga pro-
grama at proyektong ipinatutupad sa
Batangas City, na pwede nilang i adopt
kung ito ay makakatulong sa ibayong
kaunlaran ng kanilang lungsod.
Napili ng Department of
Interior and Local Government (DILG)
ang Grand Terminal bilang isa sa Top
10 Best PPP projects ng isang local
government unit sa buong bansa noong
nakaraang taon.
Nagkaroon ng isang orientation pro-
gram kung saan tinalakay ni City
Administrator Narciso Macarandang
ang malaking papel na ginagampanan
ng PPA sa pagpapatupad ng iba’t ibang
proyektong pangkaunlaran sa Batangas
City.
Binigyan niya ang delegasyon ng kopya
ng ordinansang tungkol sa PPP na akda
ng dating konsehal na si Congressman
Marvey Mariño. Ipinaliwanag niya na
nakapaloob sa ordinansa na ang PPP
ang madaliang tutugon sa mga pangan-
gailangan ng komunidad ng hindi na
kailangan pang maghintay kung kailan
magkakaroon ng pondo o pinansyal na
kakayahan ang pamahalaang lungsod
upang gastusan ang isang proyekto.
Nagtungo din ang grupo sa Batangas
City Grand Terminal kung saan binigy-
ang diin ni Cecile Mendoza, officer in
charge ng BVPMC, ang magandang
ugnayan nila sa pamahalaang lungsod
kung kayat nagiging matagumpay ang
naturang proyekto.
Ang Carcar City ay fourth class com-
ponent city sa lalawigan ng Cebu at
may populasyon na 119,664. Ito ay
binubuo ng 15 barangay. Pangunahing
ikinabubuhay dito ay shoemaking,
blacksmithing at chicharon production.
Laking pasasalamat ng delegasyon
kay Mayor Beverley Rose Dimacuha
sa malugod na pagtanggap sa kanila.
Nagbigay si Mayor Dimacuha ng
simple tokens bilang pasasalamat sa
kanilang pag bisita.
Narito rin ang ilan sa mga myembro ng
PPP Selection Committee ng Batangas
City na sina City Legal Officer Teod-
ulfo Deguito, City Planning and Devel-
opment Coordinator Januario Godoy
at Supervising Administrative Officer
Manolo Perlada. (PIO Batangas City)
Batangueño Math
Wizards, Binigyang
Parangal ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas
“BAGAMA’T mga paslit ay huwag
mamaliitin ang kakayahan ng mga
batang Batangueño sa larangan
ng matematika.” Ito ang naging
pahayag ni Gov. Dodo Mandanas sa
kanyang mensahe sa paggagawad ng
Certificates of Recognition noong
ika-13 ng Agosto 2018 sa Provincial
Auditorium, Capitol Compounds,
Batangas City para sa mga kabataang
Batangueño na namayagpag sa
iba’t ibang international academic
contests.
Kasama
ang
mga
miyembro
ng
Sangguniang
Panlalawigan
ng
Batangas,
ginawaran ni Gov. Mandanas ang
mga mag-aaral na nakakuha ng
tanso, pilak at gintong medalya
sa naganap na 2018 World
Mathematics International sa South
Korea noong ika-16 ng Hunyo 2018
na sina Christian David Corto, Adrian
Joren Lantin, Maru Adrian Robles,
Jom Riley Kaw, Gadriel Simone
Dalangin, Julianne Ycel Kaw at
Gerald Elmer Ilagan.
Nag-uwi din ng tansong
medalya mula sa bansang Singapore
sina Jan Feliza Siscar at Adrian
Joren Lantin para sa Singapore
International Mathematics Olympiad
(SIMOC), kasama sina Gerard
Elmer Ilagan at Jomer Wilson Lee.
Samantalang si Keisha Zheanna
Bacay ay nakapaguwi ng tansong
medalya buhat sa International Junior
Math Olympiad na ginanap naman sa
bansang Thailand. – JHAY ¬JHAY
B. PASCUA – PIO CAPITOL Photo:
ERIC ARELLANO