Tambuling Batangas Publication August 08-14, 2018 Issue | Page 4

OPINYON August 8-14, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan Leila’s dilemma IN his third State of the Nation Address (SoNA), President Rodrigo Duterte vowed not only to pursue his campaign against illegal drugs but also warned that it “will be as relentless and chilling” as it had begun. He said he will not be dissuaded from continuing the war against illegal drugs by the protests, demonstrations and harsh criticisms, particularly from vociferous human rights advocates. “Your concern is human rights, mine is human lives. The lives of our youth are being wasted and families are destroyed and all because of the chemicals called shabu, cocaine, cannabis and heroine,” the President said. As if on cue, like the conditioned reflexes of Pavlov’s dogs, the President’s critics took no time to disparage the administration’s tough anti- drug policy. One such critic is Sen. Leila de Lima, now confined in jail on charges of involvement in illegal drug trade, particularly the lucrative trafficking of shabu inside the National Bilibid Prison (NBP). In her speech upon receipt of the Liberal International’s Prize for Freedom Award last 28 July, De Lima took a swipe at President Duterte’s SoNA by arguing that human lives and human rights are not opposites. While no doubt a good sound bite for scoring media points, that statement deliberately distorts the President’s clear message: that when push comes to shove, he would rather save the lives of innocent people than those of the drug-crazed criminals who murder, rape and harm their victims. The President’s directive for the implementation of the anti-drug campaign is solidly anchored not only on law, standard law enforcement procedures but also on respect for human rights: apprehend the suspects but don’t hesitate to use lethal force when lives are at stake. Her recent posturing betrays De Lima’s hypocrisy as she is currently facing criminal charges over involvement in the illegal drug trade, particularly the lucrative trafficking of shabu inside the NBP during her stint as Justice secretary. High-profile inmate Jaymee Sebastian testified at congressional hearings that he gave a total of P14 million on various occasions to De Lima, purportedly to fill her senatorial campaign kitty, with one directly given to the senator at the office of then Bureau of Corrections (BuCor) director Franklin Bucayu. Former BuCor officer-in-charge Rafael Ragos also testified that he delivered drug payola money to De Lima’s alleged bagman, her paramour and driver Ronnie Dayan. The links between De Lima and the three men are clearly established. In fact, De Lima herself admitted that her erstwhile boyfriend recommended to her the appointment of the two BuCor officials. De Lima tried to downplay the issue by claiming Dayan’s word played very little in her appointment of Bucayu and Ragos. She said it was normal for anyone close to her to make recommendations but the final decision rests on her. The fact that she actually appointed the two betrays the paucity of her denials. While her romantic liaisons with Dayan is purely a personal matter, the appointment of officials to sensitive government posts is the public’s concern. That her appointees Buyacu and Ragos admitted having facilitated, if not tolerated, the drug trade inside the NBP speak volumes about De Lima. Even more telling is that during the term of these two officials, drug trafficking inside the NBP flourished. De Lima’s protestations of innocence fly amid the fact that on 23 February 2017 a warrant of arrest was issued by a Muntinlupa court against her and co-accused Ragos and Dayan after finding probable cause on drug- trading-related charges that allegedly went on at the NBP. In her arraignment last 27 July, De Lima remained defiant and refused to enter any plea on grounds that she does not recognize the legitimacy and the validity of the charges. However, what De Lima cannot deny is that the Supreme Court itself affirmed on 6 June the jurisdiction of the Muntinlupa court over her case and the validity of the warrant of arrest issued against her. De Lima is now facing a difficult situation on how to sustain her self-proclaimed persona as law-abiding and human rights respecting official amid the drug-related criminal cases ranged against her. That is De Lima’s dilemma. Mga Plakard sa Panahon ng ZTE DAHIL inaasahan kong nagkakasa na ng mga protesta ang iba’t ibang grupo para kondenahin ang korupsiyong inaakusa kina First Gentleman Mike Arroyo at Comelec Chairman Benjamin Abalos, mapagkumbaba kong ipinapanukala ang sumusunod na mga islogan – na sana’y gamitin nila kahit sa mga plakard. (Katulad ng alam na ng marami, inakusahan nitong Setyembre 18 ni Jose “Joey” de Venecia III sina Arroyo at Abalos ng pagsuhol at pagkatapos ay pagsindak sa kanya para umatras sa proseso ng pagsubasta o bidding sa plano ng gobyernong magtayo ng national broadband network. Nakopo ng ZTE Corporation ng Tsina ang kontrata ng plano sa halagang $329 Milyon.) LULI: NANAY AT TATAY MO, ADIK… SA PERA NG BAYAN. Sagot ito sa pagtatanggol ni Evangeline “Luli” Arroyo sa kanyang ama kung saan sinabi niyang “Hindi ko alam kung may tama sa pag-iisip niya ang paggamit niya dati ng droga” nang pinatutungkulan si Joey de Venecia. “Secret weapon” ang turing kay Luli ng makinarya sa propaganda ng Malakanyang at ng ilang taga- midya mismo, dahil pinagmumukha raw niyang mga taong nasasaktan ang mga magulang niya. Pero hindi siya dapat palusutin sa hirit na itong below the belt – o “below the bra” para hindi seksista. Sabi raw ng tatay niya, “Manipis ako… Mas maliit akong target pero ako pa rin.” Adik, hindi ba? Kumpara sa karaniwang adik, mas baliw at salot ang mga grabeng sugapa sa pondo ng bayan. IKAW, MIRIAM, SINO’NG NAGPOPONDO SA IYO? Sagot ito sa nagpupuyos na ispekulasyon ng maka- administrasyong senadora: “Sino ang nagpopondo sa binatang ito?” Sa punto pa lang, aniya, na patok ang publisidad ng pagbubunyag ni De Venecia sa katiwalian sa administrasyong Arroyo, masasabing “maraming pera ang nagastos”. Kung matatandaan, ganito rin ang punto niya sa pagdinig sa kasong impeachment laban kay dating Pang. Estrada. Aniya noon, labag sa lohika ang paglipat ng isang abogado sa pinagtatrabahuang mas mababa magpasuweldo. Binara at ipinahiya siya ni dating Sen. Raul Roco, kaya pinagdiskitahan niya ang mga manonood noon na, aniya, tumitingin sa kanya sa paraang “provocative”. Siya kaya, sino ang nagpopondo sa mga satsat niya? GARCIA AT VILLAFUERTE: MGA TRAPO, PAMPAPOGI NI SPEAKER. Lalong nagiging malinaw ngayon kung bakit binuo – siyempre pa ng Malakanyang – ang bloke nina Rep. Pablo Garcia at Rep. Luis Villafuerte sa Kongreso: Para gipitin pana-panahon si Speaker De Venecia na lubusang sumunod sa Malakanyang. Napakabulok na pulitiko ng dalawang ito. Sa panahong pumutok ang isang eskandalong napakahalagang pag-aralan ng bansa, ang interes lang nila ay ipagtanggol si Pang. Arroyo at kuhanin ang liderato ng Kongreso. Bago sumingaw ang dalawa, halos monopolyo ni Speaker ang bansag na “trapo”. Ngayon, salamat sa matapang na paglantad ng anak niya, gayundin sa paglutang ng itsura ng dalawang halimaw na trapong ito, pumopogi siya sa publiko. MIKE ARROYO: WALA KANG KUPAS. ABALOS: MAGALING BUMILANG NG PERA, HINDI NG BOTO. Noong nagkasakit si First Gentleman Mike Arroyo at nameligro ang buhay niya sa unang bahagi ng taong ito, pinalabas ng mga propagandista ng Malakanyang na nagbago na siya. (Pag-amin kaya ito na ubod-sama ang nakaraan niya?) Pero lumilitaw na pagkagaling niya sa sakit at agaw-buhay, bumalik siya agad sa masasamang gawing inaakusa sa kanya. Mabuti hindi siya nabinat. Wala siyang kupas. Gaano ka-bobo ang mga Pilipino para kay Pang. Arroyo? Hanggang kailan puwedeng babuyin ang mga Pilipino para sa kanya? Isang malinaw na sukatan niyan kung gaano katagal pa niya papanatilihin si Abalos bilang tagapangulo ng Commission on Elections. ZOBRA NA, TAMA NA, EXIT NA! Madali sanang isantabi ang mga akusasyon ni Joey de Venecia kung hindi siya anak ni Speaker na malapit na alyado ng pamilyang Arroyo at walang mapapala kung kakalas sa huli. Higit pa rito, madali sanang balewalain ang mga ito kung wala ang napakarami nang akusasyon ng pandarambong laban sa kanila: Pidal, Macapagal Ave., Bolante… Sa mga akusasyong ito, isa sa pinakamalaking patunay ng kanilang pagkakasala ang tugon nilang pigilan ang paglabas ng katotohanan: banatan ang mga naglalantad at sawatain ang mga proseso. Kahapon lang, inilantad ni Hen. Hermogenes Esperon na may natuklasan siyang bagong plano ng destabilisasyon. Maganda ang timing: nagbabanta ng paninikil. Hindi na sila nagbago. BACK-OFF, GLORIA! Matagal nang maysala si Pang. Arroyo sa mata ng sambayanan. Ipinapakita niyang ang taong nagnakaw sa mismong pagkapangulo – at sa gayon ay bumalewala sa bulok-na-ngang mga panuntunan ng pulitika sa bansa – ay mas may kakayahan at pangangailangang magpatupad ng mga patakarang kontra-mamamayan at kontra- maralita. Ngayon, sa paggunita ng sambayanan sa ika-35 anibersaryo ng pagdeklara ni dating Pang. Marcos ng batas militar, ipinapaalala sa atin ng mga pangyayari sa Senado na marami pa ang hindi nagbabago sa bansa natin. Bukod sa pinaghaharian pa rin tayo ng malupit na pasistang may kontrol sa militar, dinarambong pa rin tayo ng mag-asawang maitim ang budhi – na nakipagbeso sa publiko kay Imelda! Matagal nang maysala si Pang. Arroyo sa mata ng sambayanan. Dagdag na asunto lamang ang ZTE. Pero mahalagang dagdag ito, dahil binubuhay nito ang malupit na karanasan ng anim na taon nang paghahari ng pamilyang Arroyo. Papaabutin pa ba natin ito sa 2010? Para waldasin pa ang mga pangarap at pag-asa para sa bayan natin? Sana ang sagot natin ay katunog ng FG at ZTE. O kaya ng Garci. 21 Setyembre 2007