Tambuling Batangas Publication August 08-14, 2018 Issue | Página 3

BALITA August 8-14, 2018 Batangas Province, nanguna sa 2018 Region 4A Local Gov’t. Finance Kabilang ang mga Tanggapan ng Provincial Treasurer at Provincial Assessor sa binigyang pagkilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A (CALABARZON) sa katatapos na 2018 Mid-Year Performance Evaluation. Ipinakita nina Asst. Provincial Treasurer Tess Ayap (3rd mula kaliwa) at Provincial Assessor, Engr. Ed Cedo, Jr., ang kanilang mga nakamit na plake kina Board Members (mula kaliwa) Junjun Rosales, Devs Balba, Weng Sombrano- Africa, Lydio Lopez at Jaypee Gozos sa Provincial Auditorium. Vince Altar / Photo: Jj Pascua – Batangas Capitol PIO Konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center, Aarangkada na BATANGAS CITY- Pormal ng sinimulan ang pagpapagawa o konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center sa pamamagitan ng isang Ground Breaking Ceremony noong ika-8 ng Agosto 2018. Pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas ang okasyon kasama ang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Engineer’s Office at iba pang mga tanggapan sa Kapitolyo. Ang Batangas Evacuation Center, na tinatayang may sukat na tatlong libo metro kudrado (3,000 sqm), ay may kakayahang tumanggap ng 3,000 libong katao sa oras na magkaroon ng malawakang pinsala dulot ng disaster sa lalawigan. Bukod sa pagiging evacuation center, maaari rin itong magsilbing covered park, at assembly and recreation activity area ang nasabing pasilidad kapag ito ay hindi ginagamit bilang evacuation center. Nilinaw din ni Provincial Engineer Gilbert Gatdula, sa pagtatayo ng covered park-evacuation center, mahigpit ang tagubilin ng gobernador na gawing environment-friendly ang proyekto, at dahil dito, ipinagbilin nito na walang puno ang mapuputol sa konstruksyon at komplesyon ng naturang proyekto. Ang nasabing pasilidad, na tinatayang aabutin ng halagang P60M, inaasahang matatapos sa Disyembre 2018 at mabubuksan sa publiko sa Marso ng 2019. Bukod sa mga gamit na mahalaga sa operasyon ng isang evacuation center, kabilang sa mga ilalagay sa loob ng pasilidad ang LED walls na magagamit bilang indoor entertainment para sa publiko at heavy duty general purpose generator na handang magbigay ng emergency electrical power sa buong Kapitolyo. – Edwin V. Zabarte Batangas PIO Pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas ang Pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center sa pamamagitan ng isang Ground Breaking Ceremony noong ika-8 ng Agosto 2018. Ang okasyon ay sinaksihan ng pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Engineer’s Office na siyang pangunahing tagpagsulong ng proyekto, kasama ang iba pamunuang Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan. / Batangas PIO Capitol Photo: Karl Ambida/Eric Arellano BINIGYANG pagkilala ng Bu- reau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A (CALA- BARZON) sa katatapos na 2018 Mid-Year Performance Evaluation ang mga natatanging mga tagatasa at ingat yaman, kabilang ang mga Provincial Treasurer, Provincial Assessor, 2 Municipal Assessors at isang Municipal Treasurer mula sa Lalawigan ng Batangas. Ang awarding ceremony ay ginanap sa Binangonan Rec- reation and Convention Center, Binangonan, Rizal noong ika-3 ng Agosto taong kasalukuyan. Ipinagkaloob ang Plake ng Pagkilala, sa pinakamaaga at tamang pagsumite ng 2017 Quar- ter 1 – 4 Electronic Statements of Receipts and Expenditures (eSRE) Reports sa buong rehiyon sa Lalawigan ng Batangas, sa pan- gunguna ni Batangas Provincial Treasurer Fortunata G. Lat; at sa Bayan ng San Pascual, sa pan- gunguna ni Municipal Treasurer Dolores A. Gaa, para sa municipal level. Kaugnay nito, nakamit rin ni Gng. Lat ang parangal na kumikilala sa kanyang pamu- muno, napakahalagang kontri- busyon at hindi matatawarang pagsusumikap upang malampasan ang Revenue Collection Target ng Probinsya sa taong 2017 sa apat na kategoryang Real Property Tax, Business Tax, Fees and Charges and Economic Enterprise. Iginawad naman kay Provincial Assessor Engr. Eduardo B. Cedo, Jr. ang pagkilala para sa mas pinabuti at pinalawig na Real Property Tax (RPT) Base na nagbigay ng malaking tulong para malampasan ng Batangas Province ang Revenue Collection Target sa kategoryang Real Property Tax. Samantala, sa Highest Total Assessed Valuation para sa taong 2017, nanguna sa lahat sa buong rehiyon ang Probin- siya ng Batangas, sa tulong ni Batangas Provincial Assessor Engr. Cedo, na nakapagtala ng Php 114,871,526,690.00 total assessed valuation. Sa municipal category, Top 1 ang Calaca, Batan- gas sa pangunguna ni Municipal Assessor Eduardo S. Matalog na may total assessed valuation na Php 36,937,261,530.00. Top 2 ang Sto. Tomas Batangas sa tulong ni Municipal Assessor Fredelito C. Bartolome na may Php 12,870,021,060.00 at bayan ng Nasugbu sa pagsusumikap na- man ng Municipal Assessor nito na si Erlinda A. Dasal bilang Top 3. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Provincial Plannning and Development Officer, Nag ulat SA likod ng bawat pag- unlad, kaakibat ang pagkakaroon ng isang masusi at sistematikong pagpaplano, kung saan ito ay magsisilbing gabay na inaasahang makatutulong upang matamo ang inaasam na kaunlaran. Kaugnay nito, kasabay ng Lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas na ginanap noong ika- 6 ng Agosto taong kasalukuyan, nagbigay ulat ng 2018 mid-year accomplishments ang puno ng tanggapan ng Panlalawigang Tagapag- ugnay sa Pagpaplano at Pagpapaunlad na si Mr. Benjamin I. Bausas. Naging sentro ng pag-uulat ang iba’t ibang Proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan kabilang dito ang Regional Food Terminal, Batangas Access Zone at Taal Lake Water Development Project kung saan ito ay inaasahang makakapagpalago ng ekonomiya ng Probinsya at higit sa lahat ay ang makalikha ng trabaho para sa tao. Kabahagi nito, tinalakay rin ang iba’t ibang idinaos na pagpupulong tulad ng pagsasagawa ng Production Planning and Material Control special meeting, pangangasiwa sa Cities Municipalities Competitiveness Index (CMCI) meeting at Provincial Development Executive Committee meeting na makakapagbalangkas sa mga hangarin na nais ipaganap ng pamahalaan. S a m a n t a l a , patuloy ang tanggapan kasama ang iba’t ibang opisina ng pamahalang panlalawigan sa pagsusumikap na makahikayat ng dayuhan at lokal na mamuhunan na magiging daan upang mas makilala pa ang lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang maunlad at malagong ekonomiya. – ✐ Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO