Tambuling Batangas Publication August 08-14, 2018 Issue | Seite 2
BALITA
Malnutrisyon ay labanan, tamang nutrisyon makakamtan. Masayang umakyat ng entablado ang ilan sa mga 2017 Provincial
Supplementary Feeding Program Beneficiaries na sinalubong naman ng may buong kagalakan ni Batangas Governor Dodo Mandanas.
Ang presentasyon ng mga batang sumailalim sa nakaraang taong Feeding Program ay kaalinsabay sa 2018 Nutrition Month Celebration
ng Pamalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-25 ng Hulyo na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol, Compound, Batangas
City. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Jhay Jhay B. Pascua – Batangas Capitol PIO
Gov. Dodo, Inimbita ng Senado
para sa Pagdinig tungkol sa IRA
KABILANG
sa
mga
naimbitahang
dumalo
si
Batangas
Governor
Dodo
Mandanas sa pagpupulong ng
Technical Working Group ng
Joint Committees on Local
Government; Banks; Financial
Institution and Currenciesl and
Ways and Means ng Senado ng
Pilipinas noong ika-6 ng Agosto
2018
tungkol
sa
usaping “Enhancing the Share
of LGUs in the Internal Revenue
Allotment (IRA).
Kasama niyang dumalo
sa pagdinig sina Dept. of Budget
and Management Secretary
Benjamin Diokno, Bureau of
Treasury Director Dominic
Mariano, Bureau of Customs
Commissioner Isidro Lapeña,
at iba pang mga economic
managers ng pamahalaang
nasyunal.
Nakiisa rin ang mga
opisyal at kinatawan ng mga
iba’t ibang liga ng mga local
government units sa bansa.
Sa desisyong inilabas
noong ika-3 ng Hulyo 2018,
inayunan ng Supreme Court ng
bansa ang petisyong iniakda
ni Gov. Mandanas na ang
IRA ng mga LGUs, ayon sa
1987 Constitution, ay dapat
nanggagaling sa lahat ng
national taxes at hindi lamang
mula sa National Internal
Revenue taxes na kinokolekta
ng Bureau of Internal Revenue
(BIR).
Ikinatuwa ang desisyon
ng mga LGUs sa buong bansa
na makikinabang sa mas
malaking IRA share para sa
mga proyektong kinakailangan
sa mga komunidad. Naglabas
naman ng agam-agam ang mga
economic managers sa maaaring
maging epekto nito sa national
economy.
Tinalakay rin ang ilang
mga Senate Bills na nakatakdang
ihain nina Sen. Ralph Recto,
Sen. Koko Pimentel, at Sen.
Sonny Angara na nakatuon sa
pagsasabatas ng pagpapalaki ng
IRA ng mga LGUs. Jenny Asilo
Aguilera – Batangas Capitol
PIO
Enhancing IRA Share. Nagpapaliwanag si Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpupulong ng Technical Working Group ng Joint Committees on
Local Government; Banks; Financial Institution and Currenciesl and Ways and Means ng Senado ng Pilipinas noong ika-6 ng Agosto 2018 sa Senate
Bldg., Roxas Boulevard, Pasay City. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Pagpupulong... mula sa pahina 1
Ang
nasabing
pagpupulong ay batay sa
rekomendasyon at inisyatibo ng
Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources
Regional
Office
IV-A na ginanap sa tanggapan
ng Panlalawigang Agrikultor
noong ika-6 ng Agosto taong
kasalukuyan.
Nakapaloob
sa
Memorandum ng Unawaan ang
mga ahensya na magiging kaisa
ng Pamahaalang Panlalawigan ng
Batangas sa paglikha ng samahan na mangangalaga sa Balayan
Bay at mga katabing look nito.
Kabilang dito ang Office of
the Provincial Agriculturist,
Philippine
Coast
Guard,
Department of the Interior and
Local Government – Batangas,
DENR – Provincial Environment
and
Natural
Resources
Office – Batangas, Philippine
National Police – Maritime
Group at National Intelligence
Coordinating Agency.
Nakasaad din sa MOA
na si Governor Dodo Mandanas
ang itatalagang Chairperson ng
Task Force samantalang si Engr.
Pablito Balantac naman ang
tatayo bilang Vice Chairperson.
Umaasa ang lahat na
agarang mabuo ang samahan
upang makagawa na ng mas
komprehensibong layunin at
matukoy ang mga nararapat na
aksyon na kinakailangan upang
mapanatili ang konserbasyon at
proteksyon ng mga baybayin at
karagatan sa lalawigan. – Mark
Jonathan M. Macaraig – Batangas
Capitol PIO
August 8-14, 2018
Tamang Nutrisyon para sa
Bawat Batang Batangueño,
Patuloy na Tinututukan
HANGARIN ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas ang
mabigyan
ng
atensyon
ang
pagpapahalaga at pangangalaga
sa ating kalusugan. Isa na nga dito
ang tuloy-tuloy na pagtugon upang
wakasan ang malnutrisyon sa bawat
batang Batangueño.
Ang malnutrisyon ay
isang kalagayan kapag ang katawan
ng tao ay hindi nakakukuha nang
sapat na sustansiya o bitamina na
kinakailangan nito upang makaiwas
sa mga sakit, makapag-isip ng
ayos at magkaroon ng malusog na
pangangatawan.
Kaugnay
nito,
sa
pangunguna ng Tanggapan ng
Panlalawigang
Pangkalusugan
katuwang ang mga magulang
at Barangay Nutrition Scholars,
patuloy na isinasagawa sa mga piling
barangay ng bawat bayan at lungsod
ang Food Assistance o mas kilala sa
tawag na Supplementary Feeding
Program (SFP).
Bilang
patunay
sa
tagumapay ng proyekto, ipineresenta
ang ilan sa mga bata na sumailalim
sa feeding program noong nakaraang
taon kasabay ng 2018 Nutrition
Month Celebration na isinagawa
noong ika-25 ng Hulyo sa Provincial
Auditorium, Capitol Compound,
Batangas City. Bakas sa kanilang
mga labi ang saya sa pagkakaroon
ng isang malusog at malakas na
pangangatawan, na lubos namang
ikinatuwa ng gobernador.
Ang mga beneficiaries ay
kinakitaan ng malaking pagbabago
sa kanilang mga timbang. May mga
batang ang dating bigat ay 11.0 kgs.
na classified bilang underweight
sa kanilang edad, ay tumitimbang
na ngayon ng mahigit sa 15 kgs.;
40th...
at Poster-making contest na
nilahukan ng mga kahanga-
hangang PWDs pati na rin
ang isang Forum on Inclusive
Employment na pinangunahan
ng Technical Education and
Skills Development Authority
(TESDA)-Batangas.
Gayundin, pinangalanan
at pinarangalan naman ang
mga nominado para sa 2018
Apolinario Mabini Batangan
Awards na sina: Paul John
Redondo ng Padre Garcia bilang
3rd place, Maritess Odarbe ng San
Juan bilang 2nd place at Dharwin
Dimapasoc ng San Pascual bilang
1st place sa titulong “Batangueño
with Disability of the Year”;
“Municipality of the Year”
1st place naman ang bayan ng
Cuenca habang nahirang na 2nd
place ang bayan ng Sto. Tomas.
Ginawaran bilang “Parent of
the Year” 1st place si Marjorie
Tanyag ng San Juan, 2nd place si
Victoria Adelantar ng Alitagtag
at 3rd place si Marites Redondo
ng Padre Garcia. “SPED Teacher
of the Year” 1st place naman
si Blessie Falurin ng San Juan,
Edna Marasigan ng Lipa City
bilang 2nd place at Eden Melani
Magpantay ng Cuenca bilang 3rd
place.
Wagi sa Poster-making
contest sina: Donita Isabel Badillo
ng San Luis bilang 1st place,
Jenny Pedrosa ng Taysan bilang
2nd place and Arriane Lorenzo ng
Lipa City bilang 3rd place. Flower
arrangement contest winners
mula naman sa 8.9 kgs. na severely
underweight noon sa kanilang age
group ay naging 14.3 kgs. na ngayon.
Ang naturang programa ay
may layuning maibsan ang bilang ng
maraming bata na kulang sa timbang
o payat at kulang sa sustansiya. Sa
pagtatapos ng proyekto, inaasahan
na makapagbibigay ito sa bawat
benepisyaryo ng kaukulang food
supplements, at least 70% na
pagbabago sa nutritional status at
patuloy na pagbaba ng prevalence
rate of malnutrition sa probinsya.
Sa ilalim ng Supplemantary
Feeding Program, ang mga kulang
sa timbang o malnourished na mga
bata, edad dalawa hanggang apat
na taong gulang ay papakainin ng
masusustansyang pagkain, limang
araw bawat lingo sa loob ng
nakatakdang bilang ng buwan na
kadalasan ay tumatagal hanggang
tatlong buwan.
Kabahagi rin nito ay
ang pagsasagawa ng taunang
Oplan Timbang (OPT) kung
saan binabantayang mabuti ang
tangkad at timbang ng mga bata.
Ang mga datos na makokolekta ay
pag-aaralan upang malaman kung
anong kaukulang hakbang ang
kinakailangan ng bawat bata. Dito
malalaman ang kanilang estado kung
sila man ay underweight, normal, o
overweight.
Ayon
sa
datos
ng
Provincial Health Office (PHO),
noong 2017 ay mayroon silang
naitalang 1,000 underweight at
severely underweight pre-school
children. Nanguna sa dami ng bilang
ng mga benepisyaryo ang bayan ng
Balayan na may 314 na bata at sa
city category naman ay ang Batangas
City na mayroong 50 benepisyaryo.
mula sa pahina 1
naman sina Manny P. Bagsit ng
Batangas City bilang 1st place,
Nestor Barza ng Rosario bilang
2nd place at Mark Torino ng Lipa
City bilang 3rd place.
Lubos na ikinatuwa ng
ama ng lalawigan ang katatagan
at determinasyon ng PWDs
sa pagpapabuti ng kanilang
pamumuhay. Aniya, malapit sa
kanyang puso ang mga PWD
lalo na dahil ang kanyang ama
ay mayroon ding kapansanan
na kailanman ay hindi naging
hadlang sa pagiging kapaki-
pakinabang sa lipunan.
Sa paglipas ng mga taon,
patuloy na nagpapatupad ang
pamahalaan ng mga programa
gaya ng NDPR Week upang
itaas ang kamalayan sa mga
kapansanan, at hikayatin ang
bawat mamamayan na maging
reponsable sa pagtugon sa mga
isyung ito. Sa pamamagitan
ng
pag-unawa
sa
mga
pangangailangan at kakayahan ng
mga PWD, ang mga oportunidad
para sa mga PWD ay lilikhain
ng mga mamamayan at ng
pamahalaan nang sa gayon ay
maging mas produktibo ang mga
at mas magakaroon ng tiwala sa
sarili ang ating mga kababayang
may
kapansanan
upang
makilahok bilang mga aktibong
mamamayan na nag-aambag
hindi lamang sa pagpapabuti sa
lipunan kundi pati na rin sa pag-
unlad ng ekonomiya. Jhay Jhay
Pascua ✎ Marinela Jade Maneja
– Batangas Capitol PIO