Tambuling Batangas Publication August 08-14, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. The Superb... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Tamang Nutrisyon para sa Bawat Batang Batangueño, Patuloy na Tinututukan p. 2 Germany’s Triple Win Project to hire 400 Pinoy nurses p. 5 Batangas Province, nanguna sa 2018 Region 4A Local Gov’t. Finance p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 33 August 8-14, 2018 P6.00 40th National Disability Prevention & Rehabilitation, Ginanap sa Batangas Capitol MATAGUMPAY na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang culminating program ng 40th National Disability Prevention & Rehabilitation Week noong ikatlo ng Agosto 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disability Affairs Office (PDAO) at Federation of Persons with Disability ng lalawigan. Ang taunang selebrasyon ay nagbibigay ng parangal sa humigit-kumulang 15 milyong Pilipino na may mga kapansanan at higit na mahalaga, upang parangalan si Apolinario Mabini, ang Sublime Paralytic, na nagpamalas ng kabayanihan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino sa kabila ng kanyang kapansanan. Si Mabini ay naging isang natatanging ehemplo para sa persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng kanyang mga dakilang ginawa para sa ating bansa. Ang tema ng pagdiriwang ng NDPR Week sa taong ito ay “Kakayahan at Kasanayan para sa Kabuhayan tungo sa Kaunlaran” na nakatuon sa pakilala sa kakayahan at kontribusyon ng PWDs bilang produktibong mamamayan. Kaalinsabay sa pagdiriwang ay ginanap din ang Flower Arrangement competition Sundan sa pahina 2.. Pagpupulong sa pagbuo ng Batangas Provincial Anti-Illegal Fishing Task Force, Idinaos HINDI maikakaila na ang Lalawigan ng Batangas ay mapalad sa pagkakaroon nito ng napakaraming marine-based resources. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas at produktibong fishing ground para sa mga lokal at komersyal na mga mangingisda, kasabay ang pagpapalawig sa coastal at marine tourism, nakapagbibigay ng mahalagang kontribusyon ang lalawigan sa pagpapaunlad ng ekonomiya hindi lamang sa rehiyon nitong kinabibilangan pati na rin sa buong bansa. Gayunpaman, ang mayamang mga palaisdaan at baybayin ng probinsya ay nanganganib sa mga iligal at mapanirang pamamaraan ng pangingisda. Kaya naman, upang higit pang mapalawig ang pagpapatupad ng mga estratehiya at mga batas na sumasaklaw at pumoprotekta sa yamang-dagat ng Batangas, nagkaroon ng isang pagpupulong na magsisilbing unang hakbang at babalangkas sa isang proposed Memorandum of Agreement (MOA) tungkol sa pagbuo ng Batangas Provincial Anti-Illegal Fishing Task Force. Sundan sa pahina 2.. Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disability Affairs Office (PDAO) at Federation of Persons with Disability ng lalawigan. Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos UPANG mas lalo pang mapagbuti at matalakay ang katatayuan ng waste management sa Lalawigan ng Batangas, idinaos ang Provincial Solid Waste Management Board Meeting noong ika-26 ng Hulyo 2018 sa PG- ENRO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City. Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa pangunguna ni PG-ENRO Department Head Luis Awitan na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga Batangas Local Government Units at mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan. Sa board meeting, isinaad ng mga kinatawan ang mga updates ukol sa solid waste management sa kani-kanilang mga munisipalidad. Kaugnay nito, inimbitahan ng PG-ENRO ang mga representante mula sa San Jose Sico Multi-Purpose Landfill Cooperative, isang multi-awarded at kinikilalang kooperatiba sa lalawigan. Si G. Rex De Guzman, kasalukuyang chairman ng nabanggit na coop, ay nagbigay ng maikling kasaysayan tungkol sa kanilang kooperatiba. Nagpakita siya ng isang audio visual presentation na nagpakita sa proseso na kanilang sinusunod sa pamamahala ng solid waste, mga proyekto at mga natatanging pasilidad. Nagbahagi rin ng kanyang mensahe si Gng. Celia L. Atienza, Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Department Head, tungkol sa usaping ito. Ayon sa kanya, kung nagawa ng San Jose Sico Multi- Purpose Landfill Cooperative ay magagawa rin ng ibang bayan sa pamamagitan ng determinasyon at kung may kagustuhang magbuo ng sariling kooperatiba ay maaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan. – Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO Medical Supplies and Equipment, Consignment System 2018, Pinirmahan KALUSUGAN ATING PANGALAGAAN. Governor Dodo I. Mandanas together with the officials of the Provincial Government of Batangas during the contract signing with 23 consignors for medical supplies and equipment at the People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Karl Ambida GINANAP ang isang contract signing sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at 23 Consignors, alinsunod sa Provincial Ordinance No. 003, Year 2017 o mas kilala bilang “Batangas Provincial Consignment System as amended” na naglalayong maipatupad at gawing mas epektibo ang hospital drug consignment system ng pamahalaan. Ang nasabing ordinansa ay isinagawa upang magkaroon ng isang pamantayan, pagsasaayos ng mga regulasyon at pagpapatupad ng epektibong consignment system. Nagsalita si Governor Dodo I. Mandanas tungkol sa tamang proseso kaakibat ang Republic Act 9184 o mas kilala bilang Government Procurement Reform Act na kung saan ang mga napiling Consignor ay accredited. Ang contract signing ay ginanap sa People’s Manision, Capitol Compound, Batangas City noong ika-8 ng Agosto taong 2018. – Shelly Umali at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO