Tambuling Batangas Publication April 18-24, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Abril 18-24, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] On with the polls BARANGAYS are the most basic administrative divisions in the Philippines. Dating back to pre-colonial times, they were the basic units of society which became the “barrios” during the Spanish and American eras up to the early years of the Philippine Republic. In 1974, then President Ferdinand Marcos ordered the renaming of barrios to barangays. The term survived the 1986 EDSA Revolution to become the smallest local government units under the Local Government Code of 1991, which states: “As the basic political unit, the barangay serves as the primary planning and implementing unit of government policies, plans, programs, and activities in the community.” Since 2007, barangay elections have been held every three years. But in October 2016, Congress enacted a law postponing the village polls to October 2017, while another law was passed postponing them to May 14, 2018. Last month, the House of Representatives approved a bill for yet another postponement to October 2018. However, the President never certified the bill as urgent and the Senate did not have a counterpart version. With both congressional chambers going on a seven-week summer break, it would be too late to recall our legislators from their vacations and schedule a special session just to postpone the barangay elections for a third time. Besides, the Comelec keeps on saying that it is prepared to conduct the polls for a fresh set of “kapitans” and “kagawads” in the country’s more than 42,000 barangays. Barring any extraneous event, it’s all systems go for a changing of the guard in the most basic pillar of our democracy. Ni Teo S. Marasigan Krimeng Wi-Fi, Kuwentong Sci-Fi PART 2 (2) Makikita rito kung paanong kahit sa abanteng kapitalistang mga bansa, mayroon pa ring hindi kalahok o excluded sa Internet bilang larangan. Siyempre, mayroon talagang naghahanap ng libreng Wi-Fi ng iba para doon nila ilabas ang mga pagnanasang ayaw nilang matumbok sa kanila. Mayroon din talagang gustong makalibre at makalamang. Pero mayroon din talagang walang Wi- Fi sa bahay. Siguro, maihahalintulad ang Wi-Fi sa karanasan ng iba pang kalakal sa ilalim ng kapitalismo. Ayon sa isang Marxistang ekonomista, marami sa mga kalakal na iniluwal ng kapitalismo – at maging sa mga produktong inabutan ng kapitalismo mula sa panahon ng piyudalismo – ang nagsimula sa pagiging pribilehiyo ng iilan sa lipunan. Halimbawa niya ang asukal, na makikita lamang noon sa hapag-kainan ng mga hari at reyna ng piyudalismo. Unti-unti, umabot at nanuot ang asukal sa karaniwang mga tahanan, pero hanggang sa isang antas lamang. Dahil sa tuluy-tuloy na pagkakonsentra ng yaman sa iilan sa bansa at mundo, kasabay ng tuluy-tuloy na paghihirap ng malaking mayorya, gayundin ng pagtubo at pag-aari sa produksiyon ng mga kalakal, hanggang isang antas lamang ang inaabot ng “demokratisasyon” o paglaganap ng mga kalakal ng kapitalismo. Hindi lamang asukal at Wi-Fi ang puwedeng gawing halimbawa rito, kundi samu’t saring kalakal na – na lumaganap pero hanggang sa isang antas lamang. Halos kasabayan, halimbawa, ng akademiko at intelektuwal na talakayan hinggil sa Internet at makabagong mga teknolohiya – gayundin sa urbanisasyon na sinasabing balangkas ng mga teknolohiyang ito – ang pagkatawag ng pansin sa mabilis na paglago ng populasyon ng mga tinatawag na “slum” sa buong mundo. Magiging “planeta ng mga slum” ang mundo, ayon sa isang awtor. Ipinapaalala ng paglago ng populasyong ito – puwede kayang tawagin itong “iskuwaterisasyon ng mundo”? – kung paanong hindi maiwasan ng kapitalismo, o ng imperyalismo, na lumikha ng malaking saray ng reserbang paggawa. Sa kaso ng mga iskuwater ng planeta, karagatan sila ng mga latak na hindi maipaloob o mapaunlad ng sistema. Mas “latak” nga marahil, dahil may dala pang pangako ang “reserbang paggawa” na maipapaloob sila sa ekonomiya. Giit ni Samir Amin, progresibong ekonomista: “Lahat ng patakaran ng G-7,” ang alyansa ng mayayamang bansa sa mundo, “at ang lahat ng armas na ginagamit nito para ipatupad ang nauna, ay nagpapakita ng prospek ng kahirapan at kamatayan ng bilyun-bilyong tao sa buong mundo. Alam ito ng naghaharing mga uri ng kolektibong imperyalismo; hindi katanggap-tanggap ang anumang hinuha na sobrang bobo nila para hindi ito mapagtanto.” Dagdag pa niya, “Hindi na kaya ng kapitalismo ngayon na magpaunlad ng mga programa para pakainin ang lumalaking populasyon ng mundo; kailangan nitong ilaan ang lahat ng puwersa nito para isustine ang artipisyal na pagkonsumo ng ng mga maykaya. Dahil wala itong maialok sa malawak na mayorya ng sangkatauhan… sinasabi ng kapitalismo sa bilyun-bilyong tao na wala kayong kuwenta.” Kaya ng teknolohiya ng Wi-Fi na sumaklaw sa maraming tao. Pero pinipigilan ito ng kapitalismo. Pasensiya na sa matayog na hugot, pero wala nang ibang makakapagpaliwanag nito. Marami ang paraan ng kapitalismo para gawin ito, pero tampok ang pagrereprodyus ng mismong kawalan ng pagkakapantay-pantay na esensiyal sa kapitalismo, o imperyalismo na kasalukuyang yugto nito. (3) Sa harap ng ganitong mga kuwentong sci-fi tungkol sa mga krimeng Wi-Fi, magandang balikan ang minsang nasabi ni Randolf “Randy” David, propesor ng Sosyolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas: “Sa panahon ng pandaigdigang kosmopolitanismo, nalalantad ang mga indibidwal sa nakakalulang dami ng pipiliing buhay at moda ng pagkatao. Nakakasalubong nila ito sa kanilang paglalakbay, sa telebisyon at mga pelikula, mga libro at magasin, at sacyberspace.” [“The Filipino Diaspora: Identity in the Global Age,” 1997 saReflections on Sociology and Philippine Society, 2001.] Nasabi niya ito sa konteksto ng pagsasabing hindi na awtomatiko ang identidad ng pagiging Pilipino sa mga kabataan ngayon. Maaaring sabihing masyadong makaisang-panig ang paggamit sa nabanggit na mga krimeng Wi-Fi para ibangga sa ganitong pangkalahatang pagsusuri. Pero iyon ang punto: Magagamit ang mga krimeng Wi-Fi para matingnan sa ibang perspektiba ang mga pahayag ni Prop. David. Sa mga krimeng Wi- Fi, hindi ang paghubog sa mga tao ng mga identidad na iniaalok ng cyberspace o Internet ang tumatampok. Dito, ang makikita ay ang paggigiit ng totoong identidad – bagamat totoong minanupakturang identidad din – ng mga tao. Sa mga krimeng Wi-Fi, hindi “pandaigdigang kosmopolitanismo” ang makikita – na maipagpapalagay nang itinuturing na mabuti ni Prop. David. Dito, ang makikita ay ang madidilim na aspekto na patuloy na iniluluwal ng sistemang pang-ekonomiyang inaakalang nabihisan na ng “pandaigdigang kosmopolitanismo” – kahirapan at madidilim na pagnanasa ng mga tao. 07 Abril 2008