Tambuling Batangas Publication April 18-24, 2018 Issue | Page 3

BALITA Abril 18-24, 2018 Batangas Athletics makes history as the first MPBL champ Two days ago, Batangas suffered its first setback in the playoffs and saw their opponents cut their deficit in the best-of-five series to 1-2. “There’s no safe lead. We were up by 15 tapos nawala diba - Head coach Mac Tan Bouncing back big-time in Game 4, they capped off their playoff run with a standout 7-1 record Preso... kanilang mga kaso sa korte. Dumalo sa naturang okasyon sina Regional Director Jail Chief Superintendent Efren Nemeño at Jail Superintendent Lorenzo Reyes. Ayon kay Nemeño, ang Region IV-A ang isa sa may pinaka congested na mga bilangguan. kung kayat nabigyan ng prayoridad ng pamahalaang nasyonal ang Batangas upang mabigyan ng maayos na pasilidad ang mga bilanggo dito. Mayroon pa aniyang pending request mula sa pahina 1 na P 40 milyon sa Congress para naman sa perimeter fence at administration office ng BJMP. Hiningi niya ang suporta ni Congressman Mariño upang maaprubahan ito sa kongreso. Sinabi ni Rep. Mariño na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maaprubahan sa Kongreso ang pondo at makalapit sa nararapat na ahensya para sa kostruksyon ng perimeter fence sa nasabing kulungan. “Ang Batangas City ay isang premiere city kayat nararapat lamang na magkaroon dito ng mga magagandang pasilidad,” dagdag pa ng congressman. Sinabi naman ni Mayor Dimacuha na maganda ang pagkakagawa ng gusali at magiging komportable at maayos ang kalagayan ng mga bilanggo. Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Reyes sa suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod. Maswerte aniya sila sa pagkakaroon ng very supportive na chief executive. (PIO Batangas City) SCU-BASURERO inilunsad upang maglinis ng karagatan I B A’ T I B A N G diving groups ang sumisid ngayong araw na ito sa dagat ng barangay Pagkilatan upang kolektahin ang mga basura rito bilang bahagi ng paglulunsad ng Batangas City Marine Protected Area (MPA) Network SCU-BASURERO sa pagdiriwang ng Earth Day. Ang SCU- BASURERO ay isang awareness at protection scheme para sa mga MPAs ng lungsod sa ilalim ng Barangay Reef Assessment and Development (BRAD) program. Ito ay ipatutupad ng City ENRO sa pakikipagtuwang sa MPA network kagaya ng management boards ng Verde Island Sanctuary, Ilijan Fishery Refuge and Sanctuary at Pagkilatan Fish Reserve. Dumalo rito ang mga city at barangay officials, department heads at mga kinatawan ng mga national government agencies. Ayon kay Secretary to the Mayor Victor Reginald Dimacuha na kumatawan kay Mayor Beverley Rose Dimacuha, ang bawat isa ay responsable at dapat gawin ang kanyang parte sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan. Sinabi naman ng hepe ng City Enro na si Oliver Gonzales na bilang ang Isla Verde ang itinuturing na “center of the center of marine bio-diversity” sa buong mundo, lalong nararapat na pangalagaan ang mga karagatan dito. Habang lumalago ang turismo ay kailangan ding protektahan ang kalikasan aniya. Para naman kay Konsehal Gerardo dela Roca, chairman ng Committee on Environment and Urban Development, Land Use and Zoning, ang Earth Day celebration ang tamang okasyon upang i commit ang ating sarili sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis at pagtatanim ng puno. Sa ilalim ng proyektong ito, magkakaroon ng monitoring at mangongolekta ng basura sa karagatan ang mga divers na tinatawag na Scu- basurero sa mga MPAs tuwing ikatlong buwan. Ang City Enro ang mangunguna sa gawaing ito at magbibigay ng logistics kagaya ng weighing scale, waste sacks, logbook at iba pa habang ang mga MPA management boards naman ang magtatalaga ng kani kanilang Scu- Basureros. Ang mga bangka at diving gears ay ipo provide ng mga MPA management boards at ng Office of the City Veterinary ang Agricultural Services (OCVAS). Pwede ring patulungin ng OCVAS ang mga bantay dagat sa gawaing ito. ( PIO Batangas City) THE ATHLETICS brought home the bacon as the first champion of the maiden Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Rajah Cup when it defeated the Muntinlupa team, 68-66, in the final games on April 19 in the Cagers’ home court. Big guns Bong Quinto and Paul Varilla as well as key reserve Moncrief Rogado all came to play and made sure their team got a shot at history. Quinto wound up with 12 points, Varilla had 10 points and nine rebounds, and Rogado dropped a season-high 14 points of his own. Two days ago, Batangas suffered its first setback in the playoffs and saw their opponents cut their deficit in the best-of- five series to 1-2. “There’s no safe lead. We were up by 15 tapos nawala diba,” head coach Mac Tan said. Indeed, Pari Llagas and Dave Moralde yet again devoured the Cagers in this one, rallying them from as much as 15 points down to up 65-63 inside the last two minutes. Quinto and Jhaymo Eguilos had the answer for the Athletics, however, and connived for five unanswered points and a 68-65 advantage in their favor. With 18.2 ticks to go on the clock, the home team still had several shots to force overtime, or even win the game, but Moralde and Llagas combined to convert only one of their four free throws. The clutch makes of Quinto and Eguilos, along with the crucial misses of Moralde and Llagas, proved to be more than enough for Batangas to take home the title. “Ang adjustment namin, yung willingness ng players na ayaw na nilang bumalik pa ‘to ng Batangas,” Tan said. The well-earned win was just the perfect ending for a maiden campaign which saw them romp through the eliminations and rise as the top contender and the favorites for the title. The Athletics only lived up to the hype, sweeping both the quarterfinals and the semifinals then ringing off back-to-back wins in the championship round before losing Game 3. Bouncing back big-time in Game 4, they capped off their playoff run with a standout 7-1 record. For Muntinlupa, Llagas topped the scoring column with 19 points to go along with 14 rebounds and two blocks. Moralde chipped in 14 markers, seven boards, and two assists. They will be looking back at their woes from the line as the foremost reason why their conference has come to a close. In all, they muffed on 15 of 31 free throws that, without a doubt, would have changed the complexion of the contest. (PIO Batangas City) Kabataang bajau nag summer workshop sa personal development BATANGAS CITY- Sumailalim ng summer workshop ang may 15 kabataang Sama Bajau noong April 17-19 sa Malitam Child Development Center upang maturuan sila ng mga bagay na makakaangat sa kanilang personalidad at uri ng pamumuhay. Itinuro sa workshop na ito na isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang self awareness, arts and crafts gamit ang mga recycled materials, reproductive health , drug rehabilitation program, kaalaman sa search and rescue bilang bahagi ng disaster preparedness, leadership training at values formation. Ayon kay Mila Espanola, hepe ng CSWDO, nais nilang may mapagkaabalahan ang mga kabataang ito habang sila ay nagbabaksyon at mailayo sa masamang bisyo. Ang matututunan nila sa workshop ay magagamit nila hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang komunidad. “Maraming bajau ang natutulungan namin na maging disenteng mamayan na maaring makisalamuha sa pamayanan. Ilan sa miyembro ng kanilang pamilya ay nakapag- aral at mayroong trabaho,” dagdag pa ni Espanola. Sinabi rin ni Espanola na mayroon siyang itinalagang day care worker sa bajau community upang mag monitor at tumutok sa mga pangangailangan ng mga taong ito. (PIO Batangas City)