Tambuling Batangas Publication April 18-24, 2018 Issue | Page 2

BALITA Ayon kay Konsehal Oliver Macatangay na siyang sponsor ng nasabing resolusyon, mapapansin ang bunton ng mga tao sa mga loading at unloading areas lalo na kung rush hour kung saan ang mga ito ay nag-uunahan sa pagsakay sa jeep Batangas.... tally at 64-all with 69 ticks to go before Teodoro’s 4-0 run kept them at bay once and for all. With that, Batangas remained undefeated in the first-ever playoffs of Kaunlaran... skit kung saan ipinapakita ang lengwahe at puntong Batangueno. Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na kinatawan ni LEIPC Officer Erick Sanohan, nagpasalamat siya sa Batangas Tourism and Cultural Affairs Office (BATOA) sa pag-aanyaya sa mga kilalang tour operators at bloggers upang higit na mula sa pahina 1.. the league, coming off a sweep of Bataan in the quarterfinals and then a blanking of Valenzuela in the semifinals. Two more wins in the best-of-five championship and they will mula sa pahina 1 maipakilala sa bansa ang lungsod at makaakit ng mga turista. “Inaasahan naming magiging isang panimula lamang ng isang matibay at matagalang ugnayan ito upang maihatid sa higit na nakararami ang paanyaya na pumarine sa Batangas City,” dagdag pa ng Mayor. Ang naturang be bagging the league’s inaugural title. Muntinlupa was paced by Dave Moralde and Allan Mangahas who scored 12 and 11 points, respectively. (PIO Batangas City) programa ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Batangas City Cultural Affairs Committee sa pangunguna ni City Tourism Officer Eduardo Borbon. Noong April 13 naman isinagawa ang familiarization tour sa Batangas Port, Basilica of the Immaculate Conception, Museo Puntong Batangan at Monte Maria. (PIO Batangas City) Preso sa Sico jail magiging maayos ang kondisyon sa mga bagong kulungan UPANG mabigyan ng maayos at makataong kulungan ang mga bilanggo sa Batangas City Jail sa Barangay San Jose Sico, dalawang gusali ang ipinagawa rito kung saan ito ay pinondohan ng pamahalaang nasyonal noong administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino Jr. sa ilalim ng OPLAN Decongestion program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Panahon ni Mayor Eduardo Dimacuha noong 2004 ng pagkalooban ng pamahalaang lungsod ng lote ang nasabing kulungan para sa konstruksyon ng dalawang gusali. Noong ika- 19 ng Abril, pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang blessing at inagurasyon ng proyektong ito na magbibigay ng bagong mukha sa kulungan sa lungsod kung saan ang mga preso ay higit na komportable at maayos ang kondisyon. Tig-isa ng gusali ang mga babae at lalakeng preso kung saan may apat na kwarto o selda sa bawat palapag ng gusali. Hindi muna makakalipat sa bagong gusali ang mga preso hanggang hindi nagagawa ang perimeter fence dito. Magkakaroon din ng segregation and classification scheme na ipatutupad sa city jail kung saan malalaman kung sino ang magkakasama at gagamit ng bagong gusali. Sa kasalukuyan ay may 499 lalaki at 116 babaeng preso dito. Kaalinsabay ng naturang blessing ay ang pormal na pag turn over ng prisoners van na kaloob ng pamahalaang lungsod. Ito ay gagamitin ng mga bilanggo sa pagdalo sa pagdinig ng kanilang mga kaso sa korte. Dumalo sa naturang okasyon sina Regional Director Jail Chief Superintendent Efren Nemeño at Jail Superintendent Lorenzo Reyes. Ayon kay Nemeño, ang Region IV-A ang isa sa may pinaka congested na mga bilangguan. kung kayat nabigyan ng prayoridad ng pamahalaang nasyonal ang Batangas upang mabigyan ng maayos na pasilidad ang mga bilanggo dito. Mayroon pa aniyang pending request na P 40 milyon sa Congress para naman sa perimeter fence at administration office ng BJMP. Hiningi niya ang suporta ni Congressman Mariño upang maaprubahan ito sa kongreso. Sinabi ni Rep. Mariño na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maaprubahan sa Kongreso ang pondo at makalapit sa nararapat na ahensya para sa kostruksyon ng perimeter fence sa nasabing kulungan. “Ang Batangas City ay isang premiere city kayat nararapat lamang na magkaroon dito ng mga magagandang pasilidad,” dagdag pa ng congressman. Sinabi naman ni Mayor Dimacuha na maganda ang pagkakagawa ng gusali at magiging komportable at maayos ang kalagayan ng mga bilanggo. Nagpaabot ng taos- pusong pasasalamat si Reyes sa suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod. Maswerte aniya sila sa pagkakaroon ng very supportive na chief executive. (PIO Batangas) Abril 18-24, 2018 Pagpila ng mga pasahero sa loading at unloading areas ipapatupad ISANG resolusyon ang inihain ng Sangguniang Panlungsod sa regular session nito noong April 10, na humihikayat sa Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) na ipatupad ang “queuing policy” o pagpapapila ng mga pasahero sa loading at unloading areas sa poblacion upang maseguro ang kanilang kaligtasan at magkaroon ng maayos na sistema. Ayon kay Konsehal Oliver Macatangay na siyang sponsor ng nasabing resolusyon, mapapansin ang bunton ng mga tao sa mga loading at unloading areas lalo na kung rush hour kung saan ang mga ito ay nag- uunahan sa pagsakay sa jeep. Nagiging magulo at maaaring maging dahilan ng injury aniya kapag ganitong naguunahan sa pagsakay sa jeep ang mga tao. “Nararapat na maging disiplinado ang mga tao kahit sa simpleng pagpila upang maging maasyos at ligtas ang kanilang pagsakay DSWD... “Ginagawa ko pong lahat ng paraan, at mabuti na rin may kakayahan ang inyong congressman kaya tayo ay nakakakuha ng pondo sa national government para sa mga programa at proyektong makakabenepisyo sa Batangas City”, dagdag ni Mariño. Isa pa rin aniya sa pinopondohan ng national government ay ang Startoll- Pinamucan By-pass road kung saan ayon kay Mariño ay butas na ang daan papuntang Ibaan, San Pedro at Dalig. Naglaan naman ang pamahalaang lungsod ng pondo para sa right-of-way ng proyekto. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Cong. sa jeep. Binibigyang pahalaga rin ng resolusyong ito ang mga persons with disability (PWDs) at senior citizens na magkaroon ng bukod na pila at maka upo sa unang upuan ng sasakyan na sadyang laan para sa kanila,’’ dagdag pa ng konsehal. Ang mga traffic aides ng TDRO ang mangangasiwa ng pagpapapila na gagawing first come first served. Makikipag-usap si Macatangay sa OIC ng TDRO na si Engr. Francisco Beredo kung pwedeng magdagdag ng traffic aides dahilan sa karagdagang tungkulin ng mga ito. Nakikipag-ugnayan din ang konsehal sa TDRO sa posibilidad ng pagkakaroon ng shelter sa mga loading and unloading areas upang may masilungan ang mga tao kapag mainit o umuulan. Sinabi ni Konsehal Macatangay na magkakaroon muna ng dry run bago ipatupad ang queing policy upang maihanda ang publiko. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Mariño sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay tuloy tuloy naman ang konstruksyon ng slope protection sa mga barangay sa baybay dagat. Hiniling naman ni Mayor Beverley Dimacuha na habang ipinatutupad ng kanilang administrasyon ang mga infrastructure projects at mga social services programs ay patatagin ang pamilyang Batangueño. Dapat aniyang ipadama ng mga magulang ang pagmamahal sa kanilang mga anak at turuan sila ng magandang asal upang maging mabuting mamamayan ng komunidad. (PIO Batangas City) CLB president kinumpirma ng SP PORMAL nang kinumpirma ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas si Dr. Lorna L. Gappi bilang college president ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong ika-10 ng Abril sa lingguhang sesyon nito. Si Gappi, na nagsimulang maglingkod bilang Dean ng College of Education sa CLB noong 2016 , ay pumalit kay Dr. Raymond Arcega na siyang officer-in-charge ng paaralan. Isang resolusyon mula sa joint committee ng Committee on Laws, Rules and Regulations at Committee on Civil Service ang ipinasa upang maging pormal ang kaniyang kumpirmasyon. Sinabi ni Dr. Gappi na sisikapin niyang maging karapat-dapat sa kaniyang trabaho. Aniya, hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan para masiguro ang kaniyang posisyon. “Ako po ay baguhan sa CLB. Ito po ay tanggap ko. Subalit handa ko pong patunayan na deserving ako sa posisyong ito. Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng nagtiwala at nagtitiwala sa aking kakayahan. Kayo po ang aking inspirasyon sa pagganap ko ng bagong hamon sa aking teaching career,” dagdag pa ni Gappi. Bago sa CLB, naging guro si Gappi sa ilang kilalang kolehiyo at unibersidad sa lungsod at maging sa ibang bansa. Ilan dito ay ang Batangas State University, St. Bridget College, AMA International University- Bahrain, at Daejeon Theological Seminary and College, Korea bilang guest lecturer. Tinapos niya ang kaniyang Master’s Degree sa Dela Salle University noong 1993 at ang kaniyang Doctoral Degree sa Bicol University noong 2003.(PIO Batangas City)