Tambuling Batangas Publication April 18-24, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
No money, No Problem! #ReadyForSummer ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Pagpila ng mga pasahero sa
loading at unloading areas
ipapatupad
p. 2
Cavite joins 2018
Philippine Veterans
Week, 76th anniversary
of the Araw ng
Kagitingan celebrations
p. 5
Batangas Athletics makes
history as the first MPBL
champ p . 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 17
Abril 18-24, 2018
P6.00
DSWD namahagi ng financial assistance
sa may 252 higit na nangangailangan
“Ginagawa ko pong lahat
ng paraan, at mabuti na rin
may kakayahan ang inyong
congressman kaya tayo ay
nakakakuha ng pondo sa
national government para sa
mga programa at proyektong
makakabenepisyo
sa
Batangas City”, - Cong.
Marvey Mariño
TUMANGGAP
ng
financial assistance mula
sa Department of Social
Welfare and Development
(DSWD)
Region
IV-A
ang may 252 beneficiaries
sa lungsod ng Batangas.
Ang mga ito ang ikatlong
batch ng napagkalooban
ng tulong pinansyal sa
pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan ni Congressman
Marvey Mariño sa nasabing
ahensya. Nakapaloob sa
naturang financial assistance
ang medical, burial at
educational,
kung
saan
ang mga beneficiaries ay
tumanggap ng halagang
depende sa kanilang nagastos
at assessment ng social
workers na nagsagawa ng
interview sa kanila.
Nagpapasalamat
si Cong. Mariño dahil
nabibigyan
siya
ng
pondo mula sa national
fund para sa mga higit
na
nangangailangang
residenteng
lungsod.
Sundan sa pahina 2..
Kaunlaran ng turismo sa
Batangas isinusulong
NAGTIPON
tipon
sa
Batangas City ang mga
tourism officers sa Batangas
Province, bloggers at tour
operators upang itayugod ang
pagpapalago ng turismo sa
buong lalawigan.
Bilang mainit na
pagtanggap sa kanila, nagdaos
ang pamahalaang lungsod ng
Mayor’s Night sa Batangas
City Convention Center noong
April 12 kung saan nagtanghal
ang mga local talents.
Ipinakita ng mga
estudyanteng miyembro ng
grupong Likhang Sining Folk
Dance Troupe ng Marian
Learning Center and Science
High School ang angking
husay nila sa ibat-ibang
katutubong sayaw.
Nagpakitang
gilas
naman sa ballroom dancing
ang mga mag-aaral ng
Batangas State University.
Rumampa ang mga
Batanguena beauties at title
holders suot ang mga gowns
na likha ng sikat na fashion
designer at make-up artist na
si Ariane Gamboa.
Hindi rin nagpahuli
ang mga piling empleyado
ng pamahalaang lungsod sa
pag-awit ng OPM songs at
pagtatanghal ng isang comic
Sundan sa pahina 2..
TUMANGGAP ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A ang may 252 beneficiaries sa
lungsod ng Batangas. Ang mga ito ang ikatlong batch ng napagkalooban ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Congressman
Marvey Mariño sa nasabing ahensya. Nakapaloob sa naturang financial assistance ang medical, burial at educational, kung saan ang mga beneficiaries ay
tumanggap ng halagang depende sa kanilang nagastos at assessment ng social workers na nagsagawa ng interview sa kanila.
Preso sa Sico jail magiging maayos ang
kondisyon sa mga bagong kulungan
UPANG mabigyan ng maayos
at makataong kulungan ang
mga bilanggo sa Batangas
City Jail sa Barangay San
Jose Sico, dalawang gusali
ang ipinagawa rito kung
saan ito ay pinondohan ng
pamahalaang nasyonal noong
administrasyon ni Pangulong
Benigno Aquino Jr. sa ilalim
ng OPLAN Decongestion
program ng Bureau of Jail
Management and Penology
(BJMP). Panahon ni Mayor
Eduardo Dimacuha noong
2004 ng pagkalooban ng
pamahalaang lungsod ng lote
ang nasabing kulungan para
sa konstruksyon ng dalawang
gusali.
Noong ika- 19 ng
Abril, pinangunahan nina
Congressman
Marvey
Mariño at Mayor Beverley
Dimacuha ang blessing at
inagurasyon ng proyektong
ito na magbibigay ng
bagong mukha sa kulungan
sa lungsod kung saan ang
mga preso ay higit na
komportable at maayos ang
kondisyon.
Tig-isa ng gusali
ang mga babae at lalakeng
preso kung saan may apat
na kwarto o selda sa bawat
palapag ng gusali. Hindi
muna
makakalipat
sa
bagong gusali ang mga preso
hanggang hindi nagagawa
ang perimeter fence dito.
Magkakaroon din ng
segregation and classification
scheme na ipatutupad sa city
jail kung saan malalaman
kung sino ang magkakasama
at gagamit ng bagong gusali.
Sa kasalukuyan ay may
499 lalaki at 116 babaeng
preso dito. Kaalinsabay ng
naturang blessing ay ang
pormal na pag turn over ng
prisoners van na kaloob ng
pamahalaang lungsod. Ito ay
gagamitin ng mga bilanggo
sa pagdalo sa pagdinig ng
Sundan sa pahina 3..
Batangas scores a victory in the first of
the MPBL Finals
eytey Teodoro dropped 20 points, four assists, and three rebounds off the bench while Val Acuna contributed 14 markers, four boards, and four dimes of
his own as the Athletics used a big third quarter to break away from their challengers.
BATANGAS CITY- The
full
packed
Batangas
City Sports Coliseum
roared with excitement as
Batangas City Tanduay
Athletics
once
again
wowed the crowd in the
inaugural
Maharlika
Pilipinas Basketball League
(MPBL) Anta Rajah Cup
with a convincing 70-64
victory versus Muntinlupa
in Game 1 of the Finals on
Friday.
Teytey
Teodoro
dropped 20 points, four
assists, and three rebounds
off the bench while Val
Acuna contributed 14
markers, four boards, and
four dimes of his own as
the Athletics used a big
third quarter to break away
from their challengers.
The home team
was chasing down a three-
point deficit early in the
second half before Acuna
and Teodoro combined
for what proved to be the
crucial push in the game.
The sharpshooting
swingman hit three triples
while the scoring guard
had a couple of short stabs
in a 15-4 run that snatched
away a 46-38 advantage
in their favor. The Cagers
struggled back to tie the
Sundan sa pahina 2..