Tambuling Batangas Publication April 03-09, 2019 Issue | Page 2

BALITA Our Goal, Our Accomplishment, Our Direction towards Rich Batangas. Isang masaya at makabuluhang pagtitipon ang ginanap noong ika-25 ng Marso 2019 kung saan naging matagumpay ang isinagawang Program Assessment at mga tampok na aktibidad. Makikita sa larawan (itaas na bahagi) ang taos-pusong pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa patuloy na pagsuporta ng bawat isa sa layuning mapagyaman pa ang lalawigan at (ibabang bahagi) ang pagsasama-sama ng mga barangay volunteer partners ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa idinaos na pamamahagi ng 1st and 2nd Quarter Honorarium Distribution. Photo: Eric Arellano and JunJun de Chavez – Batangas Capitol PIO Documentation of the Human Rights Situation of Persons with Disabilities, Isinagawa SA pakikipag-ugnayan ng Commission on Human Rights (CHR) at Provincial Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nagsagawa ng isang documentation ang mga kinatawan ng CHR upang makita ang katatayuan at masukat ang libel ng organisasyon ng mga sa Persons with Disability (PWDs) sa Lalawigan ng Batangas na ginanap sa PG-ENRO Bldg., Capitol Site, Batangas City noong ika-27 ng Marso 2019. Isa sa hangarin ng Mandanas Administration ang pantay pantay na pakikutungo sa mga mamamayan nito alinsunod sa HELP o Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment Program. Ang isinagawang pagpupulong sa Batangas Province ang kauna-unahang isinagawang aktibidad ng CHR upang matukoy ang mga kakulangan at pangangailangan ng PWDs sa bansa. Hangad din nito na mabigyan ang mga PWDs ng sapat na suporta at pagpapatibay ng kanilang mga karapatan kung saan dinaluhan ang pagpupulong ng 40 na kalahok, kabilang ang mga PWDs mula sa iba’t ibang bayan at mga magulang ng mga PWDs. Pinangunahan ni Victor Joseph H. Obanil, Development Management Officer II; Klarise B. Espinosa, Assistant Chief; at, Atty. Mila Punzalan, Attorney IV ng CHR, ang naturang programa at tumayong panauhin at pangunahing tagapagsalita si Governor DoDo I. Mandanas na nagbigay pahayag para sa pagbibigay suporta sa mga kababayan nating PWDs. Ilan sa mga naging paksa ng pagpupulong ay ang pagkuha ng baseline data tungkol sa mga pangangailangan sa kalusugan, pabahay, pagkain at inumin; social security upang mas matugunan ang pangangailangan sa trabaho; social insurance, kung saan nagkakaroon ng pantay pantay na natatanggap ang mga tao; social welfare, kung saan tinutulungan ng pamahalaan ang mga marginalized na tao na nasasakupan nito; at, social safety, kung saan tumutulong ang pamahalaan sa mga panahong may sakuna at kalamidad. Binigyang-diin din sa naturang pagpupulong ang kahalagahan ng social protection floor ng International Economic, Social, and Cultural Rights (iESCR) kung saan ang bawat miyembro nito ay mabigyan ng medical care, sickness benefit, unemployment benefit, old age benefit, employement injury, family and child support, maternity benefit at disability benefit na kung saan makatutulong sa karapatang pantao. Sa panayam kay Mr. Edwin De Villa, Batangas PDAO Head, isinaad nito na, sa tulong ng CHR at Pamahalaang Panlalawigan, matutulungan ang mga PWDs na may iba’t ibang pangangailangan upang mas mabigyan ng gabay at matugunan ang mga pangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang rekomendasyon at komento na makatutulong maunawaan na kailangan ng ating iba pang kababayan. ✎ Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO | Photo by: MaccVenn Ocampo & Eric Arellano. April 3-9, 2019 Batangas Capitol Program Assessment, matagumpay na idinaos; Gov. Dodo, nagpasalamat sa kaniyang 75th Birthday NAGING matagumpay ang isinagawang 2016 – 2019 Program Assessment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na ginabayan ng temang “Our Goal, Our Accomplishment, Our Direction towards Rich Batangas”, noong ika-25 ng Marso 2019 sa Disaster Resilience Evaluation Alleviation Mitigation (DREAM) Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga miyembro ng iba’t ibang provincial councils sa lalawigan na nakatuon sa tuloy- tuloy na pagpapalakas ng mga economic, social, peace and order at environmental programs. Naging pagkakataon din ito upang ipamahagi ang 1st at 2nd Quarter Honorarium ng mga barangay volunteer partners ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang mga barangay health workers, barangay nutrition scholars, at mga pangulo ng mga persons with disability (PWD) at senior citizens barangay associations mula sa 31 munisipalidad at 3 lungsod ng lalawigan. Pinasalamatan ni Gov. DoDo Mandanas, na nagdiriwang noong araw na iyon ng kaniyang ika-75 taong kaarawan, ang lahat ng mga nakiisa sa kalahating araw na presentasyon at mga Batangas... technology; at, mapaghusay ang content publishing at distribution ng local media. Kaugnay dito, tuwirang ipinahayag ng mga dumalong local media practitioners ang kani-kanilang mga komento at rekomendasyon sa kasalukuyang estado ng turismo sa lalawigan. Isa sa mga nabanggit ang kawalan ng isang festival na magsisilbing pagkakakilanlan ng Batangas Province. Malugod na tinanggap ni Mr. Sonny Lozano, presidente ng BTC, ang mga mungkahi ng media. Ibinahagi naman niya na sa kasalukuyan ay nasa ika- anim na pwesto na ang Batangas sa tala ng Richest Provinces sa bansa. pagpupulong. Sa harap ng mga tagumpay ng mga proyekto ng kaniyang administrasyon, binigyang-diin ng Batangas Governor na “..we’ve only just begun”; na patuloy na ipatutupad ang mga programang tunay na napakikinabangan ng mga Batangueño, partikular sa larangan ng kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pangagalaga sa kalikasan, buhay at mga ari-arian. Ipinahayag din ni Gov. Mandanas na umaasa siya sa walang patid na pagsulong ng lalawigan dahil ang mga stakeholders mula sa pamahalaan at pribadong sector ay kumikilos ng sama-sama dahil “..we are family..” Nakiisa sa pagtitipon ang mga opisyal ng pamahalaang nasyunal at local government units kabilang sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dating Spokesperson Harry Roque at former Speaker of the House of Representatives Jose de Venecia Jr., na binati at pinarangalan si Gov. Mandanas sa kaniyang kaarawan at sa mga naisakatuparang programa ng pamahalaang panlalawigan. Vincent Altar, Photo: Eric Arellano and JunJun de Chavez – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 Lubos na ikinatuwa naman ni PTCAO Department Head, Atty. Sylvia Marasigan, ang aktibong partisipasyon ng mga nakilahok sa pagtitipon. Aniya, mahalagang mapakinggan ang media sector lalo na at hindi maikakaila na malaki ang ginagampanan nito sa patuloy na pagpapalago ng turismo sa lalawigan. Napagkasunduan naman ng pamunuan ng BTC at PTCAO na gawing regular ang pakikipagdayalogo sa local media, upang matugunan ang mga usaping panturismo at mas mapatatag ang kampanyang “Food, Fun, Faith” para sa isang Richer Batangas. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Food Cart Livelihood Project para sa mga Batangueña, inilunsad Pinangunahan ni Victor Joseph H. Obanil, Development Management Officer II; Klarise B. Espinosa, Assistant Chief; at, Atty. Mila Punzalan, Attorney IV ng CHR, ang naturang programa at tumayong panauhin at pangunahing tagapagsalita si Governor DoDo I. Mandanas na nagbigay pahayag para sa pagbibigay suporta sa mga kababayan nating PWDs KAUGNAY sa pagtutok sa pagbubukas ng mga oportunidad na pangkabuhayan ng Batangueño, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pakikipag-ugnayan sa Samahang Batangueña, ang Food Cart Livelihood Project noong March 28, 2019, kaalinsabay ng ginanap na Women’s Month Celebration, sa Provincial Capitol Compound, Batangas City. Ang nasabing proyektong pangkabuhayan, na naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa CDO Foodsphere Inc., ay naglalayong makapagbigay ayuda sa mga kababaihan sa lalawigan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food cart, na magagamit sa pagtitinda ng iba’t ibang pagkain. Personal na ibinigay ni Gov. DoDo Mandanas, katuwang ang maybahay nito na si Atty. Regina Reyes-Mandanas, Pangulo ng Samahang Batangueña, at dating Pangasinan Congresswoman Gina De Venecia, ang mga naturang food carts sa 20 benepisyaryo. Ang 20 kababaihan, na napili ng Samahang Batangueña Board of Directors mula sa mga bayan ng Nasugbu, Mabini, San Jose at Lungsod ng Lipa, ay napagkalooban ng food cart, na may kasamang mga gamit at paninda, at nagkakahalagang P35,000 bawat isa. Lubos ang pasasalamat ni Sundan sa pahina 6..