Tambuling Batangas Publication April 03-09, 2019 Issue
Women Power: tales of a firefighter, a mom and a cancer survivor ... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Batangas Capitol Program
Assessment,
matagumpay
na idinaos; Gov. Dodo,
nagpasalamat sa kaniyang
75th Birthday p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
CAVITE HOLDS INT’L
CONFERENCE
ON
AGUINALDO’S 150TH
BIRTH ANNIVERSARY
p. 5
7th Urban Fire Olympics,
matagumpay na idinaos
p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 14 April 3-9, 2019
P6.00
Transport and Road Usage Code sa
Batangas Province, nilagdaan na
PORMAL nang naisabatas ang
“Transport and Road Usage Code”, na
iniakda ni 5th District Board Member
Arthur Blanco, nang lagdaan ito ni
Batangas Governor DoDo Mandanas
noong ika-4 ng Marso 2019.
Sumasaklaw ang nasabing
ordinansa sa provincial at national
roads sa Lalawigan ng Batangas.
Ayon sa author nitong si BM Blanco,
ang lokal na batas ay naglalayong
mas paigtingin ang pagpapatupad
ng mga panuntunan sa trapiko sa
lalawigan upang mapagaan ang daloy
ng trapiko, makaiwas sa kaguluhan
sa lansangan at mapalakas ang
ekonomiya sa lalawigan.
Sa pagpapatupad nito,
ang pamahalaang panlalawigan
ay magtatalaga ng hindi bababa
sa 12 traffic enforcers, kung saan
prayoridad ang mga dating sundalo o
pulis, na makikipagtulungan sa Land
Transportation Office (LTO),
Traffic Management Group
(TMG) at Provincial Peace and
Order and Public Safety Department
(PPOSD).
Dagdag
pa
ni
BM
Blanco, nakasaad din sa ordinansa
ang pagpapataw ng multa sa mga
motorista na ginagamit ang mga
gilid ng provincial at national roads
bilang paradahan, habang ang mga
nakatayong poste ng kuryente, na
nasa gitna ngayon ng mga bagong
gawang road lanes, ay ipatatanggal.
Umaasa ang pamunuan ng
Batangas Capitol na, sa pamamagitan
ng naipasang ordinansa, magiging
disiplinado na ang mga drayber at
may-ari ng mga sasakyan, nang sa
gayon ay maayos na magamit at
mapakinabangan ang mga road-
widening projects sa lalawigan.
Planong magsagawa muna
ng isang dry-run, bago tuluyang
ipatupad ang ordinansa sa lalawigan.
– Marinela Jade Maneja, Batangas
Capitol PIO
Batangas Tourism Media Circle, binuo ng
Kapitolyo para sa local media practitioners
MALAKI ang kontribusyon
ng industriya ng turismo sa
pagpapalakas ng ekonomiya
sa lalawigan at sa bansa kaya
naman isa ito sa tinututukan
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, sa pangunguna
ng Provincial Tourism and
Cultural Affairs Office (PTCAO)
at Batangas Tourism Council
(BTC).
Para sa patuloy na
paglinang sa turismo, minabuti
ng PTCAO at BTC na magsawa
ng isang consultation meeting,
kung saan tinipon ang mga local
media practitioners, mula sa mga
larangan ng radyo, telebisyon,
print o dyaryo, at digital, sa
Batangas Province noong March
27, 2019 sa PTCAO Office,
Capitol Compound, Batangas
City.
Isa sa pangunahing
paksa
sa
pagtitipon
ang
inisyatibo ng BTC na buuin
ang Batangas Tourism Media
Circle, na magiging katuwang
ng pamahalaang panlalawigan sa
pagpapatupad ng mga programa
at proyektong panturismo sa
probinsya upang higit na makaakit
ng mga bisita at mapataas ang
kita ng mga pasyalan dito sa
pamamagitan ng destination
marketing;
mapagtuunan
ang paggamit ng e-tourism
Sundan sa pahina 2..
Maayos na trapiko, tungo sa isang Rich Batangas. Nilagdaan ni Batangas Governor DoDo Mandanas ang “Transport and Road Usage
Code”, na sinaksihan ng may-akda nitong si 5th District Board Member Arthur Blanco, noong ika-4 ng Marso 2019 sa People’s
Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Pag-IBIG Fund Batangas, hinihimok mag-
impok ang mga miyembrong Batangueño
HINIHIKAYAT ng Pag-IBIG
Fund ang mga Batangueño na
mag-impok sa pamamagitan ng
kanilang savings program, na mas
malaki ang interest o tubo kumpara
sa mga tipikal na naibibigay ng
mga banko at financial institutions.
Sa
panayam
sa
B’yaheng Kapitolyo, ang official
radio program ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, noong
ika-3 ng Abril 2019, binigyang-
diin ni Ginoong Noel Lagustan,
ang
Supervising
Marketing
Specialist ng Pag-ibig Fund
Batangas Branch, ang kagandahan
nang pag-iipon sa pamamagitan ng
Modified Pag-IBIG 2 Program o
MP2.
Sa nasabing scheme,
ang monthly savings ay mula sa
minimum na 500 hanggang 5,000
piso kada buwan, na maaaring
bayaran monthly, quarterly o
semi-annually, at may maturity
period na lima hanggang sampung
taon. Bukas ito sa mga aktibong
miyembro ng Pag-IBIG, at mga
retirees o pensioners. Tax free
rin ang savings, government
guaranteed kung kaya’t, sakaling
magsara ang Pag-IBIG, buo pa ring
makukuha ang nailagak na pera, at
walang limitasyon sa pag-iimpok.
Sa kasalukuyan, ayon
pa rin kay Lagustan, mayroon
nang 103,034 Pag-IBIG members
sa Batangas Province, na mula
sa pribadong sector; gobyerno;
at, mga voluntary contributors,
kabilang ang mga self-employed,
self-paying at mga galing sa
informal sectors.
Sa shelter loan, mas
maliit ang interest rate sa Pag-
IBIG, na 3% per annum, habang
sa ibang financial institutions
pinakamababang
interest
ay
5.37%. Mas matagal din ang terms
of payment, na maaaring maghulog
hanggang 30 taon, at mayroon
pang ibang options sa payment
terms. Avelene P. Lopez- Batangas
Capitol PIO
Seminar-Workshop sa pagbabalangkas
ng Local Public Transport Route Plan,
isinagawa sa Kapitolyo
To fast track the formulation of the LPTRP. Personal na dumalo si Batangas Governor Dodo Mandanas, Chairperson ng Local Public Transport Route
Plan (LPTRP) Team sa idinaos na Seminar-Woskhop on the Formulation of LPTRP noong ika-20 ng Marso 2019 sa PPDO Conference Room, Capitol
Compound, Batangas City. Dito ay ibinahagi ng gobernador ang kahalagahan ng isinasagawang planong pangtransportasyon.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
SA
layunin
na
magkaroon
ng kaayusan ng sistema sa
transportasyon
sa
Lalawigan
ng Batangas, ang tanggapan
ng Provincial Planning and
Development Office (PPDO), sa
pamamagitan ng patuloy nitong
pakikipag-ugnayan
sa
iba’t-
ibang ahensya ng Pamahalaan, ay
nagdaos ng isang araw na Seminar-
Workshop para sa mas mabilis na
pagbabalangkas sa Local Public
Transport Route Plan (LPTRP)
ng Batangas Province na ginanap
noong ika-20 ng Marso 2019 sa
PPDO Conference Room, Capitol
Compound, Batangas City.
Ang
usapin
sa
pagbabalangkas ng LPTRP ng
lalawigan
ay
pinangunahan
nina Mr. Eldon Dionisio, Senior
Transport Development Officer
ng Department of Transportation
(DOTr) at Atty. Winnie Fred C. Ola,
Attorney IV ng Local Transport
Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) – Region IV.
Dinaluhan ito ng mga
focal persons at miyembro ng
LPTRP Formulation Team na
nagmula pa sa iba’t-ibang bayan
at lungsod sa Batangas. Nakiisa
rin sa nasabing pagtitipon sina
PPDO Chief Benjamin I. Bausas,
Col. Chito Malapitan, Assistant
Department Head ng Provincial
Public Order and Safety Department
at Governor Dodo Mandanas,
Sundan sa pahina 3..