Tambuling Batangas Publication April 03-09, 2019 Issue | Page 3

BALITA April 3-9, 2019 7th Urban Fire Olympics, matagumpay na idinaos Pag-iingat sa Sunog. Pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang pagsisindi ng Olympic Flame, na naghudyat sa pagbubukas ng 7th Urban Fire Olympics na ginanap sa Batangas Sports Complex noong March 28, 2019. Kasama ni Governor Mandanas sina (mula kaliwa) Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, Mr. Joselito Castro; Bureau of Fire Protection Batangas Provincial Director Superintendent Farida B. Ymballa; at, Bureau of Fire Protection Regional Director Chief Superintendent Jesus P. Fernandez. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO Seminar... LPTRP Team Chairperson, na nagbigay ng mensahe patungkol sa kahalagahan ng isinasagawang planong pangtransportasyon. Ang 1-Day Seminar- Workshop ay nakatuon sa pagkakaroon ng pangkalahatang- ideya sa kasalukuyang datos na isinumite ng mga Local Government Units (LGUs) at talakayin ang mga susunod na hakbang sa pagbuo o pagbalangkas ng naturang plano. Noong ika-19 ng Hunyo 2017, naglabas ang DOTr ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG) na naging batayan upang makagawa mula sa pahina 1 ang mga LGUs ng kanilang sariling LPTRP, bilang bahagi ng Public Utility Modernization Program at upang mapagbuti ang planning process o ang pagpaplano sa lokal na transportasyon. Kaugnay nito, ang LPTRP ay ang plano na magdedetalye sa network ng ruta at kinakailangang bilang ng mga yunit sa bawat klase ng mga sasakyan kada bayan para sa paghahatid ng mga pampublikong land transport services. Ang Lalawigan sa pamamagitan ng LPTRP Team ay sumasaklaw sa inter-city at inter- municipality routes. Mula noong Hunyo noong nakaraang taon, ang PPDO ay aktibong nakikilahok sa mga pagsasanay na isinasagawa ng DOTr para mas malinang pa ang kanilang kaalaman sa LPTRP formulation na magagamit sa mabilisang koordinasyon sa mga bayan at lungsod ng probinsya na makakatulong sa paglikha ng Provincial Plan. Sa pagtatapos ng pagsasanay ay nagkaroon ang bawat kalahok ng bagong ideya sa pagproseso at pagtatasa ng datos na may kaugnayan sa LPTRP. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Youth and Sports, Community Development, at Employment, tampok sa PACD Accomplishments ISA sa binibigyang-pansin at isinasaalang-alang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mabilis at tuloy- tuloy na pag-unlad ng mga pamayanang nasasakupan nito. Mula sa sektor ng kabataan, kasama ang pagpapalakas at pagpapahusay ng mga kakayahan ng bawat barangay, pagtutok sa estado ng trabaho, maging hanggang sa larangan ng palakasan o isports, ang tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) ay patuloy na nagsusumikap upang mas mapalawig pa ang mga serbisyong naihahatid para sa lahat ng mamamayang Batangueño. Kaugnay nito, ang nasabing tanggapan, sa ilalim ng pamumuno ni dating Department Head Dr. Amante Moog, na ngayon ay retirado na, at Officer- In-Charge na si Gng. Fredesvinda Mendoza, ay nakapagbahagi ng makabuluhang accomplishments para sa unang quarter ng taong 2019. Sa Community Development Program, may kabuuang Php1.165 milyon na halaga na ang naipaabot na tulong sa 40 barangays, kung saan ginamit ito sa pagbili ng mga kagamitan at pamamahagi ng donasyon; samantalang 7 functionaries naman ang nakatanggap ng halagang PhP 11,600.00 bilang bahagi ng Provincial Service Incentive. Ang PACD, bilang pampanguluhang katulong sa pagpapaunlad ng pamayanan, ay patuloy na nagsasagawa ng Barangay Assemblies, na may layuning malaman ang mga problema at suliranin sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaan nang sa gayon ay makapagbigay ng solusyon para rito. Isa sa pinaiigting ng tanggapan, sa pakikipag-ugnayan sa ilang mga ahensya, ay ang kampanya sa pagsugpo sa iligal na droga. Kaugnya nito, kinilala noong 2018 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamahalaang panlalawigan dahil sa mahusay at matagumpay na pagsunod nito sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang ipinagbabawal na gamot sa bansa, sa ginanap na 1st National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards. Ang usapin sa illegal drugs ay parte rin ng kanilang Youth and Sports Development Program, kung saan nagsasagawa ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Photos: Batangas PACD ang PACD ng Anti-Drug Symposiums sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan. Enero hanggang Marso ng taong ito ay 2 barangay na ang nabisita para sa awareness seminar tungkol sa nasabing programa. Bukod pa rito, nakasuporta rin ang tanggapan sa mga atletang Batangueño, kabilang ang naibahaging tulong sa Munisipalidad ng Agoncillo para sa isang boxing tournament. Ang Public Employment Services Program o PESO, sa pakikipag-ugnayan sa pribado at pampublikong mga ahensya, ay nakakapagbigay ng oportunidad sa mga Batangueñong naghahanap ng trabaho. Nagdaraos din ang Provincial PESO ng career coaching at evaluation for Special Program for Employment of Students (SPES), kung saan nasa 209 na mag-aaral ngayong taon ang nagpasa ng aplikasyon para sa naturang programa. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Photos: Batangas PACD NAGING matagumpay ang 7th Urban Fire Olympics ng Bureau of Fire Protection noong Marso 28, 2019 na ginanap sa Batangas Sports Complex, Batangas City, kaugnay sa obserbasyon ng Fire Prevention Month. Layunin ng Fire Olympics na masukat at makita ang galing ng iba’t ibang fire fighting units sa lalawigan; at, makapagbahagi ng kaalaman sa mga pamilya at kabataan tungkol sa pag-iwas sa sunog. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 32 grupo mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas, na hinati sa tatlong kategorya – Barangay, Industrial at Senior High School. Nagwagi at nakakuha ng premyo ang Munisipalidad ng Calaca at Lungsod ng Tanauan para sa kategoryang Industrial; at Lipa City Adventist School para naman sa kategorya ng Senior High School. Naging saksi at panauhin sa pagtitipon sina Governor Dodo Mandanas, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Department Head Lito Castro, Bureau of Fire Protection Regional Director Chief Superintendent Jesus P. Fernandez at Provincial Director Superintendent Farida B. Ymballa. Tema ng Buwan ng Pag-Iingat sa Sunog ngayong 2019 ang “Ligtas na Pilipinas Ating Kamtin, Bawat Pamilya ay Sanayin, Kaalaman sa Sunog ay Palawakin”. – Avelene P. Lope, z Batangas Capitol PIO MAISkwelahan sa Radyo, muling inilunsad sa Lalawigan ng Batangas MULING inilunsad ang School-On-Air on Corn o mas kilala bilang MAISkwelahan sa Radyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, katuwang ang Agricultural Training Institute (ATI) Region 4A, noong ika-1 ng Abril 2019 sa Office of the City Veterinarian and Agricultural Services, Batangas City. Katulong ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at mga Local Government Units (LGUs), muling naisakatuparan ng ATI ang programa, na may titulo ngayong taon na “ALA EH: MAISKWELAHAN SA BATANGAS”, na naglalayong makapagbigay ng kaalaman patungkol sa mga makabagong teknolohiya, oportunidad sa merkado at Good Agricultural Practices (GAP) para sa pagkakaroon ng isang sustainable corn production. Ang MAISkwelahan sa Radyo ay inaasahang lalahukan ng 500 corn farmers at iba pang interesado sa proyekto, gaya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), estudyante, retirees at iba pa, mula sa mga Munisipalidad ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Calaca, Lemery, Agoncillo, Malvar, Sto. Tomas, Ibaan, Rosario, San Juan, San Jose, Talisay, at San Pascual at mga Lungsod ng Batangas, Lipa at Tanauan. Nakatakda itong magsimula sa ika-4 ng Mayo at tatagal ng labing-apat na linggo o hanggang ika-3 ng Agosto, kung saan tatalakayin ang mga modules na binubuo ng dalawampung paksa. Ang School-On-Air ay isasahimpapawid sa himpilang DWAL FM 95.9 Radyo Totoo at naka-iskedyul tuwing araw ng Sabado, sa ganap na ala-una hanggang alas-dos ng hapon. Ang isang indibidwal o magsasaka ay maaaring magparehistro at mag-enroll upang maging bahagi ng naturang programa. Dito ay matututo sila sa pamamagitan lamang ng pakikinig kahit nasa trabaho o bahay lamang. Sa tulong ng OPAg, na magsisilbing radio teacher, at kasama ang mga LGUs, mamo- monitor ang mga partisipante sa pamamagitan ng mga pagsusulit at tanong habang on-air ang programa, na may mga kaakibat na premyo para sa unang makakapag-text ng mga tamang sagot. Samantala, nakiisa rin at naging kaakibat sa program launching ang Batangas State University. Magiging katulong din sa pagsasagawa ng SOA proper ang ilang mga ahensya at grupo gaya ng Regional Crop Protection Center (RCPC); Department of Agriculture Regional Field Unit IV-A; Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization; at mga feed millers, processors, at exporters ng mais sa lalawigan. Ang School-On-Air on corn farming ay inumpisahan sa lalawigan noong taong 2016 bilang isang proposal-based program at isinasagawa batay sa kahilingan ng mga nagnanais nito. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO