Opinion
By: Rednaxela the Great
Bato- ato sa langit tamaan ay wag magagalit!
Ang pagsasabi ng tapat ay
pagsasama ng maluwat!
Ito na nga po at magsasabi
na nang tapat , hindi lang tapat
kundi
TAPAT na TAPAT.
Sa wikang ingles honesty
means the quality or condition of
being
fair, truthful and morally upright.
Nagtataka lang naman ako,
mga ma’am at sir sa hinaharap,
para sa inyo paano nga ba maging matapat? Ito ba yung
pagpapakita ng hindi malinaw na
simpleng Financial Report? Aba!
Baka mamana natin, mahirap na
hindi ba?
Sa katunayan,apat na
semester na ang dumaan ,sa mga
classrooms lang ako nakakita nito,
yun bang tinatawag na" sectional
financial report" bakit sa classroom
lang di ba pwedeng sa lahat? .Ito
pa sabi ng ating mga tagapayo,dapat
lahat ng binili ay may resibo,tama
yun para pag napaghanapan ka
may mapapakita ka,hindi naman
siguro tayo underground economy ‘nu?
Mahirap yung basta-basta na lang
binabasa ang Financial report.
Kaya huwag matakot magbigay ng
resibo mga hija’t hi jo. Dahil hindi
naman bawal ibahagi sa mga
estudyante kung anu-ano ang
pinagkakagastusan,para alam nila
kung saan napupunta ang perang
galing pa sa mga magulang nila?
At ito pa natatandaan ko limang
semestre na nga pala akong
nagbabayad ng isang daang piso
na pag sinama-sama ay limang
daang piso na. Eh naalala ko din
yong kantang “Nakita, kita sa
isang Magasin” eh luma na pala
yon kasi wala nga palang magasin
ilang taon na. May resibo
naman akong natanggap
kaso,anu
kayang tawag sa binayad
ko,prepaid
expense?
Kaya huwag nang
pamarisan kung ganyan ka,aba!
HOY GISING!