SURI magazine June-October issue | 页面 16

Opinion hindi natin sisimulan sa ating sarili, kanino magmumula ang pagbabago? Isa sa pinaka karaniwang problema ng bawat isa sa atin. Sinasabing, “Oo babaguhin na! Oo magbabago na ako!” Pero nasaan ang aksyon? Palagi pa rin tayong huli – LATE NA NAMAN! Halos tatlong taon na ako rito at patuloy ko pa ring nararanasan ang suliraning ito. Palagi natin sinasabi sa wikang banyaga, “Eradicate Filipino time”. Subalit nasaan ang aksyong kaakibat nito? Sa simpleng pagdalo sa ating klase ay mahuhuli pa, hindi ba nakakahiya na darating ka sa klase ay pang-walong bilang na ng maikling pagsusulit? Nakakahiya diba? At yun ay kung meron ka. Kung hindi tayo dumadalo sa takdang oras sa simpleng aktibidad sa ating silid-aralan, marapa’y ano pa sa buong unibersidad? Kung Maging mapanuri tayo. Huwag nating panatilihin at isabuhay ang salitang, “Hindi pa naman iyon magsisimula”. Ay paano nga magsisimula kung ika’y wala? Ikaw, ako, tayo ay lider ditto. Huwag tayong mag pa “VIP”. TAYO NANGMAGSIMULA PAGBABAGO! - JAYEN NG