SINAG 2020 | Page 38

REHIMENG DUTERTE : MGA PAG-ATAKE SA MALAYANG PAMAMAHAYAG PRESS FREEDOM TIMELINE

REHIMENG DUTERTE : MGA PAG-ATAKE SA MALAYANG PAMAMAHAYAG PRESS FREEDOM TIMELINE

ni Loreiz Nicole R . Abanes
TAMPOK
Magmula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte , sari-sari ang kanyang pag-atake laban sa mga midyang kritiko niya . Narito ang isang timeline na naglalarawan ng mga kaganapan kung saan sinusupil ng Pangulo ang malayang pamamahayag mula pa sa unang araw ng kanyang panunungkulan .
Mayo 31 , 2016 Sa isang press conference , sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga mamamahayag na pinapatay sa Pilipinas ay korap at hindi tapat sa kanilang mga tungkulin . Dagdag pa niya , karapat-dapat ang naganap na pagpatay kay Jun Pala , isang mamamahayag at kritiko ng Pangulo , na pinatay noong 2003 .
Hunyo 30 , 2016 Ang pagdalo at pag-uulat ng lahat ng independent media ay ipinagbawal ng Pangulo sa kanyang panunumpa bilang ika- 16 na Pangulo ng Pilipinas .
Marso 30 , 2017 Tinawag ng Pangulong Duterte na “ bastos ” ang ABS-CBN at ang pahayagang Philippine Daily Inquirer sa kadahilanang diumano ’ y hindi patas na pagbabalita tungkol sa kanya .
Abril 27 , 2017 Inakusahan ng swindling ni Pangulong Duterte ang ABS- CBN dahil sa mga patalastas para sa kaniyang kampaniya na binayaran umano ng Pangulo ngunit hindi ipinalabas ng estasyon . Nagbanta rin ang Pangulo na ipatitigil ang
prangkisa nito .
Hulyo 24 , 2017 Ipinahayag ng Pangulo sa kanyang SONA na ang Rappler , isang social news network na lantarang pumupuna sa administrasyong Duterte at sa laban kontra droga nito , ay pagmamay-ari ng mga Amerikano at nagbabalang ito ay labag sa konstitusyon . Agad namang itong itinanggi ng Rappler .
Oktubre 2017 Kasama ng National Bureau of Investigation ( NBI ), sinampahan ng kaso ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang Rappler dahil sa isang artikulong inilathala ng media outlet noong Mayo 2012 – apat na buwan bago maipatupad ang Cybercrime Prevention Act of 2012 – na diumano ’ y nilabag ng Rappler .
Enero 11 , 2018 Nagpasya ang Securities and Exchange Commission ( SEC ) na ipawalang-bisa ang lisensya ng Rappler dahil sa diumano ’ y paglabag nila sa saligang batas at sa Anti- Dummy Law na nagsasaad na ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media ay dapat na limitado lamang sa mga mamamayan ng Pilipinas . Gayunpaman , nilinaw ng SEC na hindi pa ipasasakatuparan ang kanilang desisyon at maaari pang ipagpatuloy ang operasyon ng Rappler habang sumasailalim pa ito sa imbestigasyon ng Department of Justice ( DOJ ).
29 Sinag / Inilapat ni Shannen Crespo
Ang mga balita ay isinangguni mula sa ABS-CBN Ne