SINAG 2020 | Page 39

Pebrero 20 , 2018 Pinagbawalang makapasok sa buong Palasyo ng Malacañang sina Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa at ang mamamahayag na si Pia Ranada , base sa kautusan ng Pangulo .
Hulyo 23 , 2018 Inihayag ng National Union of Journalists ( NUJP ) na umabot sa 12 mamamahayag ang napatay sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte . Ayon sa NUJP , ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa unang dalawang taong pamamahala ng sinumang presidente .
Nobyembre 8 , 2018 Muli , ipinahayag ni Pangulong Duterte na tinututulan niya ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN sapagkat magnanakaw daw ang estasyong ito .
Pebrero 13 , 2019 Inaresto ng NBI si Maria Ressa kaugnay ng bintang na cyber libel sa kanya . Bukod pa rito , limang tax cases at diumanong paglabag sa Anti-Dummy Law ang kinakaharap ni Ressa . Kinalaunan , siya naman ay pinakawalan pagkatapos magbayad ng piyansa .
Marso 28 , 2019 Kaugnay ng diumanong paglabag ng Rappler sa Anti-Dummy Law , inaresto muli si Maria Ressa .
Disyembre 5 , 2019 Simula nang maupo si Duterte sa Malacañang , aabot ng 154 ang naitalang insidente ng pag-atake at pagbabanta laban sa mga midyang tagapaghatid ng balita ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility ( CMFR ) at NUJP . Kabilang sa 154 na kaso ang 15 mamamahayag na pinatay . walang pananagutan o nilabag ang ABS-CBN ayon sa Bureau of Internal Revenue ( BIR ), NTC , at SEC , hindi pa rin ito nabigyan ng panibagong prangkisa ng Kongreso .
Hunyo 15 , 2020 Si Maria Ressa at dating mananaliksik sa Rappler na si Reynaldo Santos Jr . ay hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court sa cyber libel case na isinampa laban sa kanila ni Wilfredo Keng .
Hulyo 3 , 2020 Pagkatapos ipasa ng Kamara at Senado , pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11479 o Anti-Terror Bill upang tuluyang maisabatas .
Hulyo 10 , 2020 Pagkatapos ng 13 na pagdinig , bumoto ang House of Committee on Legislative Franchise na tanggihan ang aplikasyon ng ABS-CBN para mabigyan ng bagong prangkisa . Ito ay nagresulta sa permanenteng pagsasara ng kompanya .
Patuloy na nanganganib ang malayang pamamahayag ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte . Paano nga ba makararating ang katotohanan at tamang impormasyon sa mamamayang Pilipino kung pilit na sinisikil ng gobyerno ang kalayaan ng pamamahayag ? Bilang malayang mamamayan , tungkulin nating ipaglaban at ipagtanggol ang kalayaan ng pamamahayag upang maprotektahan ang ating demokrasya . Huwag tayong matakot na magsalita at tumuligsa laban sa Pangulong pilit na itinitikom ang boses ng bayan .
Marso 16 , 2020 Ang mga mamamahayag ay kinakailangang humingi ng akreditasyon sa gobyerno upang makapagbalita sa iba ’ t ibang lugar sa gitna ng pandemya . Tinutulan naman ito ng mga mamamahayag at sinabing sapat na dapat ang kanilang press ID .
Mayo 5 , 2020 Nag-isyu ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission ( NTC ) laban sa ABS-CBN na nag-uutos na itigil ang operasyon nito dahil sa kawalan ng prangkisa ng kompanya . Bilang pagsunod sa kautusan , itinigil na ng ABS-CBN ang kanilang pag-ere . Bagaman
Sining ni Max Fontanilla
TAMPOK ws , CNN Philippines , Rappler , at New York Times . Pauliworld 30