SINAG 2020 | Page 22

MITOLOHIYANG

PILIPINO : KUWENTONG BAYAN NG MGA NINUNO

ni Ashley Paulianna Reyes
Tikbalang , kapre , tiyanak , manananggal , nuno at duwende — lahat ng ito ay iilang halimbawa lamang sa masaganang kompendyum ng mga makababalaghang nilalang na naisumpong ng mga kuwentong bayan .
Noong ikaw ay mas bata pa , kung hindi man ikaw mismo ang gumawa , nakarinig ka ng mga kuwento ukol sa mga halimaw ng gabi , nagtatago sa dilim ng kagubatan at nag-aantay ng dumaraang mabibiktima kung siya ’ y hindi nag-iingat .
Sa iyong mababasa , halika ’ t alamin natin ang iba sa mga misteryosong halimaw na ipinasa sa atin ng ating mga ninuno !
BIRADDALI
Hindi halimaw at maaring ihalintulad sa anghel , ang Biraddali ay mula sa mga kuwentong Tausug . Sinasabing sila ay mga mahiwagang babaeng pumapanaog mula sa kalangitan tungo sa lupa na nakasakay sa isang bahaghari . Tuwing sila ’ y naliligo sa kanilang paboritong batis sa bundok , hinuhabad nila ang kanilang makikislap na pakpak na kanila rin ay mabilisang isinusuot upang lumipad pabalik sa kanilang tahanan .
BAKUNAWA
Noong unang panahon , kasama ng mga kumikinang na tala ay
ang pitong buwan na nagsisilbing liwanag sa gabi . Ngunit , anim nito ay nilamon ng isang higanteng serpyente , at tuwing lunar eclipse , ang mga tribong Bisaya ay paulit-ulit na kumakalampag ng mga tambol at nag-iingay upang pakawalan ng serpyente ang huling buwan at pilitin itong umalis . Iyon ang katha ng sinaunang mga Pilipino ukol kay Bakunawa , ang dragon na lumamon sa anim na buwan at ang sanhi ng pangyayaring lunar eclipse .
17 Sinag / Inilapat ni Alexa Bentilanon