SINAG 2020 | Page 23

AMALANHIG
Alam mo ba na ang Pilipinas ay mayroong sariling zombie ? Mula sa kagubatan ng Hiligaynon , maririnig mo ang tinig ng isang uri ng aswang na kayang gayahin ang boses ng kahit sino . Ang mga alamanhig ay bangkay na muling bumangon upang humanap ng mapapasahan ng kanilang sumpa sa pamamagitan ng kagat sa leeg . Matigas ang kanilang mga galaw , at lubos na umaalingasaw ang amoy ng patay kung saan sila ’ y dumaraan . Kung mahanap mo ang sarili mo na hinahabol ng isa , umakyat ka sa isang puno sapagkat hindi nila kayang sundan ka roon .
SARANGAY
Sa panahon bago pa ang mga Kastila , mula sa mga Ibanag , sinasabing may halimaw na ang katawan ay hating tao at hating toro . Mainit ang ulo at lubos na higante , ang sarangay ay kahalintulad ng minotaur mula sa mitolohiyang Griyego , ngunit sa taenga nito ay nakatago ang isang mahalagang diyamante . Kung ito ’ y manakaw , hindi titigil ang sarangay hanggang mahanap at makapaghiganti ito sa magnanakaw .
SARIMANOK
Tanyag , makulay at marilag , ang sarimanok ay di karaniwang halimaw kung hindi isang mahiwagang ibon na nagmumula sa lalawigan ng Maranao . Ito ’ y galing sa Itotoro , ang ibong tagapamagitan ng mga kaluluwa . Isang kuwento ay nagsasaad na si Sari , ang anak ng sultan , ay ipinakasalan ng prinsipeng nagbabagong-anyo bilang manok , at ang sultan ay nagpatayo ng imaheng kahawig ng manok na kumuha sa kaniyang anak .
Ubod nang lawak ang mitolohiya ng ating bansa , sapagkat bumabalik ito hanggang sa panahon bago ang mga papel at kasaysayan . Isang bahagi pa lamang ito ng napakaganda ’ t bukod-tanging kultura ! Lubos pa ang bilang ng mga katakatakang halimaw , engkanto , diyos at diyosa na hindi pa natin nakikilala , at nawa ’ y mas patuloy pa na tayo ’ y umibig sa ating bansa at ipalaganap ang ating yaman . Kailan mas magandang magsimula kung hindi sa kasalukuyan ?
Pauliworld 18