SINAG 2020 | Page 21

ANG PAGIGING PAULINIAN ni Alyssa Reyes
Ang “ Kalinga ” ay isang inisyatibo ng Student Coordinating Team ( SCT ), katulong ang administrayon ng St . Paul College Pasig , na nakapagpaabot ng tulong sa mga ospital sa ilalim ng pamamahala ng St . Paul of Chartres Health Care Ministry ( SPCHCM ). Sa loob ng isang buwan , nakatulong ang programa sa labing-tatlong ospital ng SPCHCM sa buong Pilipinas . Sila ang napiling benepisyaryo ng programa dahil isa ito sa mga itinataguyod ng SPCP na nagbibigay ng serbisyo sa publiko . Higit pa rito , nais din nilang siguraduhing ligtas laban sa COVID-19 ang bawat pasyente at tagapaglingkod ng mga pasilidad na ito .
Ayon kay Angelene Garcia , bise presidente ng SCT , ang pagiging Paulinian ay isang pribilehiyo dahil isa ito sa mga nagturo sa kanya upang mabuksan ang kanyang kaisipan sa mga isyung ikinakaharap ng bansa at nagsilbing pagkakataon upang makatulong kahit nasa bahay lamang sila . Hindi naging hadlang ang pananatili sa kanilang mga tahanan upang magbigay tulong . Kahit na ang programang ito ay tumagal lamang ng isang buwan , ninanais pa rin ng SCT na makatulong sa pamamagitan ng iba pang paraang aabot ng kanilang makakaya . Kung tutuusin isa lamang ito sa mga programa na nasa ilalim ng SCT .
Sa kasalukuyan ng ating bansa at sa nakararaming nangangailangan dito sa Pilipinas lalo na sa panahon ng pandemyang ito , hindi lamang ang mga benepisyaryo ng programang “ Kalinga ” ang natulungan nito ; ang mga tagapagtaguyod ng programang ito ay nahubog ang pag-iisip sa kanilang paligid sa murang edad at sa tulong ng St . Paul College Pasig hindi naging hadlang ang panahon at edad upang mag-abot ng tulong . Ang pagmamalasakit sa iba ay hindi natin responsibilidad ngunit ito ay isang pag-unawa sa mga nahihirapan sa ating sistemang hindi makatarungan .
HATID SUNDO ni Janina Esteban
Beep beep beep , ang sabi ng jeep !
Sa kalagitnaan ng pandemya ay nagningning ang pusong ginto at ang mapanglikhang imahinasyon ng mga Paulinian sa proyektong “ Hatid Sundo ”, na isinagawa ng mga mag-aaral upang suportahan ang mga tsuper sa pamamagitan ng sining .
Ayon kay Cecil Pascual , isa sa mga pinuno ng proyekto , “ Ito ’ y isang magandang paraan upang maipakita ang talento na taglay ng ating kapwa mag-aaral . Sa pamamagitan ng ‘ Hatid Sundo ’, hindi lang kami nakatulong sa mga
drivers , [ kundi ] pati na rin [ sa ] mga [ tagapaglikhang ] nararapat na bigyan ng pagkilala .”
Bilang karagdagan , ang mga kasapi ng “ Hatid Sundo ” ay mga boluntaryong nais tumulong sa ating mga tsuper , na naghihirap dahil sa kakulangan sa pera ’ t limitadong oportunidad upang masustentuhan ang kanilang pamumuhay . “ Isa itong magandang kasanayan at karanasan bilang nakababatang henerasyon na [ m ] agsisilbing ehemplo sa iba ,” banggit ni Sophia Custodio , kabilang sa mga pinuno ng proyekto .
Sa madaling salita , ang proyektong ito ay isang malaking tagumpay hindi lang para sa mga drayber kundi para na rin para sa mga mag-aaral na dala-dala ang pangalan ng paaralan . Ang kabuuang donasyon na naitala ay nasa P21,000 at patuloy pa rin ang pagtaas nito . Sa katunayan , plano pa ng grupong ipagpatuloy ang proyekto sa mga susunod na araw upang mas marami pa ang kanilang masuportahan .
Ang kalungkutang dala ng pandemya ay hindi naging hadlang upang makapagbigay-tulong sa mga naiiwan ngayon . Ipinakita ng “ Hatid Sundo ” na sa pamamagitan ng social media , magagamit ang talentong taglay upang makatulong sa iba , kahit na tayo ’ y nasa bahay lamang .
MODELONG PAULIPINO
Pauliworld 16