SINAG 2020 | Page 14

KINABUKASAN NG

PILIPINAS

ni Kirsten Pagala
Maliit na bansa ang Pilipinas pero marami pa ring tumatangkilik sa angking ganda nito . Kabila sa gandang alay , ang bansang ito ’ y hindi perpekto . Kaakibat nito ang iba ’ t ibang mga problema ; marami kang mapupuna lalong-lalo na tila ’ y nakakulong ang bansa sa balong uhaw na uhaw . At sa panahon ngayon , parang ‘ di masinagan ng araw .
Nang nagsimula ang bagong taon , ‘ di mapigilan ang pagbuhos ng delubyo sa bansa . Noong ika-12 ng Enero , pumutok ang bulkang Taal at maraming kailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan . Nagkaroon ng kalamidad sa Davao Oriental noong ika-3 ng Pebrero dahil sa African Swine Outbreak . Nitong Marso 9 , 2020 , idineklara ang public health
emergency dahil sa pagdami ng kaso mula sa pandemya at ilang araw lang ang lumipas ay sumailalim na sa mas mahigpit na panukala ang Pilipinas . Subalit hindi riyan nagtatapos ang mga suliraning hinaharap ng sambayanang Pilipino .
Nangunguna ang pagtaas ng mga kaso dulot ng COVID-19 at dahil dito idineklara ni Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine noong ika-16 ng Marso ( Proclamation No . 929 , 2020 ). Nagpatupad din ang gobyerno ng mga batas upang makatulong sa pagbaba ng kaso sa Pilipinas , bagamat may mga lumabag dito at umabot sa punto na marami silang inaresto . Hindi mapapagkaila na hindi handa sa pandemya ang Pilipinas kaya ’ t naging survival of the fittest ang sitwasyon . Maraming natanggalan ng hanap buhay at dahil dito , pinilit na magsumikap na makakuha ng pangkain sa bahay .
Natapos man ang ECQ , patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sa bansa . Hindi lang iyon ang pagsubok na hinaharap , ang mga kaso ’ y mayroon nang epekto sa mga ospital , negosyo , edukasyon , ekonomiya , at marami pang iba . Punong-puno na ang mga ospital dahil sa pagdagsa ng mga pasyente . Maraming mga negosyong nagsara na dahil sila ’ y nalulugi ( CNN Philippines Staff , 2020 ). Kahit na mahirap ang sitwasyon at isinusulong na mag-academic freeze , tuloy pa rin ang mga klase sa pamamagitan ng online classes ( Salaverria , Reysio- Cruz , 2020 ). Bumagsak na rin ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa tagal ng ECQ ( ADB News , 2020 ).
Sa patong-patong na mga suliranin ng Pilipinas , mahirap isipin kung ano ang magiging lagay ng bansa . Bago mag Agosto 14 , 2020 , nag-general community quarantine na datapwat hindi nauubos ang mga pasyente sa ospital at hindi pa rin bumababa ang mga kaso ; kaya ’ t bumalik sa modified enhanced community quarantine ang Pilipinas . Dahil sa karanasan ng mga Pilipino sa mga problema , lagi silang pinupuri sa kanilang katatagan at katibayan . Subalit sa hinaharap ngayon , walang panama ang katatagan at katibayan kung hindi magagawan ng konkretong solusyon ang pandemya . Mananatili na lamang tayo na nasa ibaba ng balon , hindi na nasisinagan ng araw kung hindi aaksyon ang mga taong dapat umaksyon . Walang mangyayari . Patuloy na nag-iisip kung paano na ang mga tao at ang kinabukasan ng Pilipinas .
[ 1 ] CNN Philippines Staff . ( 2020 ). 3,000 establishments nationwide permanently close , retrenched due to pandemic , DOLE says . CNN Philippines . https :// cnnphilippines . com / business / 2020 / 6 / 25 / 3000-establishments-retrench-close-due-to-pandemic . html ? fbcl id = IwAR0NEAAbQEv8WqKvCX1y3o2TVVX7NC7dBLrD9ICs4AmY84zL-JB2vTmIAy4
[ 2 ] Salaverria , L ., & Reysio-Cruz , M . ( 2020 ). DepEd firm to resume classes on August 24 . Inquirer . Net . https :// newsinfo . inquirer . net / 1282823 / deped-set-on-aug-24-resumption-of-classes
[ 3 ] ADB News . ( 2020 ). Philippine GDP Growth to Slide in 2020 Due to COVID-19 , Strong Rebound Seen in 2021 . Asian Development Bank . https :// www . adb . org / news / philippine-gdpgrowth-slide-2020-due-covid-19-strong-rebound-seen-2021-adb
09 Sinag / Inilapat ni Mieka Laciste