SINAG 2020 | Page 15

at internet lalo na kung sila ’ y nabibilang sa pamilyang isang kahig isang tuka . Marahil ay pipiliin na lamang nila ang modular learning . Kanilang sasarilinin na lamang ang pag-aaral ng mga learning modules na ibibigay ng kanilang paaralan . Nakalulungkot ang ganitong sitwasyon , lalo na kung walang magulang na gagabay sa kanila . May mga magulang na prayoridad ang paghahanapbuhay upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya kaya wala ng oras para gabayan pa ang anak na aralin ang learning modules . Iba-iba mang mga pagsubok ang ating haharapin , masuwerte at binigyan pa rin tayo ng pagkakataong ipagpatuloy ang ating pag-aaral sa gitna ng krisis .

PATULOY PA RIN SA PANAHON NG

PANDEMIYA ni Isla Elise L . Laxa

Isang umaga , sa pagmulat ng ating mga mata , kahindikhindik na pagbabago ang bumungad sa bawat isa . Puno ng takot at pangamba ang mga puso ’ t isipan nang dahil sa paglaganap ng pandemiyang hindi inaasahan . Bagamat mahirap tanggapin , ito na raw ang “ new normal ” kung tawagin . “ WFH ” o “ Work from Home ” ang karaniwang maririnig sa mga empleyadong sa bahay na lang nagtatrabaho . Sa mga kabataang mag-aaral , nagsimula na rin ang “ OC ” o “ Online Classes ”. Mga makabagong paraan upang ang virus daw ay maiwasan .
Mulat ba ang iyong mga mata sa tulong na maaari mong maibahagi sa iba ? Naniniwala akong may magagawa tayo . Hindi kinakailangang malaking kontribusyon ang ambag nating mungkahi . Paulit-ulit na paalala na sa sarili ’ y simulan upang pagbabago ay tiyak na masundan . Maging alerto ’ t mapanuri sa mga nababasa ’ t napanonood . Sundin ang itinalagang mga alituntunin upang pag-ibayuhin ang kaligtasan natin . Tandaan na sa maliit na bagay nagsisimula ang lahat ng malaki . Hugasang mabuti ang ating mga kamay at manatili tayo sa loob ng ating tahanan . Tumugon sa panawagan ng ating pamahalaan na magabot kung anong makakayanan .
Sa patuloy na paglawak at paglaganap ng mga pagsubok na kinahaharap , dalangin kong ang bawat isa sa atin ay maging SINAG na magsisilbing tanglaw sa landas ng kabataan . Isang batingaw na aalingawngaw ng tunog ng katotohanan . Mananampalatayang pupuksa sa pandemiyang yumanig sa buong mundo . Maliit na posporong tutulong bumuo sa nagsisiklab na tagumpay ng sambayanan sa panahon ng pandemiyang ito .
Napakalaking pagbabago nito para sa akin , tila ba ’ y may malaking kabang nagtatago sa aking dibdib . Siguro ’ y nadarama rin ito ng ibang mga estudyante at napapaisip sa iba pang mga pagsubok na maaari naming kaharapin . Nariyan ang limitado o mas maikling oras ng pagtuturo , mabagal na internet connection , mahihirap na aralin na di agad mauunawaan kung ito ’ y ituturo lamang online , mas madaming takdang-aralin , at iba pa .
Kaliwa ’ t kanang problema , siguro ang iba sa atin ay hindi nadarama . Batid mo ba ang hirap na binabata ng mga kababayan nating nagdurusa ? Napapaisip din ako , paano na kaya ang mga mag-aaral na nagmula sa mahihirap na pamilya ? Paano nila mairaraos ang taong panuruang ito ? Marami sa kanila ay di kayang tugunan ang pag-aaral na kakailanganin pa ang gadgets
Pauliworld 10