SINAG 2020 | Page 13

ng iba ’ t ibang grupo dahil maliban sa layunin na palakasin ang umiiral na Human Security Act of 2007 , maaari itong gamitin para tugisin ang mga kritiko ng gobyerno na hindi naman terorista .
Ika-12 ng Hunyo
Ginanap ang mañanita protest sa UP Diliman , at sinalihan ito ng Congress of Teachers , Movement Against Tyranny , Anakpawis , Kilusang Mayo Uno , at iba pa . Giniit ng mga raliyista , kahit pa mayroong ikinahaharap na pandemya , importanteng punahin ang pagkawalang-kompetensiya at pandaraya ng gobyerno , lalo na sa tiwaling pagpasa nito sa Anti-Terror Bill sa Kongreso .
Ika-15 ng Hunyo
Sinampahan na ng reklamo ang National Capital Region Police Office Chief na si Major Debold Sinas pati na ang ilang opisyal ng Philippine National Police kaugnay ng pagkalat ng ebidensya tungkol sa kanyang “ birthday party ” na lumabag sa mga quarantine protocols .
Ika-20 ng Hunyo
Ayon sa WHO , pumasok sa isang bago at mas peligrosong antas ng coronavirus ang buong mundo . Ang isinatupad na lockdown sa mga bansa ay sinabayan ng pagbagsak ng ekonomiya , kaya naman nagsimulang paluwagin ang mga quarantine protocols . Ngunit iginiit ng WHO na mas malaki pa rin ang pinsalang dala ng pagkalat ng virus .
Ika-3 ng Hulyo
Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang kontrobersyal na Anti-Terror Bill , kung saa ’ y kabilang sa mga halimbawa ng terorismo ay ang paglabas ng mga pahayag na kaugnay raw sa mga terorista at ang anumang aktibidad na magdudulot ng pagkamatay , pinsala , o pagkasira ng mga pasilidad ng gobyerno . Habambuhay na pagkakakulong at walang parole ang parusa rito .
Ika-8 ng Hulyo
Umabot na sa 50,000 ang nagpositibo sa virus .
Ika-14 ng Hulyo
Karamihan sa mga ospital sa Kalakhang Maynila ay hindi na tumatanggap ng mga pasyente sa kadahilanang hindi na sapat ang mga pasilidad at ang mga nagsisilbing tauhan sa kanila .
Ika-24 ng Hulyo
Umabot na sa 75,000 kaso ang nagpositibo sa virus .
Ika-2 ng Agosto
Umabot na sa 100,000 kaso ang nagpositibo sa virus .
Ika-4 ng Agosto
Isinailalim ng Pangulo ang Kalakhang Maynila sa MECQ matapos maghain ng mga petisyon ang mahigit sa 100 na medikal na asosasyon . Ang dalawang linggong “ timeout ” na hiling ng mga health workers ay may layong mapabuti ang pagreresponde sa matinding krisis .
Ika-6 ng Agosto
Matapos maitala ang 3,561 na bagong kaso sa isang araw , umakyat ang bilang ng Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Timog-silangang Asya .
Ika-14 ng Agosto
Umabot na sa 150,000 ang nagpositibo sa virus .
Ika-19 ng Agosto
Nang matapos ang dalawang linggong “ timeout ”, isinailalim muli ang Kalakhang Maynila sa GCQ .
BALITA
ABS-CBN News at CNN Philippines . Pauliworld 08