SINAG 2020 | Page 12

Ika-14 ng Abril
Nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan ang iilang empleyado ng mga negosyong nasapul ng COVID-19 . Ito ay ayon sa Small Business Wage Subsidy Program na may pondong P51-bilyon na inaprubahan ng Pangulo nung ika-14 ng Abril .
Ika-18 ng Abril
Umabot na sa 6,000 ang nagpositibo sa virus .
Ika-24 ng Abril
Ang Enhanced Community Quarantine ay pinalawig hanggang ika-15 ng Mayo , sa kabila ng unang deklarasyon na ito ’ y magtatapos ng ika-30 ng Abril . Sakop nito ang Kalakhang Maynila , Central Luzon , Calabarzon , at iba pang mga high risk na probinsya .
Ika-30 ng Abril
Inaprubahan ng Korte Suprema ang pagbabasura ng mga kaso ’ t pagbabawas ng piyansa para sa mga Persons Deprived of Liberty ( PDLs ) para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga kulungan . Maliban dito , inilunsad na rin ng Korte Suprema ang pagdaraos ng mga online hearings sa ilang mga korte .
Unang araw ng Mayo
Simula sa araw na ito , isinailalim sa General Community
Quarantine o GCQ ang mga probinsya maliban sa mga itinuturing na high risk , na mananatili naman sa mahigpit na quarantine ; Maynila , Central Luzon ( maliban sa Aurora ), Calabarzon , Pangasinan , Baguio City , Iloilo , Cebu , Bacolod , at Davao City .
Ika-5 ng Mayo
Itinigil ng ABS-CBN ang kanilang operasyon matapos maglabas ang National Telecommunications Commission ng ceast-anddesist order laban sa network . Dahil dito , higit 11,000 na empleyado ang nawalan ng trabaho .
Ika-6 ng Mayo
Umabot na sa 10,000 ang nagpositibo sa virus .
Ika-14 ng Mayo
Inalis ang mga paghihigpit sa mga biyahe ng mga OFW , maaari na silang maghanap ng trabaho sa ibang bansa . Sila ’ y papayagan basta ’ t mapirmahan ang dokumento ukol sa banta ng coronavirus disease at ng pag-alis sa Pilipinas .
Ika-16 ng Mayo
Ipinahayag ng Inter-Agency Task Force ( IATF ) ang Resolution No . 37 kung saa ’ y pinalipat ang ibang lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine ( MECQ ), maliban na lamang sa mga lungsod ng Cebu at Mandaue na mananatili sa Enhanced Quarantine hanggang ika-31 ng Mayo .
Ika-20 ng Mayo
Umabot sa mahigit 5,000 ang nahuling lumalabag sa quarantine protocols sa Malabon .
Ika-28 ng Mayo
Inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF na isailalim ang Kalakhang Maynila sa GCQ .
Unang araw ng Hunyo
Nagtapos ang ECQ at ipinatupad na ang General Community
Quarantine sa Kalakhang Maynila .
Ika-4 ng Hunyo
Umabot na sa 20,000 ang nagpositibo sa virus .
Ika-5 ng Hunyo
Ang lagda na lang ng Pangulo ang kulang sa ipinasang Anti- Terrorism Bill sa Kongreso . Kaliwa ’ t kanan ang pagkondena
BALITA
07 Sinag / Inilapat ni Sophia Tantamco
Ang mga balita ay isinangguni mula sa