SINAG 2020 | Page 11

-19 CH

ajarucon
Ika-12 ng Marso
Isinailalim ni Pangulong Duterte sa isang partial lockdown ang Kalakhang Maynila kung saan nagpatupad ng mga panuntunang sinasabing makatutulong sa pagpapatigil ng pagkalat ng naturang sakit . Isinuspinde rin ang lahat ng biyaheng palabas at papasok ng Maynila hanggang sa ika-14 ng Abril .
Ika-16 ng Marso
Sa kabila ng pagpapatupad ng partial lockdown , tuloy-tuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso kaya higit pang isinailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine na dapat magtapos noong ika-12 ng Abril . Inutusan ang lahat na manatili sa bahay at isinuspinde rin ang pampublikong transportasyon .
Ika-17 ng Marso
Sa ika-disyesyete ng Marso ay idineklara ng Pangulo ang state of calamity sa buong bansa . Ikinumpirma ng palasyo ang paglagda sa Proclamation No . 929 na nagbigay-daan sa mas malawak na pag-abot sa estado at mga lokal na pamahalaan ng kinakailangang pondo kontra COVID-19 . Ayon din sa proklamasyon , anim na buwan isasailalim sa state of calamity ang Pilipinas bagaman ito ’ y maaaring palawigin o paikliin .
Ika-18 ng Marso
Umabot na sa 200 ang nagpositibo sa virus .
Ika-19 ng Marso
Sinuspinde ang pagkabisa at ang pamimigay ng visa at visafree entry privileges sa mga dayuhan .
Ika-22 ng Marso
Hiniling ng palasyo sa Kongreso na ideklara ang national emergency at bigyan na ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang krisis na dala ng COVID-19 .
Ika-23 ng Marso
Nagkasundo ang Kongreso sa panukalang Bayanihan To Heal As One Act .
Ika-25 ng Marso
Nilagdaan na ng Pangulo ang Bayanihan To Heal As One Act , kung saan siya ’ y nabigyan ng dagdag-awtoridad .
Ika-28 ng Marso
Umabot na sa 1,000 ang nagpositibo sa virus .
Ika-31 ng Marso
Inanunsyo ng Pangulo ang paglalaan ng P200 bilyon para sa mga pamilyang apektado ng Enhanced Community Quarantine , kung saan nagkaroon ng tigil-operasyon sa ilang industriya para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease .
Unang araw ng Abril
Inaresto ang dalawampu ’ t isang residente ng Sitio San Roque sa Barangay Bagong Pag-asa matapos maakusahang nagproprotesta ng walang permiso o government permit . Sila ’ y nag-alsa dahil sa umano ’ y kakulangan ng relief packs o ayuda sa Quezon City
Ika-5 ng Abril
Maliban sa hazard pay na ipinagkaloob sa mga tauhan ng gobyerno , pinahintulutan ng Pangulo ang Administrative Order No . 28 kung saan mabibigyan dapat ng dagdag-bayad ang mga health workers sa mga pampublikong ospital .
Pauliworld
BALITA
06