SINAG 2020 | Page 10

COVID WAT

ni Pauline M
BALITA
Ika-31 ng Disyembre
Nung ika-31 ng Disyembre , kinumpirma ng pamahalaan ng Tsina ang pagsiklab ng mga kaso ng pneumonia . Ngunit , lingid sa kanilang kaalaman ang pinanggalingan ng sakit , at kung papaano ito kumakalat . Lumipas ang ilang araw at doon lang nadiskubre ng mga opisyal sa Tsina ang bagong virus .
Ika-11 ng Enero
Ang pagkamatay ng animnapu ’ t isang gulang na lalaki sa Wuhan , China ay ang kauna-unahang naitalang kamatayan dulot ng virus .
Ika-20 ng Enero
Ayon sa World Health Organization ( WHO ), ang mga unang kasong naitala sa labas ng Tsina ay nagmula sa Japan , South Korea , at Thailand .
Ika-28 ng Enero
Inihayag ng komisyonado ng Bureau of Immigration ang pansamantalang pagsuspinde sa pamimigay ng tourist visas sa mga Tsino . Isinuspinde na rin ng Civil Aeronautics Board ang mga lipad galing Wuhan na papunta sa Pilipinas .
Ika-30 ng Enero
Natuklasan ang unang kaso ng 2019-nCoV sa Pilipinas . Ang tatlompu ’ t walong gulang na babae ay galing sa Wuhan , China , kung saan nagmula ang virus .
Ika-2 ng Pebrero
Naitala ng WHO ang unang pagkamatay sa labas ng Tsina sa isang apatnapu ’ t apat na taong gulang na lalaki . Siya ay isang residente ng Wuhan , China , na nakarating sa Pilipinas noong ika-21 ng Enero .
Ika-5 ng Pebrero
Inilagay sa quarantine ang Diamond Princess , isang luxury cruise ship , matapos matuklasan na isa sa mga pasahero nito ay nakumpirmang positibo sa nCoV . Kinalaunan , inihayag ng Carnival Japan Incorporated , ang tagapamahala ng Diamond Princess , na sampung indibidiwal ang nahawa sa virus . Isa sa kanila ay Pilipino , at siya ay ang unang Overseas Filipino Worker ( OFW ) na nadapuan ng virus .
Ika-11 ng Pebrero
Pinangalanan ng WHO ang virus bilang coronavirus disease 2019 o COVID-19 .
Ika-7 ng Marso
Sa pinakahuling ulat na inilabas ng Kagawaran ng Kalusugan , kung saan limang pasyente ng naturang sakit ang naitala sa bansa , inilagay na rin sa Code Red sublevel 1 ang COVID-19 Alert System . Ito ay pagkatapos madiskubre na may nangyaring hawaan ; isa sa mga pasyente ay walang travel
history , at nagpositibo sa coronavirus ang kanyang asawa matapos magsagawa ng contact tracing .
Ika-9 ng Marso
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa ilalim ng state of public health emergency matapos lumobo ng sampu ang mga nagpositibo . Isinuspendi rin ang mga klase sa lahat ng antas ng Maynila hanggang ika-14 ng Marso
Ika-11 ng Marso
Umabot ang virus sa Visayas at Mindanao . Sa araw na ito , nasa labing-anim na pasyente ang naitala sa Pilipinas at dalawa sa kanila ay nagmula sa nasabing pook .
05 Sinag / Inilapat Sophia Tantamco