SINAG 2020 | Page 9

Tugon ng Pasig Laban sa COVID-19

ni Anya Nacuda
Hindi maitatanggi ang katotohanan na maraming kaakibat na suliranin ang pamumuhay sa gitna ng pandemya . Iilan lamang dito ang kawalan ng trabaho , maaga-agang pagtapos ng akademikong taon , at pagbawas sa sweldo ng ibang mga empleyado .
Subalit , makikita sa iba ’ t ibang lungsod ng bansa ang mga planong isinagawa ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang malabanan ang pandemyang ito nang maayos . Isang halimbawa nito ang lungsod ng Pasig at ang mga proyektong pinamahalaan ng kanilang alkalde na si Vico Sotto upang maitaguyod ang mga mamamayan ng lungsod habang nilalabanan ang COVID-19 .
Kabilang sa mga proyektong inilunsad ay ang pagbibigay ng
supplemental SAP , paglalaan ng P1.2 bilyon na halaga para sa mga gadgets na gagamitin sa pagsasagawa ng e-learning , at maliliit na proyekto tulad ng mobile palengke .
Ang supplemental Social Amelioration Program ( SAP ) na inilunsad noong ika-5 ng Mayo ay may layuning makapagbigay ng pinansyal na ayuda na nagkakahalaga ng 8,000 pesos para sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod — maliban na lamang sa mga nakarehistro sa iba pang uri ng ayuda ng nasyunal na pamahalaan . Gayunpaman , ang isinaad na proyekto ay nagtagumpay sapagkat nagkaroon pa ng pangalawang paglilista upang mabigyan ng pinansyal na ayuda ang mga hindi nakapagpalista noon .
Ang isa pang proyekto na inilunsad ay ang paglaan ng P1.2 bilyon para sa mga gamit tulad ng mga tablet at laptop na gagamitin para sa e-learning . Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral at ang mga guro sa mga pampublikong paaralan ng Pasig na makabahagi sa online learning sapagkat hindi ligtas ang pagdaos ng tradisyunal na pagtuturong face-to-face . Inaasahang makatatanggap ang mga mag-aaral sa pangunahin at sekondaryong paaralan ng ayuda na ito . Dagdag pa ni Sotto sa kanyang Facebook Live , magtatabi rin ng P30 milyon para sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral . Pandagdag na rin dito ang pagtatayo ng mga local hotspots ang lokal na pamahalaan sa mga lugar kung saan walang internet upang ma-download ng mga magaaral ang mga gamit na kinakailangan sa kanilang klase .
Huli , hindi mawawala ang maliliit na proyekto na inilunsad ng lokal na pamahalaan upang makatulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay . Inilunsad nila ang mobile palengke kung saan ang mga tinitinda sa palengke ay nilalako na sa mga kalsada gamit ang transportasyong sinagot ng lokal na pamahalaan . Sinigurado na ang mobile palengke na ito ay isa sa mga magiging pansamantalang solusyon upang hindi na kailanganin ng mga tao na lumabas ng kanilang mga pamamahay upang bumili ng makakain . Inaasahan na ito rin ay isa sa mga maliliit na bagay na makatutulong sa pagsasagawa ng social distancing sa mismong palengke , pati na rin sa pagbawas ng maaaring maapektuhan ng COVID .
Ang pinagsama-samang epekto ng maliliit na programang nabanggit ay nararapat lamang na magsilbi bilang halimbawang makapag-uudyok sa mga karatig-bayan at sa buong Pilipinas , na maaaring lampasan ang pighati at hirap na dala ng COVID . Sa patuloy na pananalig , pagsunod , at paggawa sa mga panuntunang inilatag ng Pasig , unti-unting makababangon ang mga Pasigueño sa diwang dala ng pagkakaisa .
[ 1 ] Gonzales , C . ( 2020 , May 5 ). Pasig City : Supplemental cash aid distribution on . Retrieved from https :// newsinfo . inquirer . net / 1269789 / pasig-supplemental-sap-starts-today
[ 2 ] Limpot , K . ( 2020 , June 17 ). Pasig raises P1.2 billion to buy gadgets for e-learning . Retrieved from https :// cnnphilippines . com / news / 2020 / 6 / 17 / Pasig-gadgets-distancelearning . html ? fbclid = IwAR19xoLPFjQh2RkqGYb2tfbha8t4t90WxOqAJcMSU5YNlNN1FFfa6jErAAg
[ 3 ] Melliza , P . ( 2020 , March 31 ). Here ’ s everything that Mayor Vico Sotto has done so far amid COVID-19 . Retrieved from https :// www . msn . com / en-ph / news / national / hereseverything-that-mayor-vico-sotto-has-done-so-far-amid-covid-19 / ar-BB11VWua ? li = BBr8Mkn
Pauliworld
BALITA
04