d 1 | Page 9

pabuti ang kanyang pakikitungo sa akin. Lagi na siyang masaya at hindi na nagbabagot. Napamahal na talaga siya sa akin. Tinuring ko na siya bilang isang kamag-anak. Inalagaan ko siya ng mabuti. Araw-araw ay nililinis ko ng maayos ang kanyang bahay, mula sa unang palapag hanggang sa pangatlo. Pinalipat niya ako sa isang silid sa ikalawang palapag. Maliit ang aking unang silid ngunit inilipat niya ako sa isang malaki at magandang silid.. Sabi niya ay mas maigi raw na dito na ako matulog dahil magiging komportable raw ako dito. Inalagan niya na ako bilang isang parte ng kanyang buhay. Bilang isang kapamilya.

Tumingin tingin ako sa aking kwarto at naisip ko ang buong mansyon. Sa laki ng mansyon niya at yaman niya ay bakit wala siyang pamilya. Nilayasan ba siya? Nag-away kaya sila? Kung wala, bakit? Hindi ako mapakali kaya isang araw, tinanong ko siya. Sinabi niya ang lahat sa akin. Maliit raw ang kanilang pamilya. Mayaman, ngunit tatlo lamang sila. Siya, ang kanyang asawa at ang kanilang anak. Doon raw sila sa kabilang bahagi ng Tsina nakatira. Ngunit nasunog ang kanilang bahay at siya lamang ang tanging nakaligtas. Lumipat siya rito sa pag-asang makakapagsimula siya ng panibagong buhay. “Bawa’t taon, kumukuha ako ng mga kasambahay upang alagaan ako at ang aking bahay ngunit hindi sila tumatagal. Nagtaka ako kung bakit ka nanatili, Lin Wei. Tinuring mo akong kapamilya. Magaan ang loob ko sa iyo, anak.” Wika niya sa akin. Tumulo ang aking mga luha. May pamilya na rin ako. May ina na ako at aalagaan ko siya habang buhay. Dito ko natutunan na ang pagiging isang pamilya ay hindi mababase lamang sa dugo. Kahit hindi kayo magkadugo basta mahal niyo ang isa’t isa at handang handa niyong gawin ang kahit ano para maprotektahan ang isa’t isa, maituturing mo na itong isang pamilya.