Pangarap
Edrick Silva
Sa isang lugar ng skwater sa Tondo ay may isang lalakeng nagangarap na sumikat na mangaawit. Ito ay si Tonyo Cagas pero tawag sa kanya pag siya ay nag aawit ay FLO9. Si Tonyo ay di nakapagtapos ng pag-aaral hangang Mataas na Paaralang lamang siya nagtapos. Kaya hindi nakapagtapos nang pag-aaral si tonyo ay mahirap lamang sila ang nanay niya ay isang labandera lamang at ang kanyang tatay ay jeepney driver lamang. Dalawa lamang silang magkakapatid ang kapatid niyang babae ay nagaaral pa sa grade school. Ang paboritong niyang mangaawit ay si Gloc9, Loonie at Francis M. Gustong gusto niyang gayahin ang mga ginagawa nila. Ang trabaho ni Tonyo pag walang gimik ay nagwaiwaiter sa isang restaurant.
Dahil sa gusto niyang gayahin ang kanyang idolo ay naisipan ni Tonyo na sumali sa isang gang. Gang na magpapasikat sa kanya gang na hindi siya iiwan gang na nandyan pag may kailangan. Bulag ang mga mata ni Tonyo sa tunay na pwedeng mangyari sa pagsali sa gang. Isang gabi nag away ang gang ni Tonyo at ng kabilang gang. Maraming nasaugatan pero mga kasapi ng mga gang ito at iilan sa kanila ay menorde edad. Si Tonyo naman ay malapit matago ng kutsilyo sa tiyan buti nalang naligtas siya ng isa sa kanyang kaibigan na si Darius. Dahil sa pangyayari ay naging mabuting magkaibigan si Darius at Tonyo. Si Darius ang isa sa mga daan upang makita ni Tonyo si Gloc9 at Loonie. Kaibigan ni Darius sina Gloc9 at Loonie. Nang nalaman ni Tonyo na kaibigan niDarius ang kanyang mga idolo ay di niya na pinalagpas ang pagkakataon na makita at makilala ang kanyang iniidolo. Nagpasya si Darius na magkita sila Gloc9, Loonie at Tonyo sa isang bar na saan may Fliptop doon pina sample si Tonyo ng mga konting linya at nasiyahan naman si Gloc9 at Loonie. Naging madalas na ang laban ni Tonyo sa Fliptop pero konti lamang ang kanayang kinikita rito at hindi kasya sa pang arawaraw na bilihin. May kaibigan ang nanay ni Tonyo na nagrecruit sa kanay papuntang North Korea upang mag silbi bilang waiter at entertainer. Nahihirapan nang mag desisyon si Tonyo dahil malapit niya nang makamit ang kanyang pangarap pero hindi parin ito sapat upang matubusan ang kanyang pamilya. Pero may nakaantay na malaking opurtunidad para sila ay umahahon pero hindi ito ang kanyang gusto. Sa huli napagpasyahan ni Tonyo na pumunta sa Korea para magtrabaho. Pinili ni Tonyo ang kapakanan ng kanyang pamilya kaysa sa kanyang sarili at kanyang pangarap. Pagkalipas ng ilang taon ay nagging mas maginhawa ang buhay nila at napapaagral niya na ang kanyang kapatid sa pribadong eskwelahan
china