Pamilya
Christine Diane Cabonce
Ako ay isang ulila. Hindi ko na nakilala ang aking mga magulang o kahit sino pa man sa aking pamilya maliban sa akinh tiyahin. Sa aking natatandaan, pitong taon ako noon at iniwan ako ng aking tiyahin sa isang tahimik na gusali. Tandang tanda ko pa na sinabi niyang babalikan niya ako ngunit hindi na siya bumalik. Sampung taon rin akong pagala-gala sa kalye. Nanghihingi na lamang ako ng pera at pagkain sa mga taong dumadaan sa akin. Hindi ko na inisip kung ano ang iisipin nila tungkol sa akin. Ang importante noon ay mabuhay lamang ako. Isang babaeng butas butas na ang damit at mabaho. Ganito ako noon. Ngunit ngayon ay nakatira na ako sa isang napakalaking mansyon at namumuhay na ng masagana. Mahirap mang paniwalaan ngunit sa isang himala ay nandito na ako. Ganito pala siguro ang pakiramdam na may minamahal kang kapamilya. Masaya at magaan sa pakiramdam. Ako si Lin Wei. Dalawampu’t apat na taong gulang, at ito ang kwento ng aking buhay.
Dahan dahan akong pumasok sa isang napakalaking mansyon. Tumingin ako sa paligid at nasiyahan ako sa nakita ko. Manghang mangha ako sa malalaki at mga mamahaling gamit sa loob. Mayroong mga mesa na may disenyong nakaukit mula sa ginto at mga malalaking larawan na nakasabit sa pader. Hangang hanga ako sa mansyong ito. Napakaaliwalas at presko na tila ba’y nakapasok ako sa isang palasyo. Mula sa isang malaking bintana ay makikita ko ang napakalawak na hardin na tila bang isang paraiso. Punong puno ng mga bulaklak at magagandang mga tanim. Hindi ako makapaniwala na dito ako magtatrabaho.
Nakaupo lamang ako sa gilid ng kalye noon nang may isang matandang babae na nakadamit ng maayos ang lumapit sa akin. Inalok niya ako na mag trabaho bilang isang kasambahay sa kanyang bahay. Tinanggap ko ito dahil alam kong kailangan ko at dahil mukang malungkot ang matandang babae. Nais ko sanang tuklasin kung ano ang kanyang problema at tulungan siya. Dinala
niya ako sa kanyang bahay ngunit nagulat ako noong nakita ko na isa pala itong mansyon. Wala siyang ibang kasama sa kanyang mansyon kundi ang lima niyang kasambahay. Sa taya ko’y animnapung taong gulang na siya. Sinabi niyang wala na siyang pamilya, kaya naman naghanap siya ng mga taong mag-aalaga sa kanya. Sinabi niya rin na tigdadalawang taon lamang ang inaabot ng ibang kasambahay at pagkatapos ay aalis na sila. Hindi ko naintindihan kung bakit nila gustong umalis sa lugar na ito. Isang magandang mansyon at libreng pagkain at tirahan? Gaano ba kahirap ang trabahong ito?
Makalipas ang dalawang taon ng pagsisilbi sa kanya ay naintindihan ko na kung bakit dalawang taon lamang ang itinatagal ng kanyang mga kasambahay. Parating masama ang kanyang loob at malungkot. Minsan naman ay galit. Kahit anong gawin naming mga kasambahay ay hindi namin siya mapasaya. Lalo akong naengganyong manatili sa tabi niya. Nais ko siyang tulungan at baka na rin sa dahilang nag-iisa siya kaya hindi ko siya magawang iwan. Naranasan ko na ang pakiramdam na nag-iisa at walang makausap at ito'y napakalungkot. Sa tingin ko noon ay napamahal na siya sa akin kaya nanatili ako. Tinanong niya kami noon kung pagod na ba kami at kung sino na ang may gustong umalis. Umalis silang lahat at nagpaiwan ako. Sa palagay ko ay nagulat siya sa aking desisyon ngunit nakita ko siyang ngumiti. Gumaan ang aking pakiramdam dahil dito Sa paglipas ng panahon ay pabuti na ng
China