d 1 | Page 28

Ang Pangako

Dane P. Cortez

Ako ay si Pablo Valencia, ako ay nakatira sa isang simpleng bahay, hindi malaki at hindi naman maliit an gaming bahay, madaming damo ang tumutubo sa gilid ng aking bahay, ang pintura naman ay halos matanggal na, makikita mula sa bahay ko ang aking mga kapitbahay na malapit lamang ang distansya, siguro mga isang metro lang ang agwat mula sa kabilang bahay, makikita sa harap ang malawak na kalsada kung saan napakabilis tumakbo ang mga karaniwang sasakyan. Makikita na ang aking mga kapitbahay ay naglalagay na ng mga palamuting pamasko ngunit ang bahay ko ay wala man lang kahit isang maliit na palamuti, ito ay dahil aalis na ako patungong Singapore para maging isang inhinyero. Iiwanan ko ang aking pamilya ng ilang taon para sa kanilang kinabukasan. Sa pagdating ko sa paliparan ay naramdaman ko na ang kalungkutan ng aking pamilya sa aking pag alis, naririnig ko ang ingay ng mga eroplano na lumilipad paalis at lumilipad pababa sa paliparan, napaka init ng panahon na parang mapapaso ako kung ako ay tumagal pa. Pagkatapos ng aking mga huling salita kasama ang aking pamilya ay pumasok na ako sa paliparan.

Sa pagdating ko sa Singapore ay nalanghap ko ang linis ng hangin na parang hindi pa ito sinira ng mga kotse, nakita ko ang mga matataas na puno na naka linya sa gilid ng kalsada, mga matataas na mga gusali na napakaganda tingnan na parang makakarating ito sa langit, mga kotse

napakaganda na tumatakbo sa daan, sobrang nagulat ako sa aking nakita dahil hindi ko ito makikita sa Pilipinas. Sa pag punta ko sa aking patutunguhan ay nakita ko ang halo-halong mga tao, mga intsik, Koreano at mga Indiano, wala talagang dugong Singaporean dahil ang mga nakatira dito ay halo halong mga lahi. Napatingin ako sa isang magandang babae na ang pangalan ay Kathy Mercedes, kami ay naging matalik na kaibigan habang ginagawa ang proyekto.

Pagkatapos ng ilang taon ay sa wakas, natapos rin ang proyekto, ngunit, sa kasamaang palad, hindi pa ako makakauwi sa Pilipinas dahil may isa pang proyekto na kaylangang matapos sa China at kinakaylangan ang aking galing doon, agad agad naman akong nagpaalam sa aking mga katrabaho lalo na kay Kathy at nagimpake na ako papuntang China. Sa pagdating ko sa China ay naramdaman ko agad ang iba ng tradisyon at pamumuhay kumpera sa Singapore, napakadami ng mga tao na naglalakad kahit saan, mas madumi ang hangin na aking nalalanghap, napakakapal ang ibinubuga ng mga madaming kotse dito parang tinatakpan na nito ang aking paningin. Sa pagdating ko sa aking tatrabahuan kong gusali ay nagulat ako na magiging katrabaho ko muli si Kathy, agad ko siyang nilapitan at kinausap, tuwang-tuwa kami. Wala akong matutulugan sa gabi kaya gumawa ako ng desisyon sumama kay Kathy sa paglipas ng gabi. Sa paglipas ng gabi ay pumunta na kami sa kanyang condo, simple lamang ang dating, maliit pero