ako sa lugar kung saan ako magtatrabaho at nagulat ako sa aking nakita, katrabaho ko ang aking matalik na kaibigan na si Kathy Mercedes. Masaya niya akong niyakap. Tinanong niya ako kung may matutuluyan ba ako sa gabi, sagot ko naman ay wala kaya sinama niya ako sa kanyang condo pagkatapos ng isang maiksing usapan kasama ang aking mga pinuno. Sa pagsapit ng dilim ay katabi ko siya sa kama. Nilapitan niya ako at sinabi niya ang lahat ng kanyang nararamdaman sa akin, mahal na mahal niya ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, inisip ko naman ang aking pamilya na naghihintay sa akin sa Pilipinas. Ang sabi ko sa kanya ay isa lamang siyang kaibigan, nagalit naman siya at sinabi ko sa sarili ko na wala namang makakalaman kung wala akong sasabihin kaya agad agad ko siyang hinalikan sa labi at doon, tuloy tuloy na ang aming gabi.
Ika-23 ng Disyembre, 2001
Pagkatapos ng aming proyekto sa China ay binigyan kami ng mahaba habang bakasyon kaya agad-agad akong bumalik sa Pilipinas para makasama muli ang aking minamahal na pamilya. Hindi nila alam na darating ako. Sa pagdating ko ng Pilipinas ay agad akong kumuha ng taxi at naramdaman ang pagkaiba ng paligid, mas madumi at mabaho ang hangin. Napakadumi ng Pilipinas, agad kong nakita ang ibang tao na nagtatapon ng basura kung saan saan, mga tao na nagsisigawan, mga tao na nag-aaway, ang sakit tingnan sa mata na makita ang mga napakawalang asal na mga tao, nakita ko na kung bakit matindi ang pagkalait ng ibang mga bansa sa mga Pilipino. Sa pagdating ko sa aking bahay ay nasilipan ko mula sa bintana ang aking asawa at mga anak, nagulat ako nang nakita ko na malaki na ang aking mga anak, ngunit, bigla kong nakita ang isang lalake na lumapit sa aking mga anak,
niyakap niya ang aking mga anak at binuhat si Theresa sabay halik sa aking minamahal na asawa na si Peach. Sobrang nagalit ako sa aking nakita at nandiri, hindi ko alam kung ipagpatuloy ko pa ang pagpasok sa aking bahay, natandaan ko naman ang aking kasalanan na pagdadaya sa aking asawa kay Kathy. Tumalikod nalang akong nakababa ang aking ulo at kumuha muli ng taxi papunta ng isang hotel at gumawa ng desisyon na bumalik nalang ng China para makasama si Kathy.