d 1 | Page 26

Ang Pangako

Dane Cortez

Ako si Pablo Valencia, ama sa dalawang anak, asawa sa aking minamahal na si Peach Valencia at kabit sa aking kaibigan na si Kathy Mercedes. Hindi ito ang simula ng aking kwento at hindi rin ang wakas.

Ika-6 ng Disyembre, 1989

Ngayon ay Disyembre na, malapit na ang Pasko kaya madami nang mga tao na nilalagyan ng palamuti ang kanilang mga bahay, medyo lumamig din ang panahon, masayang masaya ang lahat ng mga tao na parang may patay na biglang nabuhay, ngunit, ako at ang aking pamilya ay malungkot na parang may libing, ito ay dahil ako ay aalis na para maghanap ng trabaho bilang isang inhinyero sa Singapore. Kumuha kami ng taxi para maabutan ko ang aking paglipad papuntang Singapore, sa aming pagdating sa paliparan ay kinausap ko ang aking pamilya sa huling pagkakataon, sabi ko sa aking mga anak ay “Norberto, ikaw ang panganay kong anak kaya alagaan mo si Theresa , at ikaw naman Theresa , maging mabuti ka sa iyong nanay.” Malungkot akong niyakap ng aking asawa na si Peach ngunit nang tiningnan ko ang mga mukha ng aking mga anak ay parang wala silang nararamdaman na kahit ano, niyakap ko sila nang mahigpit na mahigpit at sa paghiwalay namin ay tuluyan nalang akong naka talikod at hindi na tumingin sa aking pamilya.

Ika-5 ng Disyembre, 1989

Ang panahon ngayon ay malamig na, medyo makulimlim, malamig na hangin ang tumatama sa aking mukha, mga berdeng mga puno kahit saan na sumasayaw sa hangin, mga gusali na napakataas ay nakakalat kahit saan at mga kotseng magaganda na umaandar na mabilis sa kalsada, ang lahat ng ito ay nakikita ko habang ako ay nasa opisina ng isang napakataas na gusali sa gitna ng bayan ng Singapore. Kasama ko ang aking mga katrabahong mga Singaporean na may singkit na mga mata at napakaputi ang balat at mga Indiano na may maitim na balat, matangos na ilong at medyo mabaho, ito daw ay dahil sa kanilang kinakain, habang pinapag-usapan namin ang aming mga plano para sa bagong gusali ay napatingin ako sa isang napakagandang babae na nahihirapan sa kanyang mga dalang libro, agad ko siyang nilapitan at tinulungan sa kanyang mga dala. Tinanong ko ang pangalan ng magandang binibini at ito ay Kathy Mercedes, isang napakagandang pangalan para sa isang napakagandang binibini, isa rin siyang Pilipino. Kami ay nag-usap na parang matalik na kaibigan. Pagkatapos ng ilang mga taon na pagsasama sa kanya ay talagang naging matalik kaming mga kaibigan.

Ika-25 ng Agosto, 1997

Napakataagal na rin na hindi ko nakita ang aking pamilya, ngunit kailangan ko ito gawin para sa kinabukasan ng aking mga anak, ngayon ay muling ipadala ako sa China. Lumipad ako agad agad papuntang China, sa pagdating ko sa lungsod ng Beijing ay agad kong naramdaman ang diperensiya sa kultura. Pareho parin ang itsura ng mga tao, singkit parin ang kanilang mga mata ngunit wala nang mga Indiano. Pumunta