komportable na ang pakiramdam, sabay kaming nakahiga sa isang kama lamang at sa walang plano ay nagkasala ako sa Diyos at sa aking asawa dahil nagbetchot kami ni Kathy nang gabing iyon.
Pagkatapos ng ilang taon, natapos na ang proyekto ko sa China at binigyan kami ng mahaba-habang bakasion. Umuwi kaagad ako sa Pilipinas. Sa pagdating ko sa Pilipinas ay naramdaman ko kaagad ang nakakapasong init ng araw ,ang lagkit ng hangin at ang ingay ng mga tao. Kumuha kaagad ako ng isang taxi para makarating sa aking bahay. Masayang-masaya ako na makikita ko na muli ang aking pamilya pagkatapos ng ilang taong nawala ako, hindi nila alam na makikita nila ako muli kaya mas lalo akong masaya na Makita ang mukha nilang walang kaalam alam. Sa pagdating ko sa harap ng bahay ko ay nakita ko ang aking mga anak mula sa bintana, sobrang tuwa ako na nakita ko nang malaki na ang aking mga anak, pagkatapos ng ilang Segundo ay nakita ko rin ang aking mahal na asawa, habang ako’y naglalakad papunta ng pinto ay may nakita akong ibang lalake na hinalikan ang aking asawa at niyakap ang aking mga anak, sa pagkakataong iyon ay nabitawan ko ang aking mga bagahe at sobrang nalungkot ako, sa tagal tagal ng aking sakripisyo ay ipagpapalit lamang ako sa ibang tao. Tumalikod ako at tumuloy nalang sa isang hotel kung saan gumawa akong ng desisyon na bumalik ng China para makasama si Kathy.