Gitara
Christine Diane Cabonce
Maganda, matalino at matangkad. Matulungin at mahusay kumanta. Ito si Hanako Hikari. Sa kasalukuyan ay nakatira sila ng kanyang ina sa isang maliit na bahay sa probinsya ng Tosa, Japan. Isang taon pa lamang siya noong lumipat ang kanyang ina sa Japan upang hanapin ang kanyang ama. Si Hanako ang bunga ng ipinagbabawal na pagmamahalan ng ama niyang hapones at ng kanyang ina na isang pilipina. Pumunta roon ang kanyang ina sa pag-aakalang mabubuo nila ang kanilang pamilya. Taliwas sa kanyang inaasahan ang kanyang natuklasan. May sariling pamilya na pala ang lalaking minamahal niya. Upang panagutan ang kanyang nagawa, pinapaaral ni Katsuro si Hanako. Kapalit nito ay di sila maaring magpakita sa kanyang totoong pamilya.
Labinlimang taon na silang naninirahan sa Japan ngunit kahit isang beses ay hindi niya pa nakikita ang kanyang ama. Sa paaralan, tinutukso at pinagtatawanan si Hanako ng kanyang mga kaklase. Dahil umano sa kulay ng kanyang balat. Mapuputi ang mga tao sa Japan at bilang isang kalahating Pilipino ay nakuha niya ang kulay ng kanyang ina. Tinutukso rin siya dahil wala siyang ama. Sabi nga ng kanyang mga kaklase ay iniwan raw siya dahil maitim siya. Labis na nasasaktan si Hanako nito kaya naman hinanap niya ang kanyang ama. Natuklasan ito ng kanyang ina at pinagalitan siya. “Hanako! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo pwedeng puntahan ang iyong ama! Tigilan mo na ang kahibangan mo!” wika ni Akira sa anak niya. “Ina! Ikaw! Ikaw
dahilan kung bakit ayaw akong makita ni ama! Kung bakit niya tayo iniwan!” Sigaw ni Hanako sabay takbo papasok sa kanyang silid.
Galit na galit si Hanako sa kanyang ina mula pa sa pagkabata niya. Araw-araw niyang tinatanong ang kanyang sarili kung bakit ganito ang kanyang buhay. Hindi niya naisip ang lahat ng ginagawa ng kanyang ina ay para sa kanya. Pasukan nanaman at mamimili na si Hanako at ang kanyang ina ng mga bagong damit. Napadaan sila sa isang bentahan ng mga gitara. Matagal na nakatitig si Hanako sa mga gitara. Pangarap niyang maging sikat na singer ngunit tila hanggang panaginip nalang ito sa kanya. Mahirap lamang sila. Nakita ni Akira ang kanyang anak na nakatitig sa mga gitara. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay ngunit pinaalis siya ng kanyang anak.
Ilang buwan na lang at kaarawan na ni Hanako kaya naman araw-gabi at walang tigil ang kanyang ina sa pagtatrabaho. Alas tres na ng umaga kung umuwi si Akira. Gigising siya makalipas ang limang oras upang ipagluto si Hanako, at pagkatapos ay aalis na naman ng bahay upang magtrabaho. Masaya si Hanako na halos hindi na niya nakikita ang kanyang ina, ngunit makalipas ang isa at kalahating buwan, nagsimula na siyang makaramdam ng kalungkutan. Hinahanap-hanap na niya ang kanyang ina.
Mag tatanghali na at wala pa nakauwi ang kanyang ina. Wala silang pasok noon kaya nagdesisyon siyang hanapin na ang kanyang ina. Dumaan siya sa bentahan ng mga gitara. Tiningnan niya ito ng matagal. Sa likod niya ay may narinig siyang sigaw ng isang babae sabay malakas na ingay mula sa kotse