tila ba’y may nabundol. Tumalikod siya.
Namumulang ilong at namamagang mga mata. Mga luhang tumutulo mula sa kanyang mata na ayaw tumigil. Tila isang balde na ang kanyang nailabas. Tumakbo si Hanako patungo sa babaeng nakahiga sa kalsada at hinawakan ang kamay nito. “Ina!” sabi niya. Sa tabi ng kanyang ina ay isang gitara na may kasamang papel. Sa loob nito ay nakasulat “happy birthday anak. Mahal kita. Abutin mo ang iyong mga pangarap.” Umiiyak si Hanako. Tila sumisikip na ang kanyang dibdib. Nalilito siya at natatakot. Takot siyang mawala ang kanyang ina. Mahal niya ito at ayaw niya itong mawala sa kanya. Humingi siya ng tulong at maya-maya’y dumating na ang ambulansya upang dalhin ang kanyang ina sa ospital.
Isang buwan din ang inabot ng pagpapagaling ni Akira. Matapos nito ay nagkaayos na sila ni Hanako. Nagdesisyon silang bumalik sa Pilipinas at doon na nanirahan. Sinuportahan ni Akira si Hanako sa kanyang pangarap na maging isang magaling na singer. Nagsikap ang dalawa na makamit ang kanilang pangarap at ginamit nila ang kanilang mga karanasan upang patibayin pa ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.