d 1 | Page 20

Mananayaw

Chrisidore Estep

Si Brian ay isang mananyaw ng tinatawag nilang abstract hip-hop. Ang sayaw ay ginawa niyang parte ng sarili niya. Siya ay nagsasanay sa kanyang sarili at walang nagtuturo sa kanya. Sa isang saglit na may maririnig siyang kanta na ipinatugtog sa kahit saan, siya ay sumasayaw na parang walang nakatingin sa kanya.

Simula na ng pasukan sa ika-tatlong taon sa kanilang paaralan. Una siyang pumasok sa klase at ninerbyos sa taong ito. Dumating na ang iba niyang mga kaklase at ang kanilang guro. Sinimulan nila ang kanilang araw ng pagpapakilala sa isa-isa. Bigla niyang napansin ang isang dalagang babae na ubod ng ganda at kapag tumingin ang babaeng ito sa kanya ay nakakaramdam ng isang daang mga paputok na inilawan at ipinapapaputok sa himpapawid at may magandang musika na na maririnig sa likhang isip. Tapos, bigla itong nilapitan ni Brian at nakatitig sa kanyang mga mata at bigla itong sumayaw para mapakintal niya ito pero hindi siya pinansin nito dahil may kausap na iba.

Nahuhulog na ang puso niya para sa babaeng ito pero wala siyang ginagawang aksyon para mapaalam sa kanya na may tagahanga siya. Isang araw, tinanong niya kung anong pangalan nito at siba nang dalaga ay “ang pangalan ko pala ay Kayla, at ikaw naman ay si?”. Walang nasagot Brian at bigla itong nawala sa paningin ni Kayla.

Sa ikalawang markahan ng kanilang klase ay nagiba ang pagkaayos ng aming upuan. Inilagay ako sa harapan para nakikita ni Brian ay nakaayos mag aral. Nawala sa paningin niya ang kung sino ang

a likod o nasa tabi niya. Bigla niyang napansin na may tumatawag sa pangalan niya, “huy Brian!”, ganoon ang narinig niya at ng bigla siyang humarap sa tabi niya ay ang nakita niya agad ay si Kayla. Biglang nasabik si Brian at napalayo ang paningin. Mga ilang tawag ni Kayla pero hindi pa rin ito humaharap. Pero may narinig niya si Kayla na nagsabi na “Kung hindi ka haharap sa akin ay magpapalipat ako ng upuan”. Hinarap ni Brian sarili niya kay Kayla at tumawa ng parang walang hangganan. Ang reaksyon naman ni Kayla ay tumawa din tapos bigla naman nawala si Brian.

Humahanap si Brian ng paraan na kung paano mapapaalam kay Kayla ang kanyang nararamdaman. Inulit-ulit ni Brian na ipaalam sa kanya ang nararamdaman pero wala pa rin epekto kay Kayla.

Sa huling pagkakataon, ay nilapitan ni Brian si Kayla at sinayawan niya ito, ngunit biglang sumigaw si Kayla at sinabi niyang “Tama na! anong kaguluhang ito?” at huminto si Brian at sinabi na “ibibigay ko ang puso ko.”