Wallet
Edrick Silva
Sa isang lugar ng skwater sa Tondo ay may magkaibigang sina John at Rob. Si Rob ay nag-aaral sa Florentino Torres National Highschool siya ay labing pitong taon na at nasa ikaapat na taon pa sa mataas na paaralan. Si John naman ay hindi na nag-aaral dahil mahirap lamang sila. Tumutulong si John sa kanyang nanay sa pagbebenta ng isda sa palengke. Mahilig silang tumambay sa Plaza Morga. Si Rob naman sy tumutulong sa pagbebenta ng gulay sa palengke tuwing sabado.
Isang araw habang tumatambay ay may nakita si John na pitaka. Nang nagkita si John at Rob hindi sinabi ni John na nakakita siya ng pitaka na may lamang limampung libong peso. Ang kalahati ng pera ay binigay niya sa kanyang nanay at ang kalahati ay tinago niya. Napagpasyahan ni John na gamitin ang pera sa pamamasyal. Namasyal sila sa SM megamall, Intramuros, Manila Bay, Greenbelt at Luneta. Sa pamamasyal ay namili rin sila ng mga damit at pagkain. Mas nagustuhan nila ang pamamasyal sa Intramuros dahil marami silang natutunan tungkol sa kasaysayan nang Pilipinas.
Pag-uwi ni Rob sa bahay ay malungkot at umiiyak ang nanay niya. “Ano po ang nang-yari inay?” sabi ni Rob. “ Nawala kase ang pitaka ko at ngayon wala na tayong pambayad nang tuition mo at pambili ng pagkain. Naalala ni Rob na may maraming pera si John at hindi niya alam kung saan ito nanggaling at papaano niya ito nakuha. Pinuntahan ni Rob si John “ Saan mo nakuha ang perang ginamit mo?” tanong ni Rob. “ May nakita akong pitaka sa Plaza Morga” sagot ni John.”Patingin nga nang pitaka na nakita mo” inabot ni John ang pitaka kay Rob at inuwi ito. “Ito po ba ang iyong nawawalang pitaka inay?” tanong ni Rob sa kanyang nanay. “Oo anak saan mo ito nakita at saan na ang pera?” Sagot ng kanyang ina. Hindi na sinagot ni Rob ang tanong ng kanyang ina at dumiretso sa bahay ni John. “ Bakit hindi mo sinabi na nakakita ka ng pitaka?” tanong ni Rob. “ Bakit sa iyo ba iyon?” sagot ni John. “oo” sagot ni Rob. Hindi na nakapagsalita si John at tumakbo sa Plaza Morga.
Simula noon ay hindi na sila nag kita sa Plaza Morga at hindi na rin sila nagpansinan. Hindi mababalik ang masasayang alaala sa Plaza Morga dahil lang sa pera. Umiba ang simoy ng hangin sa Plaza Morga naging mas tahimik, malungkot . Hindi na nagpansinan si Rob at John. Ang perang nagastos ay unti-unting iniipon ni Rob para mabawi ang nawawalang pera. Si John naman ay binawi ang pera sa kanyang nanay at binigay sa nanay ni Rob ng hindi alam ni Rob. Noong sinabi nang nanay ni Rob ang ginawa ni John ay nagging magkaibigan ulit sila. Madalas narin ang sigla sa Plaza Morga