“Saan mo nakuha ang litratong ito?” agad niyang inagaw sa akin ang litrato at sinabing “Ibinigay ito sa akin ng madrasta ko. Bakit?” sa mga panahong iyon, napakaraming tanong ang umiikot sa utak ko. Sino ba ang babaeng ito? “A.. Ako ‘yang nasa litrato e, at nanay ko.” Sa mga sandaling iyon, niyapos niya ako ng mahigpit. Nakaramdam ako ng lukso ng dugo. “Ikaw na nga ang hinahanap ko!” ang maligayang paghikbi niya. “Sinabi sa akin ng madrasta ko na roon ko daw matatagpuan ang nanay sa karinderya niyo! Subalit kapatid ko pala ang makikita ko! Akalain mo nga naman. Teka, asan ba ang inay? Bakit hindi ko siya nakikitang nagtitinda kasama mo? Araw-araw akong naghihintay, umaasang masisilayan ko siya.” Sa bilis ng mga pangyayari, ‘di ko na alam kung anong sasabihin. Masaya akong malaman na may kapatid pala ako. Ngunit kung kailan naman wala na si nanay, saka pa dumating ang kapatid kong sabik sa kanya. “Wala na siya..” Unti-unting nawala ang mga ngiti sa kanyang maamong mukha. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at niyakap niya ako. “Masayang-masaya ako at nakita kita, ate.” Hindi ko alam kung anong klaseng saya ang naramdaman ko sa sinabi niyang ‘yon. Ate.