Ang Bantayog Bantayog | Page 5

HUNYO - NOB . 2017

HUNYO - NOB . 2017

Ang Buwan ng Wika ay mahalaga sapagkat dito ’ y natutukoy ang pagkakakilanlan ng ating Wikang Pambansa . Mapapribado man o pampublikong paaralan at lugar , laging ipinagdiriwang at idinaraos ang Buwan ng Wika .
Ayon nga kay Dr . Jose Rizal , “ Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda .” Kung kaya ’ t Pilipino ka man o Tsino , dapat marunong kang mag-
Kung ang guro ay itinuturing nating ikalawang magulang , ang klasrum din ba ay dapat nating ituring ikalawang bahay ?
Wala tayong dapat ipagtaka kung bakit dapat nating ituring bahay ang ating klasrum . Isipin mo na lang kaya kung walang ma- sisilungan ang mga estudyanteng tulad mo , magiging komportable
Ang pagiging responsableng estudyante ’ y hindi madali sapagkat kailangang may pusong may pangarap at pagpupursige ngunit kung ang pagpupursiging ito ay napalitan ng pagpipili , ano na lang ang mangyayari ?
Sa kabi-kabila ’ t sunod-sunod na aktibidad na nagaganap sa paaralan ay lalong nadaragdagan ang mga pasaning dapat harapin ng mga mag-aaral lalo na sa mga estudyanteng kabilang sa iba ’ t ibang organisayon .
Ang kaganapang ito ay nakababahala lalo na ’ t may mga piling mag-

Filipino : Wikang Mapagbago Ni Grechel Joy V . Gabriola

mahal sa iyong sariling wika . Huwag mong ikahiya na gamitin ito dahil ito ang tumutukoy sa pagkakakilanlan mo .
Kung pagpapasikat lang ang gusto mo , huwag mo naman yatang kalilimutan ang iyong kinagisnan . Tandaan mo ika ’ y Pilipino . Gagamit ka ng ibang wika upang makipagsabayan sa iba ? Gagamit ka ng Ingles pero mali-mali naman ? Ganoon ka ba ? Kaibigan mag-isip-isip ka nga . Mayroon ka namang sariling wika , ba ’ t di mo gamitin , paunlarin ? Ipagmalaki at sabihing “ Filipino : Wikang

Sa Klasrum

Ni Jose Marie A . Bautista ka pa kaya ? Okay lang basa iyo na sa labas ng silid-aralan na lang uupo ? Di ba ’ t hindi maaliwalas at walang ganang makinig sa guro ?
Alam mong dito ka natutong imulat ang iyong mga mata sa mga bagong kaalaman at kasabay nito ay ang paghubog ng iyong puso ’ t isipan . Dito mo rin ipinakita ang iyong sariling galing at alam natin lahat na sa ganitong paraan ay

Buhay Estudyante Ni : Erickson P . Sarino

aaral na naiipit sa kanilang pagpipilian .
Halimbawa na lamang sa sitwasyong may mga mag-aaral na kasapi sa Supreme Student Government ( SSG ) na kasapi rin sa ibang organisasyon katulad ng SAMAFIL , Mathalino , Environs at iba pa . Kung halimbawa ’ y magkaroon ng parehong iskedyul ng alituntuning gaganapin ang mga nasabing organisasyon o club ay ano na lamang ang mangyayari sa mga estudyante ?
Sadyang nakababahala kung magpapatuloy pa ang kaganapang ito sapagkat maaari itong
Pambansa ng mga Pilipino ”.
Tangkilikin at mahalin mo ang Wikang Filipino . Pilipino ka naman , ’ di ba ? Hindi Intsik , Amerikano o Koryano , kaya huwag kang magpakadayuhan sa ating Wika dahil ito ay makasasakit sa damdamin at pkikibaka ng ating mga ninuno . Mga ninuno na pinahalagahan , pinangalagaan at higit sa lahat sa lahat pinaunlad ang ating Wika Tama ’ di ba ? Kung ika ’ y sumasang-ayon , tayo ’ y magkaisa at ipagmalaki ang sariling Atin , ang Wikang Filipino .
pwede kang makapagdulot ng magandang impluwensiya sa mga estudyanteng gusto ring sundan ang iyong mga yapak .
At sana ating pakatandaan na sa isang munting silid masasabi natin na napakahalaga ng paaralan . Buong puso nating maisisiwalat sa kapwa nating mag-aaral na malaki ang naitulong sa atin ng klasrum sapagkat ito ’ y bahagi ng edukasyon .
magbunga ng epekto sa mga kabataang nagnanais lumahok o sumunod sa yapak ng mga mag-aaral na nasa organisayon na at kung ito ’ y magpapatuloy ay maaring humantong sa katamaran at kawalan ng gana na magdudulot ng pagbaba ng bilang ng mga estudyanteng puspusang nagtatrabaho para sa ikauunlad ng paaralan .
Kailangang mapag-usapan ng bawat panig ang mga kaganapan upang maiwasan ang hindi inaasahan na overlapping pero kailangan na maging mapamaraan ang sinuman para walang maantalang gawain .
Pagpasok pa lamang sa eskwelahan ay makikita na ang mga alituntunin ng paaralan . Mahalaga ang mga patakaran at regulasyong ito . Kabilang na dito ang pagsusuot ng uniporme dahil dito natutukoy ang pagkakakilanlan ng paaralan . Ngunit sa nakikita natin ngayon ay tila hindi ito lubusang naipapatupad . Kung dati ay hindi makakapasok kung hindi naka-uniporme , ngayon binabalewala na lamang ito ng ilang estudyante . Papasok sa paaralan na animo ’ y artista sa pormahan . Ganyan na ba kaimpormal ang mga magaaral ?
Makailang-ulit na nating marinig ang mga paalala ngunit wala namang matibay na patakaran na tuluyang mag-iimplementa rito . Marami namang estudyante ang sumusunod dito ngunit hindi namang maikakaila na hindi lahat ay may disiplina . Ang iba ’ y hindi nga magawang makompleto ang isang buong linggo na nakasuot ng tamang uniporme .
Iba ’ t iba ang dahilan kung bakit hindi nakakapagsuot ang iba ng kompletong uniporme . Ang iba ’ y kapos-palad kaya hindi makabili-bili nito at kung minsan , ang iba ’ y may iisa o dadalawang pares lang ng uniporme . Ang iba ’ y hindi komportable sa tuwing isinusuot ito . Habang ang iilan ay nahihiyang isuot ang preskribadong uniporme dahil sa mga kathang-isip na baka hindi sila bagay sa pormahang ito .
Kung tutuusin , hindi katanggap-tanggap ang mga rason na ito . May programa ang pamaha-

OPINYON 5

Uniporme : Pagkakakilanlan ng Paaralan

Ni Jericho V . Caminong
laan na Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4P ’ s ) at Modified Cash Credit Transfer ( MCCT ) na tutustos sa mga pangunahing pangangailangan sa paaralan ng mga kapos-palad na kabataan . Kung iisa o dadalawa lang ang pares ng uniporme mo , pupuwede namang labhan mo kada pag-uwi total madali namang matuyo ito . Hindi dahilan ang hiya o hindi pagiging komportable . Sa tingin mo ba ang hiya mo ay makakapagbigay ng karangalan sa ating paaralan ?
Sa akin lang , dapat talagang sundin ang alituntunin na ito pati na ang iba dahil ito lamang ang tanging paraan , kung hindi man , natin mabibigyan ng respeto at dangal ang ating tahanan na kung saan tayo ay nag-aaral . Pakaisipin naman natin na sasalamin sa ating gawa ang pangalan ng ating paaralan . Bumababa ang pagtingin ng iba sa prestihiyosong paaralan natin dahil sa hindi tayo sumusunod sa mga patakarang ipinapatupad ng institusyong ito , naturingan pa namang prestihiyoso .
Hindi lamang sa mga mag-aaral ang pagsunod nakasalalay . Kung may matibay sanang pagpapatupad ng mga alituntunin gaya ng pagpataw ng kauukulang parusa sa mga hindi susunod , maaaring wala nang lalabag .
Gayunpaman , DISIPLINA talaga ang pinag-uugatan ng pagpa pahalaga . Kung lahat ay susunod , mas mapapaigting at mapapanatili sana ang kalidad ng ating paaralan . Sa pagsusuot ng tamang uniporme , mas mapapalinaw pa natin ang pagkakakilanlan ng ating Paaralan .