HUNYO - NOB . 2017
4 EDITORYAL
HUNYO - NOB . 2017
Matanong lang po !
Ginoong Editor , Magkakaroon po ba ng karagdagang kurso kagaya ng STEM kaya isinasagawa ang bagong gusali ?
-Sally
Sa iyo Sally ,
Ang atin pong paaralan ay nag-aplay na nito ngunit wala pang resulta kung ito po ba ay maaprubahan o hindi .
Pagbabago at Pagpapatotoo
Alinsunod sa Civil Service Memorandum Circular No . 3 , serye 2016 , ipinatupad sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ang Biometrics Time Attendance kung saan gagamitin sa tuwing magla-log in at magla-log out ang mga empleyado ay isang mainam na ideya para sa pagsabay sa agos ng pagbabago ng teknolohiya na nagpapadali ng trabaho .
Ang biometrics machine ay isang makabagong teknolohiya kung saan tinutukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng isang tao sa pamamagitan ng fingerprints , retina pattern sa mata at hugis ng kamay o mukha .
Kabilang sa mga institusyong ito ang mga pampublikong paaralan . Lahat ng mga guro ay kinailangang magrehistro para umangkop sa bagong sistema . Imbis na sa logbook itala ang oras ng pagpasok at paglabas o kung tawaging time in at time out , gagamit na lamang ng biometrics machine kung saan fingerprints ang gagamitin .
Sa kabilang banda , umalma ang ilan patungkol dito . Malaki raw ang ginastos dito ng pamahalaan . Ang ilang partido naman ay sinasabing hindi sila komportable sa kadahilanang hindi sila masyadong pamilyar sa mga makabagong aplikasyong teknolohikal . Dagdag pa , masyado raw matagal ang prosesong ito kaya nagkakaroon ng mahabang pila . Ngunit kung tutuusin , malaking tulong ito sa pagseserbisyo . Mas katiwa-tiwala ito kaysa sa ordinaryong pagsulat sa logbooks . Dahil nga gumagamit ito ng mga hindi nagagayang biometrics gaya ng fingerprint , hindi ito napepeke kaya mas mataas na lebel ng seguridad ang hatid ng sistemang ito .
Kung sa talaan naman ng pagpasok , magagamit ang naturang makina sa pagtukoy sa tamang oras ng pagpasok ng isang empleyado . Magiging eksakto ang impormasyon sa tuwing magsusumite ng rekord na kinakailangan pagdating sa pay roll . Mabilis din ang proseso nito dahil sa ilang pindot lamang , magkakaroon na ng kopya na attendance record .
Sa halip na ibang pamamaraan ang gagamitin kagaya ng paggamit ng key cards , password at logbooks , mas ligtas nang magagawa ang mga propesyonal na transaksiyon .
Ito na nga kaya ang daan sa pagkamakatotohanan ng pagkakakilanlan at katapatan ng isang tao tungo sa mas maunlad na bansa gamit ang makabagong teknolohiya ?
Kung ang layunin ay makasabay sa kapanahunan ng pagbabago ay tiyak hindi hadlang ang prosesong handog ay kaginhawaan at katotohanan .
Dear Editor , Matanong lang po , saan pa po ba pwedeng magtungo ang mga estudyante sa oras ng lindol gayong wala nang espasyo sa loob ng paaralan ?
-Stranger
Dear Stranger ,
Ang pinakamaiging gawin po ay magpunta sa labas ng kampus patungong Dulag Central School sapagkat wala ngang espasyo sa loob ng ating paaraalan . Hindi naman kasi tipikal ang tumakbo papuntang silangan sapagkat malapit po tayo sa dagat .
Dear Editor , Wala po bang ibang solusyon sa kakulangan ng klasrum maliban sa paghahati ng ilang rooms ?
Confused
Dear Confused ,
Sa ngayon ay ito lang po ang pinakamadaling sulusyong nakikita sa kadahilanang hindi nga sapat ang mga klasrum para sa dami ng mga mag-aaraal dito sa atin . Kapag natapos na po ang ginagawang gusali ay tiyak na magiging komportable na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang klasrum .
Dear Editor ,
Totoo po bang magkakaroon ng ordinansang NO ID , NO ENTRY ? Eh , paano po iyong estudyanteng walang ID ?
Estudyante
Dear Estudyante ,
Hindi ito ipinagpatuloy dahil hindi epektibo sa maraming kadahilanan . Ibig sabihin walang ganitong ordinansa . Siguro may nabuong mga proposal ang ilang grupo kaugnay nito pero hindi pa ito natatalakay at malabo nang ito ’ y maging epektibo .
Dear Editor , Hangang kailan po ba matatapos ang paggawa ng buildings sa DNHS ? Saranghi
Dear Saranghi ,
Ayon po sa enhenyero ay ngayong Nobyembre ito matatapos at sa susunod na pasukan ay pwede na itong magamit .
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES DEPARTMENT OF EDUCATION DULAG NATIONAL HIGH SCCHOOL DULAG . LEYTE OFFICE OF THE PUBLICATION |
|
|
|
TAONG PANURUAN 2017-2018
JERICHO V . CAMINONG Punong Panugot ERICKSON P . SARINO
Pangalawang Patnugot
|
Tagapamahalang Patnugot Aubrey Jane Delfin Rodel Permejo Mary Rose Zabala Kent Renier Sible Grechel Joy Gabriola
Patnugot sa Balita Hannah Mae Palaña Arian Grace Alonzo Michaella Estrella Francine Marie Atregenio
Fotograpo Keziah Pauline Lawsin Ethel Rainne Corsino Mavee Dawn Abad
|
Patnugot sa Lathalain Fate Abby Gael de Paz Eloisa Jane Bautista April Joyce Espino Cindy Serrano
Kartunista Shiela Mae Lagunzad Aldwin Bulgado Jose Mari Bautista Carmendale Lauzon
Patnugot sa Palakasan
Earl Rusty Cagadas Fiona Arabella Manacpo Grazel Mae Biron
|
|
|
Patnugot sa Agham at Teknolohiya Martin Jacob Pabro Andrea Mae Matsushima Christiana Joy Espino
Lay out Artist John Francis Rivas Mhylvyn Calupaz
Kontribyutor Kiel Casundo Marlie Julliene Pabro Gwendelen Animos John Marie Bautista Elvera G . Novio Lolita R . Encomio Ronald M . Catantan
|
Mga Tagapayo
RUCHELL P . TUMANDAO HAROLD A . CADION JOSEPHINE D . SAÑO
NANCY P . ALICANDO Konsultant
EMMA G . YU Ulong Guro ng Departamento ng Ingles at Filipino
LOURDITA A . RIÑOS Punongguro II
|